Sobrang emotional ko talaga sa mga nagdaang araw eh hindi ko mawari kung ano, andito ako ngayun sa kwarto ni Raiko naka higa sa kama nya ang bango napapanatag ang pakiramdam ko pag naamoy ko sya niyayakap ko pa ang unan dahil may amoy pa nya,
Kalaunan ay bumaba nadin ako baka maabutan pa nya ako sa kwarto nya baka ano na naman ang isipin nya,Ala una na nang hapon kaya naisipan kung pumunta sa malapit na convenience para bumili ng meryende natatakam ako sa ice cream, hindi na ako nagpa alam kay manang dahil saglit lang din ako at mag ta taxi lang ako, tinamad akong mag drive.
May nakita agad akong taxi kaya sumakay nadin ako papuntang convenience, madali lang din akong nakarating dahil malapit lang din ito sa bahay, pagkapasok ko palang sa convenience ay agad akong dumeritsyo sa frozen food at nag hanap ng ice cream, kumislap ang mata ko pagka kita ko sa ube flavor na ice cream kaya dali dali ko itong kinuha, nagtingin tingin pa ako ng pwede kung bilhin baka may magustohan din ako, ilang minuto akong naglibot libot ay siopao at hotdog with bun lang ang nagustohan ko, pumunta na ako sa counter at nagbayad nadin,
Palabas na ako ng convenience at kinakain ko na ang siopao dahil na takam ako sa amoy, may nakita akong upoan sa labas ng convenience kaya umupo ako at dun na tinapos ang pagkain ng siopao, parang nakulangan ako dun ah, napagdisisyonan ko ding umuwi baka hinahanap na ako ni manang, pagka sakay ko ng taxi ay ang hotdog naman ang nilantakan ko sa Bahay kona kakainin ang ice cream.
"Dito nalang po" binigay ko na ang bayad at lumabas na nang taxi,
"Ma'am kanina pa po kayo hinahanap ni manang nelia" Pagkasabi non nang guard ay dalidali akong pumasok.
"ija? saan kaba galing? kanina pa kita hinahanap" pagpasok ko palang ay bumungad na si manang at tumingin sa dala ko,
"May binili lang po, pasensya na hindi ako nakapag-paalam" sumonod si manang sa akin papuntang sala nilagay ko sa lamesa ang ice cream na binili ko,
Kumoha muna ako nang dalawang kutsara at bumalik sa sala, kita kung nagugulohan si manang sa inasta ko,
"Halika manang, kain tayo" nilabas ko sa plastic ang ice cream at sumobo,
"Nakong bata ka nag ice cream kana eh hindi ka nga kumain kanina" sirmon ni manang sa akin,
"Minsan lang naman to manang, oh tikman mo masarap" binigay ko sa kanya ang Isang kutsara at hinila sya paupo.
Hindi ko din naman mauubos to Malaki kasi ang nabili kung ice cream.
Wala nang nagawa si manang kaya umopo nalang din sya at kumain,"Nagtataka na ako sayong bata ka ha" tumingin ako kay manang at sumosubo padin.
"Buntis ka ba?"
"po?!" Nabigla ako sa sinabi manang at napatigil sa pagkain.
Inalala ko naman ang mga nangyari sa akin sa nagdaang mga araw, sa pagsusuka, nahihilo at may hinahanap akong amoy, kinabahan naman ako sa posibleng mangyari,
Hindi ko nga alam kung magiging masaya ba ako kung totoo man, sobrang gandang blessing kung meron man.
Napahawak ako sa tyan ko at tumingin kay manang. Kita kung nagugulohan din ito.Anong gagawin ko kung totoo ngang buntis ako?
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
RomanceAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...