Akala ni Vivianne ay magiging maayos na ang lahat matapos ang paghingi niya ng tawad kay Beckett kanina, pero akala lang pala niya iyon. Matapos kasi niyang sagutin si Beckett kanina sa tanong nito ay hindi na muling nagsalita ang lalaki.
Mas naging tahimik pa ito, at tanging ang paghigop lang nila sa sabaw ng noodles ang maririnig sa buong silid.
"May problema ba?" tanong ni Vivianne nang hindi na matiis ang kuryosidad. "May nasabi ba akong mali?"
"None." Umiling si Beckett at huminga nang malalim. "Just eat, so you can rest afterward."
"Wala ka bang schedule ngayon ng photoshoot?" pag-iiba naman ni Vivianne ng topic. Ayaw niyang matapos ang usapan nila. Ayaw niya ng katahimikan dahil kung saan-saan naglilibot ang isip niya. "Bakit ka nga pala bumalik dito? May nakalimutan ka bang kunin?"
Hindi sumagot si Beckett. Imbes ay itinuro niya ang smoke detector sa kusina. "That alarm will notfy on my phone if something happens. It alarmed earlier, so I thought... something bad happened to you."
Sobrang hina ng boses ng lalaki, at kung hindi lang tahimik sa buong lugar ay baka hindi rin narinig ni Vivianne ang sinabi ng lalaki.
But no. She heard it loud and clear. She could hear her heart thumping real hard, too. Hindi niya kasi inaasahan ang sagot ni Beckett sa kan'ya.
"Thank you..." biglang saad ni Vivianne bago tumingin sa lalaki, bagay na ipinagtaka ni Beckett.
"For what?"
"For not being mad at me, for cooking me food, for understanding me..." Inilahad ni Vivianne ang magkabilang kamay at hinawakan ang isang kamay ni Beckett na nakalapag sa lamesa. "And for loving me despite the secret I told you last night."
Malambing at may sinseridad ang pagkakabigkas ni Vivianne sa mga salitang iyon. Medyo nahihiya rin siya dahil hindi siya sanay magsabi ng mga ganitong klaseng salita, pero may nag-udyok sa kan'ya na sabihin ang mga bagay na 'yon.
She just wanted to appreciate Beckett, whom she thought as a selfish bastard before. Huminga siya nang malalim at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Beckett bago muling nagsalita.
"Hindi ako sanay sa ganitong treatment..." panimula ni Vivianne bago sumilay ang kaunting ngiti sa labi. "'Yong alam kong galit ka sa akin pero ang ganda pa rin ng trato mo..."
Vivianne was accustomed to harsh words and violence since childhood, kaya naman ganoon na lang ang paninibago niya sa trato ni Beckett sa kan'ya.
She felt safe, protected, and loved... Something she felt for the first time.
"I told you, I'm not mad at you," Beckett corrected her in a stern yet gentle tone. Nakatingin lang siya kay Vivianne at sinusubukang hulaan kung ano ang nasa isip nito. "I'm worried about you since you acted strange when I went here."
At alam ni Beckett na mayroong itinatago si Vivianne kaya para siyang lutang ngayon. Beckett knew that if someone's mind was in a haze, it's more easier to fish for information. Kaunting pagmamanipula lang niya at siguradong sasabihin ni Vivianne kung ano ang nasa isip niya.
But Beckett didn't want to do his devilish tactics on Vivianne. Kahit mahirap, katulad ng ginawa niyang paghihintay kung kailan sasabihin ni Vivianne kung bakit nito alam ang magaganap na pamamaril sa orphanage noon, maghihintay siya ulit.
He'll wait for Vivianne to trust and open up to him fully.
'But... Trust?' Natawa nang bahagya si Beckett dahil sa naisip niya. 'It's only right for her not to trust you, Beckett. You're a liar, a demon who will only hurt her in the end. You're going to use her to your advantage.'
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...