Chapter 26

71 2 1
                                    

'What the fuck?'

Sunod-sunod ang pagmumura ni Beckett nang mapagtantong si Alfred ang nasa harap niya ngayon. Noong una ay in-denial pa siya at iniisip na baka namamalikmata lang siya, pero hindi.

The great Alfred Allamino, whom everyone knew as a hard-working and innocent guy, was in his coffee shop, and his potential client, for fuck's sake.

"I know that you know me already, so I don't need to introduce myself," ani Alfred bago ngumisi.

Umikot ang tingin nito sa paligid. Mas lumalawak pa ang kan'yang pagngisi habang tinitingnan isa-isa ang mga empleyado roon. "I expected the meeting place to be eerie and dark like an abandoned room. Coffee shop didn't even reached my mind. That was so unique of you."

"I believe that our products should be treated with care, too, just like the other products in the market," malamig na sagot ni Beckett sa tapat ng kan'yang voice changer. "And I want my client to be comfortable while talking to me, too."

Beckett's voice was cold and intimidating, lalo na nga at gumagamit pa siya ng voice changer. He just can't risk encountering fans who can recognize his voice. Alam niyang may mga ganoong klase ng fan—'Yong mga fan na kayang makilala kahit ang dumi sa mga kuko nila.

Fans can be scary at times, and for people who are keeping a secret like Beckett, he needs to be extra careful... Lalo na at hindi siya si Beckett ngayon. Siya si MOB.

"Is that so?" Tumayo si Alfred at nakipagtitigan kay Beckett. May pagbabanta sa ekspresiyon ng mga mata nito. "Then, can you ask all of them to leave?" tanong niya bago itinuro ang mga empleyadong nasa paligid nila.

"Why? They're my employees, don't worry," sagot naman ni Beckett bago ipinagkrus ang magkabilang balikat. "You don't need to worry about your identity, either. We value confidentiality even for our potential clients."

"I thought you're handling your people with care, pero itong ganitong request ko lang ay hindi mo magawa?" ma-awtoridad na tanong ni Alfred, tila sinusubok ang pasensiya ni Beckett. "I'm going to discuss something important with you. Kung ayaw mo silang paalisin, ako ang aalis."

Napamura si Beckett nang marinig iyon. Kung ibang tao lang sana ito ay baka tinutukan na niya ito ng baril o ipinakaladkad kila Nathan palabas ng coffee shop. But hell, it's Alfred. Ilang beses na siyang naghahanap ng baho tungkol dito at ngayon ay ito pa nga ang lumapit sa kan'ya.

Grabe nga naman talaga ang pagkakataon.

"Alright." Beckett turned his head to everyone and commanded, "Everyone should leave, and no one will go inside until I command you to do so."

Kaagad na sumunod ang mga empleyado. Mabilis silang kumilos hanggang sa maiwan si Alfred at Beckett sa loob ng coffee shop.

"Happy now?" sarkastikong tanong ni Beckett, at nahalata iyon ni Alfred kahit pa gumagamit ito ng voice changer.

"More than happy, MOB," sagot naman ni Alfred. Muli itong umupo at dumekuwatro. "I will get straight to the point, just like how both of us like it. Kailangan ko ng bagong drug dealer para sa negosyo ko."

Tumaas ang sulok ng labi ni Beckett. "And how much can you pay me?"

"I don't need negotiations. Sabihin mo lang sa akin kung magkano at babayaran ko iyon." Ngumisi rin si Alfred bago ipinagkrus ang mga kamay at sumandal sa upuan. "Maganda ang reputasyon mo kaya ako nandito, pero naniniwala lang ako sa nakikita ng mga mata ko."

"We're the same," sagot naman ni Beckett. Ganoon naman kasi talaga ang mga businessman.

Ipinagsalikop ni Alfred ang magkabilang kamay bago nagsalita. "What can you offer to me?"

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon