ITINAAS ni Alfred ang kanang kamay, at lumabas ang lahat ng tauhan ng Allamino mafia. Ganoon din ang ginawa ni Beckett, at nagsilabasan din ang mga tauhan niyang nagtatago lang sa puno at mga damuhan kanina.
Seeing how the two leaders are determined to clash with each other, it only means one thing: this place will be in bloodshed soon.
At ganoon na nga ang nangyari. Nagsimulang maglabanan ang mga tao sa pagitan ni Beckett at Alfred. Dumanak ang dugo, at maraming buhay ang nawala. It was a long-time war between the two of them, and Beckett won.
Ngayon ay nasa harapan na sila ng isa't-isa. Si Alfred ay nakaupo sa sahig habang puno ng sugat at pasa ang katawan dahil sa pambubugbog ni Beckett sa kan'ya, habang si Beckett naman ay nakatayo. Nakatutok ang baril nito kay Alfred.
"I know you want to kill me... But why can't you fucking pull the trigger?" tanong ni Alfred habang nakangisi. "Bumalik na naman ba ang takot mong pumatay ng tao?"
"Hah." Beckett clicked his tongue, annoyed.
Ngunit hindi niya sinagot ang tanong. Ang dahilan kung bakit hindi niya mabaril si Alfred ay dahil kay Vivianne. Nakaupo pa rin ito sa damuhan, ngunit nakatanggal na ang mga tali nito. Kahit masamang tao si Alfred, kitang-kita ang sakit sa mga mata ng dalaga.
"Fuck it." Ibinaba ni Beckett ang baril at inilagay 'to sa pantalon niya. "Spend the rest of your life in jail."
Naglakad na siya papunta kay Vivianne upang tingnan kung maayos na ang kalagayan nito, dahilan para mapangiti ang dalaga.
Ngunit kaagad nawala ang ngiting 'yon nang makitang kinuha ni Alfred ang baril sa sahig, at itinutok ito kay Beckett.
"Beckett!" Biglang nataranta si Vivianne. Kaagad niyang binunot ang baril sa pantalon ng asawa at mabilis itinutok 'yon sa ama.
And she pulled the trigger. Umalingawngaw ang tunog ng baril sa buong lugar, kasabay ng pagbagsak ni Alfred sa sahig habang nanlalaki ang mga mata at nakatingin sa kan'ya.
"Anak..." mahinang pagtawag ni Alfred kay Vivianne, at hindi makapaniwala ang tingin nito. "Bakit..." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.
Alfred died with his eyes open widely, and his other hand holding his chest. Doon na natapos ang lahat, ngunit kasabay no'n ang tuluyang pagkadurog ni Vivianne.
"A-Alfred..." Tuluyan na niyang nabitawan ang baril at napaluhod sa sahig dahil sa panghihina, at mabilis naman niyang inalalayan ni Beckett upang hindi siya tuluyang matumba. "Papa..."
Nang banggitin ang mga katagang 'yon, sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ni Vivianne. Nanatili ang tingin niya sa amang wala nang buhay ngayon. Alam niyang 'yon ang dapat gawin upang iligtas ang asawa... Pero hindi niya maiwasang masaktan.
Everything was over, yet her heart was breaking into pieces.
"It's over now... It's over..." pag-aalo ni Beckett sa kan'ya habang bahagyang tinatapik ang likod ng dalaga. "It's okay. Let it all out."
Tila dinudurog din si Beckett habang nasa bisig niya si Vivianne at umiiyak. Alam niya kung gaano kasakit sa asawa nang nangyari.
Pinatay nito ang sariling ama para lang iligtas siya, at kahit hindi naging maganda ang pinagsamahan nila, alam ni Beckett na pinahahalagahan pa rin ni Vivianne si Alfred—Dahil pamilya niya pa rin ito.
Kaya hinayaan niya lang na umiyak ang dalaga habang inilalabas ang sakit na nararamdaman.
Ganoon din ang ginawa niya. He didn't cry, but he closed his eyes and tightened his embrace to Vivianne... like he was holding onto his sanity.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...