Chapter 56

46 3 1
                                    

PAGKATAPOS ng kanilang kasal, dire-diretso silang pumunta sa airport. Walang kamalay-malay si Vivianne na nag-book na pala si Beckett ng tickets nila papuntang Italy. Nasa first class silang dalawa, at nakabusangot pa si Vivianne habang nakatingin lang sa bintana.

"You can't see anything there except the clouds," saad ni Beckett habang namimili ito ng panonoorin niyang pelikula. He doesn't like movies, but he thought he might kill some time habang nasa biyahe sila.

"Ayos lang, kaysa ikaw ang makita ko," sagot naman ni Vivianne bago humalukipkip.

Napatigil si Beckett sa pagpindot sa maliit na screen sa kan'yang harapan at napatingin kay Vivianne. "Are you mad because I didn't tell you that we're going to Italy for our honeymoon?" tanong niya, ang boses nito ay tinatantiya ang mood ng dalaga. "I thought you would like it."

"I do, but..."

"But?" Tumaas ang kilay ng binata.

"'Yong maletang napunta sa ibang eroplano..." Yumuko si Vivianne, hindi malaman kung ano ang gagawin. "May mahalagang bagay na nandoon, eh."

"Like what? Your wallet or other important files?" tanong ni Beckett, ngunit bumuntonghininga lang si Vivianne. Hindi ito um-oo at hindi rin tumanggi. "Don't worry, I asked someone to bring your luggage here. Baka kinabukasan ay nandoon na 'yon sa hotel natin. Tatlong araw naman tayo rito."

Napahilamos si Vivianne sa kan'yang mukha dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Beckett. Alam niyang tatlong araw sila mananatili sa Italy dahil may kailangan ding asikasuhing trabaho si Beckett dito, at gusto rin nilang makapamasyal.

Pero ngayong araw niya kailangan ang maletang 'yon dahil siguradong mamayang gabi ay gagawin na nila ni Beckett ang bagay na 'yon. Hindi nila 'yon first time, but somehow, Vivianne wanted to make it special because it is their honeymoon.

Kaya nga bago pa ang kasal nila ay bumili siya ng lingerie, ngunit hindi niya rin pala 'yon magagamit dahil napunta sa ibang eroplano ang maleta niya. Beckett assured her that nothing bad will happen to her things since he pulled some strings, kaso ay hindi na matutuloy ang plano niya.

"Vivianne Kaye," pagtawag ni Beckett sa buo niyang pangalan na siyang pumutol sa pagmumuni-muni niya. "What's the real problem?"

Hindi sumagot si Vivianne. Mas lalo lang siyang pinamumulahan ng mukha. Ibabalik niya sana ulit ang paningin sa bintana, pero bago niya pa magawa 'yon, kaagad na hinawakan ni Beckett ang baba niya upang magtapat ang kanilang mga mata.

Napabuntonghininga si Beckett. "Wala akong ibang magagawa sa maletang 'yon dahil lumilipad din ang eroplanong 'yon kasabay ng sa atin. If I can only tell my people to stop that plane so I can give that luggage to you, I will. But other people will suffer."

Ngumuso si Vivianne, ngunit naiintindihan niya ang sinasabi ni Beckett. May kan'ya-kan'yang agenda rin ang mga pasahero ng eroplano. Kahit simpleng bakasyon lang iyon o ano pa man, wala siyang karapatan guluhin 'yon.

"Just tell me what's the important thing inside that luggage, and we'll buy it as soon as we go outside of this plane," saad ni Beckett at pinakatitigan si Vivianne sa mata. Kita ng dalaga ang sinseridad sa ekspresiyon ng binata. "So, what is it?"

"Lingerie..." Halos hindi na marinig ni Vivianne ang sariling boses nang sabihin 'yon.

"What?"

"Wala na. Hindi ko na uulitin," sagot ni Vivianne bago umiwas ng tingin kahit nakahawak pa rin ang kamay ni Beckett sa kan'yang baba.

Parang gusto na lang niyang magpalamon sa lupa, lalo na at ramdam niya ang titig sa kan'ya ni Beckett kahit hindi naman na siya nakatingin dito pabalik. Hindi tuloy siya sigurado kung narinig nga ba ng binata ang bulong niya.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon