Sa ilang taong pamumuhay ni Beckett sa pagdadalamhati at pighati, isang bagay lang ang tanging nagpapakalma sa kan'ya, lalo na sa mga oras na pinanghihinaan na siya ng loob. Iyon ay ang family picture nila na ipinakuha niya pa sa studio noong bata pa siya—Noong bago ipadala si Beckett sa Milan para ituloy ang kan'yang pag-aaral.
He was only ten years old at that time, and he wanted to spend more days with his family. But he can't. Saglit lang kasi siyang pinapanatili ng magulang sa Pilipinas, at pagkatapos ay ipapa-book na siya ng ticket papuntang Italy.
Beckett, at such a young age, didn't knew that something was wrong. Ang iniisip niya lang ay baka ayaw sa kan'ya ng magulang kaya palagi siyang pinalalayo ng mga ito.
"Anak, kapag naging maayos na ang lahat, susunod kami sa'yo roon, okay?" saad ni Ylona, ang ina ni Beckett, bago hinalikan ang anak sa noo. "Pangako 'yan."
Pero ang pangakong iyon ay tuluyang napako. Habang tumatagal ay mas nagiging madalang ang pagkikita nila. Naging busy na rin kasi si Beckett sa paaralan, at kailangan niyang pagbutihan ang pag-aaral para sa kan'yang grades.
He wanted to make them proud, but as soon as he finally reached his dreams... his parents were taken away from him.
Suddenly, Beckett's gaze went to the broken family picture beneath Vivianne. Inilagay ni Beckett ang picture frame sa itaas ng kan'yang dresser bilang isang paulit-ulit na paalala kung bakit pinipilit niyang mabuhay sa magulong mundo na ito.
But now, seeing that family picture shattered beneath Vivianne triggered the fear inside him—Like he just lost his parents for the second time. And the blood dripping on their picture suddenly sent shivers down his spine.
Beckett's breathing ragged. And suddenly, he was at a loss for words. Biglang pumasok sa isip niya kung ano ang nadatnan sa dati nilang bahay noong minsang umuwi siya galing Milan.
Dugo... Napakaraming dugo. Napakarami ring saksak. Sa dami noon ay siguradong may galit ang gumawa nito sa kanila. Wala itong awa, halang ang kaluluwa, at kailangan niya itong makita—
"Shit!" mura ni Beckett sa sarili nang mapagtantong bumalik na naman ang alaala niya sa bagay na iyon, at muntik na naman siyang malunod sa kan'yang pagmumuni-muni.
Ni hindi niya kaagad naisip na sugatan ang kamay ngayon ni Vivianne dahil sa hawak nitong piraso ng salamin na nanggaling sa picture frame. Nakatulala rin si Vivianne habang malalim ang iniisip, at nakatitig sa family picture nila.
Beckett regained his composure for a second before he went to Vivianne. Nang hawakan niya si Vivianne at iniharap ito sa kan'ya ay doon pa lang natauhan ang babae. Base sa reaksyon nito at sa dami ng dugong pumatak sa picture frame ay mukhang kanina pa ito nakatulala, bagay na ipinagtaka ngunit ipinag-alala rin ni Beckett.
Vivianne bit her lower lip as she grimaced, feeling the pain on her finger. "S-S-Sorr—"
"Let that go," Beckett interjected, gently removing the piece of glass that Vivianne was holding eagerly.
Inihulog muna ito ni Beckett sa sahig. Mamaya na lang niya lilinisin ang kuwarto pagkatapos asikasuhin si Vivianne.
"Come with me."
Hinila ni Beckett si Vivianne papunta sa kusina bago binuksan ang gripo. He placed Vivianne's fingers on the running water to clean the wound.
Napapangiwi si Vivianne kapag nararamdaman ang hapdi sa kan'yang sugat, at napansin iyon ni Beckett. "We need to clean your wound, or it might get infected," aniya bago hinila si Vivianne paupo sa couch. "Wait here."
Tumango si Vivianne. Pinanood lang niya si Beckett nang umalis ito at kumuha ng first-aid kit sa cabinet. Mabilis itong bumalik sa kan'ya at kinuha ang kamay ni Vivianne upang malinis ang sugat nito.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...