Chapter 34

56 2 1
                                    

"I will not even ask you about this if I can't handle what you're going to say, Vivianne," sagot ni Beckett. Malalim ang kan'yang boses at maging ang paraan ng pagtingin nito. "I just wanted to know the truth."

Tumango si Vivianne bago ngumiti nang malungkot. "Sasabihin ko sa 'yo ang lahat. Lahat-lahat."

Nagbalik ang isip ni Vivianne sa oras kung saan ay nandoon siya sa Allamino warehouse. Doon ginagawa ni Alfred ang mga ilegal na transaksiyon kung saan siya nagbebenta ng droga at mga babae. She didn't like to be there, pero kung hindi siya pupunta ay baka kung ano ang gawin ni Alfred sa mama niya.

Despite her lack of will, Vivianne endured all the trainings Alfred had prepared for her. Tapos na siya sa physical training dahil iyon ang inuna sa kan'ya noong bata pa lang siya, kaya ngayon ay focus na si Alfred sa pagtuturo tungkol sa negosyo at tamang pakikipagtransaksiyon.

"Puwede na ba akong umuwi?" bored na tanong ni Vivianne bago sumulyap sa kan'yang wristwatch. "May trabaho pa ako."

"Ito ang trabaho mo, Miss Vivianne," sagot ni Rosalie, isa sa mga kanang kamay ni Alfred sa branch ng warehouse na ito. "Kailangan mong matutuhan ang lahat ng proseso ng mga ginagawa rito. Balang araw ay mapapasaiyo rin naman ito lahat."

"Proseso ng ano? Pagbebenta ng mga p.rostitute?" Mapaklang tumawa si Vivianne bago umiling. "Nakita ko naman na ang lahat. Alam ko na rin kung paano. So, can I go now?"

"Hindi pa po puwede dahil wala pa si Sir Alfred," mariing sagot nito bago tumingin sa kan'yang gilid. Wala pang isang segundo ay may mga guards nang puwesto sa paligid niya. "At mayroon kaming order mula kay Sir Alfred na puwede ka naming saktan kung manlalaban ka."

Napamura na lang si Vivianne sa isip. Sinasamantala talaga ng ama ang kahinaan niya sa physical fights. If only she was ruthless like her father, she could have taken the gun from her pocket and buried its bullets to their heads.

"Fine." Sumalampak si Vivianne sa couch habang nakabusangot.

Nanatili namang nakabantay sa kan'ya ang mga guwardiya. She scoffed in annoyance as her eyes trailed toward the room.

Tila sumikip ang puso niya nang makita ang mga kawawang babae sa kulungan. Some of them were crying, while some of them were just staring at the wall, hoping for their lives to be spared.

Her mother, Ella, had the same experience, too. Nakuha ito ng mga tauhan ni Alfred, at katulad ng iba ay binalak siya nitong ibenta sa prostitution. However, just a moment before she'll be shipped overseas with the other women, Alfred saved her.

And as Ella thought that it was a blessing in disguise, it turns out that it became the worst nightmare of her life. Ginamit lang siya ni Alfred bilang parausan, at noong nanganak na ito kay Vivianne, ginawa naman siya nitong hostage para makontrol ang sariling anak.

"Vianne... anak ko..." naaalala niyang pagtawag ng ina habang hinahaplos nito ang mga sugat niya sa katawan noong nasa kasagsagan siya ng physical training. "Pasensiya ka na, ha? Hindi man lang kita maipagtanggol... Pasensiya ka na kung ako ang naging nanay mo..."

Then, her gaze went to Ella's wrists. Doon ay nakita niya ang iilang peklat nito galing sa kutsilyo. Paulit-ulit sinubukan ni Ella na kitilin ang sariling buhay upang tuluyang makalaya ang anak mula sa pagkakabilanggo sa mga kamay ni Alfred.

"Ma..."

"Magiging okay ang lahat, anak."

Sa isang iglap ay may hawak-hawak na ulit na kutsilyo si Ella, dahilan para mapasinghap si Vivianne dahil sa gulat. She opened her eyes, and realized that it was only a bad dream.

Or a horrible memory.

"Shit." Napahawak si Vivianne sa kan'yang dibdib nang biglang sumakit 'yon. Luminga rin siya sa paligid, at doon napagtantong wala na si Rosalie at mga tagapagbantay nito.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon