Chapter 74

33 2 0
                                    

"BECAUSE she's my daughter. The next heir of the company and the mafia. Kung sa ganitong bagay lang ay hindi ko siya mapagkakatiwalaan, paano ko ipapamana sa kan'ya ang lahat ng 'to?"

"But Vivianne wasn't interested in those things, and this is too dangerous. If I wasn't able to go there in time, she might have died." Nagtangis ang bagang ni Beckett nang sabihin 'yon.

He can't imagine what he would do if Vivianne died. Hell, he couldn't even imagine a life without her. Kapag nangyari 'yon ay parang namatay na rin siya.

"Kung namatay siya, ibig sabihin ay hindi siya karapat-dapat tawagin na anak ko," sagot ni Alfred nang walang pag-aalinlangan. "This is her fate, and not her dream to be a dress stylist. Hindi 'yon ang nababagay na mundo para sa kan'ya."

"And who are you to decide what she should do?" tanong ni Beckett bago nagpakita ng nakalolokong ngiti. "By the way, I can train her. I know that you did a background check about me. Alam mo na kung sino talaga ako."

Ngumisi si Alfred. Alam niyang anak ito ni Ylona, pero hindi niya sasabihin. Mas mabuti kung hindi pa alam ni Beckett ang lahat nang sa gayon ay magawa niya ang mga plano niya nang maayos.

"Yeah. You're the fucking scammer who took millions of money from me back then." 'Yon na lang ang sinabi niya.

"That's one. Pero hindi lang 'yon ang dahilan." Beckett leaned forward, narrowing the distance between him and Alfred. "I should also have a share in the mafia... as you're not the sole owner for it."

Napatigil sa paggalaw si Alfred nang marinig 'yon. Tila naestatwa siya sa kinauupuan, lalo na nang makita ang apoy sa mga mata ni Beckett. He wasn't expecting Beckett to say that.

Akala niya mula noon pa lang ay wala itong kaalam-alam tungkol sa tunay niyang pagkatao... ngunit nagkamali pala siya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," sagot ni Alfred bago sumandal sa upuan. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, na nagawa naman niya kaagad. "You have mistaken me for someone else."

"Really? Pero hindi 'yon ang sinasabi ng mga impormasyong nakalap ko laban sa 'yo." Umayos na muli sa pagkakatayo si Beckett. Nagpunta ito roon sa isang upuan—sa gilid ni Alfred. "Ylona Hernandez, my mother, was one of the founders here, the same as Dyrus Hechanova. Alam ko ang tungkol doon."

Ibinaba ni Alfred ang hawak na tablet sa kan'yang hita. "Then... Does Vivianne also know about this?"

"She does." Tumango si Beckett bago nag-dekuwatro. "I know that you're hiding more secrets from me, from us. Pero malalaman ko rin ang lahat ng 'yon." Ngumisi siya.

Tumaas ang kilay ni Alfred. "Bakit mo sinasabi ang lahat ng 'to sa akin ngayon?"

"Sinasabi ko 'to sa 'yo lahat ngayon para maghanda ka."

Dumilim ang ekspresiyon at lumalim ang boses ni Beckett nang sabihin 'yon.

"I have the rights to the Allamino mafia as well, and I can take that from you before you know it. Hindi ako interesado rito, pero kapag ipinagpatuloy mo ang ginagawa mo ngayon, sa tingin mo... Ano ang kaya kong gawin?"

Tila nagpantig ang tainga ni Alfred nang marinig ang mga katagang 'yon. Napangisi siya, ngunit kita na rin ang galit sa mga mata nito. His eyes were burning as he gave Beckett a deadly glare. "Pinagbabantaan mo ba ako ngayon?"

"Pagbabanta? Ni hindi pa nga ako nagsisimula." Beckett sat properly, his elbows resting on his lap. "Don't do something that might put you in danger, and stop using your wife and daughter in vain."

Hindi na hinintay ni Beckett na makasagot pa si Alfred. Imbes ay tumayo na ito at nagpunta sa kuwarto kung saan nagpapahinga si Vivianne, at iniwan si Alfred magisa.

Kumatok muna si Beckett nang tatlong beses bago binuksan ang pinto. Naabutan niya si Vivianne na nakahiga lang sa kama habang nags-scroll sa phone niya.

"Kumusta? Ano'ng sabi ni Alfred?" tanong ni Vivianne nang makita si Beckett na papalapit sa kan'ya.

Hindi ito sumagot agad. Imbes ay tiningnan muna ni Beckett ang braso ni Vivianne kung okay na ba ito, bago niya inalalayan ang dalaga patayo.

"Let's get out of here," saad ni Beckett at hihilahin na sana si Vivianne palabas.

Ngunit may napansin ang dalaga kaya hindi siya kaagad gumalaw. "Wait—May nangyari ba?"

Hindi sumagot si Beckett. Umiwas lang ito ng tingin habang nagtatangis ang bagang nito. Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Alam na ni Vivianne ang ibig sabihin no'n.

"Alright. Hindi na ako magtatanong." Bumuntong hininga ang dalaga. Sa tagal niyang kasama si Beckett ay alam na niya ang ibig sabihin ng mga ikinikilos nito.

Beckett sighed in relief internally before they went out of the room. Si Vivianne naman ay tahimik lang din na sumusunod sa kan'ya, hanggang sa makarating sila sa sala. Doon ay nakita niya si Alfred na nakaupo sa couch habang sinusundan sila ng tingin.

"Wait—"

"Let's go." Hindi hinayaan ni Beckett na huminto si Vivianne sa paglalakad at dire-diretso silang lumabas ng Allamino mansion kahit hindi pa sila nagpapaalam kay Alfred.

Vivianne knew her father. Hindi 'yon magugustuhan ni Alfred dahil pakiramdam niya ay hindi siya iginagalang kapag ganoon. Ngunit laking gulat niya dahil hinayaan lang sila ni Alfred na makalabas sa bahay nang hindi man lang tumatayo sa kinauupuan.

Paglabas nila ay may kotse nang nakaabang sa kanila. Both of them went to the back seat, and the driver started the car. Hindi alam ni Vivianne kung saan sila pupunta ngunit hindi na siya nagtanong pa tungkol doon.

"Ngayon ko lang nakita ang galit sa ekspresiyon ni Alfred. Madalas na kalmado lang siya..." bulong ni Vivianne habang nagmumuni-muni. "What did you tell him?"

"I just told him what he needed to hear." Beckett turned around and looked his wife in the eye. "That he can't control everything despite thinking that everything is working according to his plan."

SAMANTALA, hindi na nakontrol ni Alfred ang emosyon nang makaalis si Vivianne at Beckett sa mansyon. Kinuha niya ang mga vase roon sa lamesa at binasag ang mga 'yon. All of them were expensive, but Alfred needed to release his anger.

Ang mga katulong na pupunta sana sa sala upang maglinis ay kaagad umatras nang makita kung gaano kagalit si Alfred. Ayaw nilang sa kanila mabunton ang galit nito kaya hinayaan muna nila ang amo na mapag-isa.

"Fucking bastard," bulong ni Alfred habang inaalala ang mga sinabi ni Beckett kanina. "Not the sole owner, huh?" Napangisi siya.

At doon ay naalala niya ang nangyari sa nakaraan... kung saan ay kasama niya pa ang mga kaibigan na si Ylona at Dyrus.

ALFRED, Ylona, and Dyrus are schoolmates in one university. Kahit magkakaiba ang kurso ay pilit silang gumagawa ng paraan para magkaroon ng bonding, kaya naman mas lalo lang tumatag ang pagkakaibigan nila hanggang sa maka-graduate sila at nagtatrabaho na.

None of them wanted to stay at a nine-to-five work routine. Nagkataon namang business-minded silang lahat, kaya nakaisip silang magbukas ng isang maliit na negosyo. The three of them formed a small team.

Their business was legal, pero hindi sila kumikita roon. Hindi nawawalan ng pag-asa si Ylona at gusto niya lang magpatuloy kahit nahihirapan silang humanap ng pang-pondo, ngunit hindi ganoon ang kay Alfred at Dyrus.

"Madali sa inyong ipagpatuloy 'to dahil wala kayong pamilyang binubuhay, pero iba ang sa akin. May pamilya ako, at hindi puwedeng huminto ang buhay ko sa ganito," pagpapaliwanag ni Dyrus sa kanila nang magkaroon sila ng isang meeting. "Kailangan ko munang bumalik sa pagtatrabaho. Pasensiya na—"

"Work with our company," pagputol ni Alfred sa sasabihin ni Dyrus. "Isasara natin 'tong maliit nating negosyo, at magbubukas kami ni Ylona ng panibago. Mas malaki 'yon. Sa amin ka pumasok, at hindi ka namin pababayaan."

"Alfred... Ano ba ang sinasabi mo?" nagtataka namang tanong ni Ylona sa kan'ya. "Alam kong kapag nagsisimula ng negosyo, kailangan talaga nating mag-take ng risks. Pero... mas malaking kumpanya kaysa rito? I don't think it's a good idea."

"I know... But both of you trust me, don't you?" tanong ni Alfred, at tumango naman ang dalawang kaibigan. "Then, let's do this. Ako ang bahala sa financial aspects. Magagawan ko 'yan ng paraan, basta magtutulungan tayong tatlo at walang mag-iiwanan."

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon