Chapter 14

90 2 0
                                    

LILY WAS astounded for a second because of her friend's sudden request. "Ha? Ang weird ng inuutos mo, ah. Don't tell me pagnanasaan mo 'tong ex-boyfriend mo kahit patay na?"

"Siraulo ka—Wait, paano mo nalaman?" Halata ang pagtataka sa boses ni Vivianne. Alam niya kasing wala pa siyang pinagkuwentuhan tungkol doon bukod kay Manager Yu. "Kanino mo nalaman?"

"Kay Tristan! Malamang! Nahuli mo raw kasi siyang nambababae," sagot naman ni Lily habang palinga-linga ito sa paligid.

Pumupuslit lang kasi siya ng pagkuha ng litrato kay Tristan habang wala pa sa loob ng morgue ang mga higher-ups. Bawal itong ginagawa niya, at kapag nahuli siya ay paniguradong matatanggal siya.

"At talagang sinabi niya sa'yo 'yon? Tanginang gago." Napairap si Vivianne bago humigpit ang pagkakahawak sa steering wheel. Pakiramdam niya ay sunod-sunod na ang stress niya, at hindi niya iyon nagugustuhan.

"Oo naman! Sabi ko kasi, sabihin niya sa akin lahat ng nalalaman niya." Proud si Lily sa sarili. Mukha mang inosente ang mukha niya pero magaling naman siya magpaamin ng tao. "Nahuli kasi siya sa drug raid. Drug user pala 'yong ex mo na 'yon, pero hindi halata, ah?"

"Drug user?" Vivianne blinked her eyes twice. "Sigurado ka riyan?"

"Positive siya, Viv. Saka mukhang matagal na pala siyang nagamit dahil magkakakilala na rin sila." Lumapit si Lily sa bangkay ni Tristan bago kinuhaan ang mukha nito. "Hindi ko lang alam kung anong klaseng drugs ang hinihithit nila o kung saan sila nabili."

"Shit na 'yan."

Napakagat-labi si Vivianne. Ngayon pa lang, gusto na niyang gawing invalid ang pakikipagrelasyon niya kay Tristan, at gusto rin niyang kalimutan ang pagpapakalasing dahil lang sa lalaking 'yon.

Vivianne despised her father because he was bad, tapos ay ganoon din pala ang ex niya? Parang gusto na lang niyang masuka.

"Na-send ko na 'yong picture," ani Lily, dahilan para mabalik si Vivianne sa reyalidad. "Bakit? May napansin ka bang kakaiba? Ex-boyfriend mo siya, baka may nalalaman ka?"

"May gusto lang ako tingnan..." sagot naman ni Vivianne bago nilakihan 'yong litrato ni Tristan. Tinitigan niya ang bandang pisngi nito.

"Sinasabi ko na nga ba, gusto mo lang pagnasaan 'yong ex mo!" pabulong na sigaw ni Lily. Mahina na ang boses niya dahil baka may makarinig sa kan'ya. "'Te, nasa showbiz industry ka naman. Maghanap ka ng matinong fafa!"

"Manahimik ka, Lilianne. Please lang," sagot ni Vivianne sa medyo mariin na tono, halatang naiirita na.

Kaagad namang tumahimik si Lily. Tinawag na kasi siya ni Vivianne sa buong pangalan nito kaya alam nitong ubos na ang pasensiya ng kaibigan. Habang tahimik si Vivianne sa kabilang linya ay nagmuni-muni naman si Lily.

Kamakailan lang ay may tumawag na intel sa police station nila, at si Lily ang nakasagot no'n. Gumamit ang caller ng voice changer kaya hindi niya nalaman kung sino iyon.

Sabi ng caller, may maibibigay siyang impormasyon tungkol sa isang drug den sa Pilipinas na matagal nang hinahanap ng mga pulis. Lily took the call seriously, but the man who called her didn't show up in their meeting place yesterday.

'Si Tristan kaya iyon?' tanong ni Lily sa sarili. 'Paano kung mapahamak si Vivianne nang dahil sa kan'ya?'

Sa lahat ng kaibigan ni Vivianne, walang nakakaalam na marunong siyang makipaglaban kaya naman ganoon na lang ang pag-aalala ni Lily. Wala ring nakakaalam ng tungkol sa illegal business ng mga Allamino. Alfred told Vivianne to shut up, or else, things will get messy.

"Ano, Viv? May mabibigay ka bang tip diyan? May hinahanap kaming drug lord, matagal na. Kung may mapapansin ka, puwedeng pa-inform ako?" sunod-sunod na saad ni Lily, pero walang sumasagot sa kabilang linya. "Hello, Viv?"

Tiningnan ni Lily ang phone niya, at napakunot na lang ang noo niya nang makitang nakababa na ang tawag. She knew Vivianne since they were in college. Alam niyang kapag halos hindi na ito makausap ay may malalim itong iniisip.

"May nadiskubre kaya siya?" bulong ni Lily, pero kaagad din siyang nabalik sa reyalidad nang pumasok na ang dalawang higher-ups. She couldn't fuck this up, or she will lose her job.

Meanwhile, as Vivianne went to her unit and fixed herself, she contemplated about the thing she discovered earlier. She saw tiny glitters blended with Tristan's blood on his face.

Akala niya noong una ay reflection lang iyon ng ilaw, kaya naman ay pinakuhaan niya ulit 'yon ng litrato kay Lily. Turns out that her suspicions were true. Kung sino man ang gumawa no'n kay Tristan, mayroong glitters sa ginamit nitong pampalo o kaya naman ay sa damit nito.

Vivianne remembered that Beckett was wearing something glittery on his necktie earlier when they met at the Allamino mansion.

Napakagat-labi siya habang nakahiga. Mala-tambol na rin ang tibok ng puso niya. Nang alam niyang hindi na rin naman siya makakatulog ay tumayo na lang ito. Later on, Vivianne found herself in front of her laptop while investigating about Beckett's life.

Name: Beckett Hernandez Clainfer (middle name not registered)

"Wala siyang registered middle name?" Tumaas ang kilay ni Vivianne sa natuklasan. "Broken family rin kaya sila?" dagdag niya pang bulong, pero nang mapagtanto na dapat ay hindi niya 'yon iniisip sa ngayon ay umiling siya.

It was easy for Vivianne to fish information, lalo na kung gagamitin niya ang koneksyon bilang tagapagmana ng mga Allamino. She can call some of their best hackers, and in one snap, she'll have the information she wanted.

Strangely, Beckett didn't have much more information than she expected. Bukod sa pangalan, degree nitong BS in Chemical Engineering, at ang kuwento nito tungkol sa pag-aartista ay wala na silang iba pang nakita.

"Weird... Wala pala siyang generational wealth..." ani Vivianne bago kumunot ang noo nito. "Pero sobrang yaman niya ngayon. He had buildings, properties, and such. Saan niya nakuha ang pera?"

"May hinahanap kaming drug lord, matagal na."

Suddenly, Lily's words lingered on her mind. Like how her Alfred accumulated all the wealth they had in a few years, Beckett could do the same. Being called as the Nation's Perfect Guy was strange enough for Vivianne, and now, she needs to discover something...

"Vivianne!" someone called her name, dahilan para magising si Vivianne sa pagmumuni-muni. "Patapos na 'yong shoot. Stand-by na tayo para sa susunod na damit ni Sir Beckett."

"Alright. Papunta na ako."

Vivianne know how to work professionally. Iwinaksi niya lahat ng iniisip lalo na nang matapos na ang shoot ni Beckett, at kailangan na niyang magpalit ulit ng damit para sa bagong theme. This will be the last, at makakauwi na sila.

Sa wakas, makakapagpahinga na rin si Vivianne dahil wala pa siyang matinong tulog mula kanina.

Minutes later, pagkatapos ni Beckett sumagot ng tawag sa phone niya ay sinenyasan na nito si Vivianne pumasok sa dressing room. Dalawa lang sila ni Beckett doon dahil nag-aasikaso na sa labas ang iilan pa nilang tauhan.

Vivianne is Beckett's main stylist, at kahit galing sa maliit na kumpanya si Vivianne ay mas maganda pa ang fashion sense nito kaysa ibang stylist na nakuha niya noon.

The theme was all about flowers, so Vivianne chose a dark yellow polo with black and white flowers imprinted on it. It wouldn't be suitable for some men, pero kay Beckett, mukhang kahit basahan ay babagay sa kan'ya.

His facial features were so ethereal that no one could rival him, at least for Vivianne.

"Ano sa tingin mo?" tanong ni Vivianne habang inaayos ang tela sa bandang balikat ni Beckett dahil gusot iyon. "I think this is nice, pero kung may gusto kang ipabago, sabihin mo lang."

Vivianne could feel Beckett's intense stares, at sa totoo lang ay naiilang siya. Kahit kasi ayaw niyang aminin, pumapasok sa isip niya ang halik ni Beckett. Kapag naiisip niya iyon ay nag-iinit siya kahit malakas naman ang air conditioner.

"If wala kang ipapabago, puwede na akong mag-signal para makapag-shoot ka—"

"Vivianne."

Beckett only called her name, yet her heart thumped rapidly. Malalim ngunit banayad ang boses nito... She could hear him begging, and Vivianne didn't know why.

"B-Bakit?" God knows that Vivianne tried her best not to stutter, but failed. "May hindi ka ba trip sa suot mo ngayon? Marami ka pa namang option. Sabihin mo lang—"

Vivianne's words went midway when Beckett approached her in long, impatient steps. Alam ni Vivianne kung ano'ng mangyayari kaya sinubukan niyang gumilid ng atras para hindi siya ma-corner sa pader.

But Beckett could see everything onto her expression. Sa isang iglap ay hinila niya si Vivianne sa braso bago ito isinandal. Beckett placed both hands on her sides—which was a fucking deja vu.

"Don't do anything stupid," bulong ni Beckett sa mismong tainga ni Vivianne, dahilan para tumindig ang mga balahibo niya. "Don't interfere. Don't act like a curious cat. Stay still like what you always did."

It was confirmed. Rinig ni Vivianne ang ma-awtoridad na boses ni Beckett, ngunit may himig ng pakikiusap doon. For unknown reasons, she wanted to push him to his limits.

"Bakit? Ano'ng gagawin mo kung sakaling makikialam ako?" Vivianne raised her hand, tracing Beckett's eyebrows, down to his nose, and it stopped to his lips. "How can you prevent me from doing what I want?"

"I'll tie you to me..." Hinawakan ni Beckett ang babae sa palapulsuhan. "In bed. In marriage. In every single thing you'll never expect me to do... So again, don't provoke my patience, Vivianne Kaye."

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon