"TELL ME, who is it?"
Napalunok si Vivianne at tila napako sa kan'yang kinatatayuan. Sanay naman siya sa ganitong ugali ng ama. Bigla na nga lang naghahagis ng kutsilyo si Alfred paminsan-minsan pero hindi siya nagugulat doon.
Pero ngayon ay may kakaiba kay Alfred... Para bang handa itong pumatay ano mang oras. Vivianne wondered what she said that triggered her father to be like this.
"Saan mo nakita ang tattoo na kaparehas ng sa akin?" muling tanong ni Alfred. Mas malalim na ang boses nito kaysa kanina.
"Hindi pa ako sigurado." Yumuko si Vivianne at huminga nang malalim para mapigilan ang panginginig ng katawan niya. "Common ang infinity sign tattoo, kaya nagtataka ako kung bakit gan'yan na lang ang reaksyon mo."
"My tattoo has small thorns surrounding the sign," said Alfred, his gaze unwavering. "Ganoon din ba ang nakita mo?"
"I'm not sure." Vivianne tilted her head, pretending to think about something. "Sasabihin ko naman sa 'yo kapag nakumpirma ko na ang nakita ko."
"At paano ako nakasisigurado?"
Umismid si Vivianne bago ipinagkrus ang mga kamay, hindi alintana kung nakatutok man sa kan'ya ang baril ni Alfred. Alam naman kasi niyang hindi siya papatayin nito. "You have mom, at alam kong pinapabantayan mo ako kung kani-kanino. Paanong wala kang tiwala sa akin?"
Hindi kaagad sumagot si Alfred matapos sabihin ni Vivianne ang bagay na 'yon. Nag-isip muna ito saglit, at maya-maya rin ay ibinaba na niya ang baril, dahilan para makahinga si Vivianne.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng kapalpakan," malamig na sambit ni Alfred.
Tumango lang si Vivianne bago umalis sa opisina ng ama, pero bago 'yon ay nagtungo muna siya sa kinalulugaran ng ina—Si Ella. Gusto niya sanang makipagkuwentuhan dito para kahit papaano ay malibang naman ang utak niya, pero tulog ito. Hindi na lang niya ito inabala pa.
Imbes ay pinanood na lang ni Vivianne ang ina habang natutulog ito. Nang bumaba ang kan'yang tingin ay nakita niya ang iilang peklat sa bandang palapulsuhan ng ina, dahilan para dumilim ang paningin niya.
Alam kasi ni Vivianne na isa siya sa dahilan kung bakit nagawa ni Ella ang bagay na 'yon. At first, she badly wanted to hate her existence as she saw her mother suffering. But now, she knew better.
Hindi dapat niya sisihin ang kan'yang sarili. Dapat ay parusahan niya ang mga taong dahilan kung bakit nagkaroon ng illegal organization ang papa niya.
"Ikaw lang ang priority ko, ma. Ikaw lang..." ani Vivianne bago hinaplos ang kamay ng kaharap. "Lahat gagawin ko para mawala sa landas natin ang mga hayop na naglagay sa 'yo sa sitwasyong ito."
Umigting ang panga ni Vivianne kasabay ng mga alaala kung gaano kalupit sa kanila ang buhay na kinagisnan. "Lahat papatayin ko... at wala akong ititira."
SA BILIS ng panahon, hindi nila namalayang isang buwan na pala ang lumipas. Beckett's reputation rises to fame, the same as Vivianne's career as a dress stylist. Tama nga si Beckett sa sinabi niya noon tungkol kay Vivianne.
Hindi kasi nagtagal ay nakilala si Vivianne ng iba't-ibang kumpanya at nakita nila ang galing nito sa trabaho.
Too bad, Beckett made her as his exclusive stylist the moment he knew that someone's gonna steal Vivianne away from him. He just couldn't let that happen. Sa kan'ya lang si Vivianne, at ang lahat ng oras nito, maging ang atensiyon nito.
Kaya naman magkasama sila sa lahat ng oras—Nasa trabaho man o hindi. Katulad na lang ngayon. Pinipilian siya ni Vivianne ng damit para sa pupuntahan niyang awarding ceremony, habang siya naman ay hindi nakikinig.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...