"HUWAG kang mag-alala. Hindi ako aalis," sagot ni Ylona matapos ang ilang segundong pananahimik.
"Great. Then I'll call Dyrus." Niyakap ni Alfred si Ylona dahil sa tuwa. "All of us will be together here... and we will be successful. Right?"
"Right."
Ngumiti si Ylona, ngunit hindi naman talaga siya mananatili rito dahil tuluyan na niyang tinanggap ang masasamang gawain ni Alfred.
She's his friend... And she needs to make everything right.
Kaya naman kahit labag sa kalooban ni Ylona, nagtrabaho siya roon sa mafia. Kinukuha niyang pilit ang tiwala ni Alfred, at ganoon din si Dyrus. Sinabihan kasi siya ni Ylona tungkol sa plano nito—Na itatakas nila ang mga babaeng nakakulong sa warehouse, pagkatapos ay aalis na rin sila.
Isang araw, planado na sana ang lahat. Nakahanda na ang mga sasakyan sa labas, at ihahanda na rin sana ni Ylona at Dyrus ang mga gamit nila para sakali mang magkaroon ng labanan, may magagawa sila.
"Dyrus, magdala ka rin ng kutsilyo para sigurado," utos ni Ylona habang nilalagyan ng bala ang baril niya sa isang bakanteng kuwarto, ngunit hindi sumagot ang binata. "Dyrus?"
"Are you looking for this traitor?"
Imbes na si Dyrus, si Alfred ang nakita niyang nasa loob ng bakanteng kuwarto, at hawak nito ang ulo ni Dyrus.
"Alfred! A-Ano'ng..."
Halos 'di matuloy ni Ylona ang sasabihin dahil hindi na gumagana nang maayos ang utak niya. Ang pokus niya ay napunta roon sa dugong tumutulo sa sahig na nagmumula sa ulo ng kaibigan... na ngayon ay wala nang buhay.
"Bakit gulat na gulat ka? This is what a traitor deserves," ani Alfred bago binitiwan ang ulo ni Dyrus at hinayaan itong magpagulong-gulong sa sahig. "He's lucky that I just beheaded him. I should have fed his body to the wolves."
"A-Ano bang nangyayari sa 'yo, Alfred?! Bakit pinatay mo si Dyrus?!" pasigaw na tanong ni Ylona, at nanginginig ang boses nito. "Pinalampas ko na nga 'yong mga ilegal na gawain mo, eh! Pero bakit ka umabot sa ganito? Ano ba talagang gusto mo?!"
"Pinalampas mo nga ba talaga, o may iba ka lang na pinaplano? Kasi ibang balita ang nakarating sa akin, Ylona."
Binuksan ni Alfred ang pinto, at hinila niya papasok ang isang dalaga. Naka-sando lang ito at maikling shorts, kaya kitang-kita ang mga sugat nito sa braso, hita, at binti. Namumula rin ng mga pisngi nito na tila kakasampal lang sa kan'ya.
Maging ang mga sugat nito ay sariwa pa.
'Ibig sabihin, ngayon lang nalaman ni Alfred ang lahat,' saad ni Ylona sa isip bago dumako ang paningin sa mukha ng babae.
Nagtama ang paningin nila, kaya naman biglang nakaramdam ng konsensiya ang babae. Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata nito. "S-Sorry, Ma'am Ylona... H-Hindi ko sinasadyang sabihin ang plano..."
"Hindi." Umiling si Ylona at ngumiti. "Wala kang kasalanan."
"N-Natakot ako. Ang sabi ni sir Alfred, papatayin niya ako kapag hindi ako nagsabi ng totoo—"
Pero bago pa man matapos ng babae ang sasabihin, binaril siya ni Alfred sa ulo, dahilan para kaagad siyang sumubsob sa sahig. Umagos ang dugo ng babae papunta sa paa ni Ylona kaya napaatras siya.
"Alfred!" Ylona shouted in terror, looking Alfred in the eye.
Mali. Hindi na si Alfred ang kaharap nila. Ibang tao na ito. Hindi na ito ang kaibigan niya, at tila wala nang pag-asang mabalik pa ang dating pag-uugali ni Alfred.
Mahirap tanggapin, pero kailangan... Na ang pagkakaibigang binuo nilang tatlo nang sobrang tagal ay nasira na.
"Like all of you, she's also a traitor, at hindi ako nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa traydor," mariing saad ni Alfred habang nakatingin nang masama sa babaeng binaril niya. "But I'll make an exemption for you, Ylona."
Kumunot ang noo ni Ylona. "At ano ang magiging kapalit no'n?"
"That's why I like you more than Dyrus. You're clever!" Humalakhak si Alfred bago naglakad papalapit kay Ylona.
Hinawakan niya ang dalaga sa magkabilang balikat, kaya kumapit na rin ang dugo sa kan'yang damit.
"Soon, I'll convert this business into a mafia, and I want you to be my co-founder," bulong ni Alfred habang nakangisi. "Magaling ka, at ayokong sayangin ang talento mo. So, let's use that here. Magpalago tayo ng yaman at negosyo, at magiging ligtas din ang asawa mo kapag ganoon."
Namutla si Ylona sa narinig. "P-Paano—"
"Paano ko nalaman? Hindi ako tanga, Ylona." Sarkastiko itong tumawa. "Alam kong itinatago mo siya sa akin dahil sa takot na baka kung ano ang gawin ko sa kan'ya. But don't worry, that bastard will be safe as long as you cooperate with me."
"Huwag mong matawag-tawag na gan'yan ang asawa ko!" sigaw ni Ylona dahil sa galit.
"Why? But it's true. That bastard was trying to destroy your mind. He's preventing you from being successful here." Hinaplos ni Alfred ang pisngi ng dalaga, kaya nalagyan na rin 'yon ng dugo. "Don't listen to him. Listen to me. Magaling ako sa negosyo. Mafia natin ang magiging pinakamalaki sa bansa."
Nag-iwas ng tingin si Ylona habang nakatiim ang bagang. Nagpipigil din siya ng luha. Masyado siyang nasasaktan sa mga nangyayari, pero hindi ito ang oras para umiyak.
Kailangan niyang maging matapang.
"Ano pang... mga nalalaman mo?" tanong ni Ylona.
"Bakit, may iba pa ba dapat akong malaman?" Tumaas ang kilay ni Alfred, ngunit muli itong ngumiti pagkatapos. "That doesn't matter anymore. I'll offer you fifty-fifty shares. Think about it."
"Alfred... Pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti?" Napabuntong hininga ang dalaga. Para kasing simpleng negosyo lang ang pinag-uusapan nila kahit hindi naman talaga. "Alam mo ba kung ano ang kalakaran sa mafia? Sa oras na pasukin mo ang mundong 'yon, hindi ka na makakaalis!"
"I know, but I don't care. I'm willing to sacrifice everything for this." Alfred smiled sardonically. "I'm giving you the opportunity to be safe, Ylona. Pero kung hindi ka papayag, mangyayari sa 'yo ang ginawa ko kay Dyrus."
Itinuro ni Alfred ang ulo ni Dyrus na nasa sahig, dahilan para magsitaasan ang balahibo ni Ylona sa balat. Hindi pa rin siya makapaniwalang patay na si Dyrus, at si Alfred pa ang may kagagawan no'n.
He suddenly remembered Dyrus' children. Kailangan niyang maprotektahan ang mga ito mula kay Alfred.
Pero huli na ang lahat.
Tumunog ang phone ni Alfred, at mas lumawak ang ngisi niya nang makita ang mga litratong ipinadala sa kan'ya ng tauhan. "Look at this, Ylona. Ganito ang ginagawa ko sa mga tumetraydor sa akin. Inuubos ko hanggang sa kahuli-hulihan ng lahi nila."
"N-Nababaliw ka na..."
"Nababaliw? Hindi. Ganito kasi talaga ang pagpapatakbo ng negosyo. Dapat, alam mo kung paano tatanggalin ang mga salot sa paligid—"
Hindi na natapos ni Alfred ang sasabihin dahil bigla na lang siyang sinipa ni Ylona sa kan'yang p.agkalalaki, kinuha ang baril nito, at itinapon sa malayo. Dahil malakas si Alfred, hindi siya kaagad natinag doon.
He was still able to fight back, but little did he know, Ylona was taught by her husband how to fight. Sinikuhan niya si Alfred sa batok, dahilan para mapaluhod ito sa sakit na nararamdaman.
"Ylona! Tangina!" pagmumura ni Alfred habang sinusubukang tumayo, ngunit hindi niya magawa dahil umiikot ang paningin niya. "I'll fucking kill you. Remember that!"
Hindi na sumagot doon si Ylona at mas inuna na lang ang pagtakbo palabas. Mabuti na lang at kahit papaano, naasikaso ni Dyrus ang iilan sa mga tauhan ni Alfred kanina. Nadaanan niya ang iilang mga babae roon, ngunit hindi na siya lumingon pabalik.
Tumutulo ang luha niya hanggang sa makarating sa labas. She promised that she will save everyone, but here she is, trying to run away from that hell, saving herself... and the baby inside her womb.
"Baby, kumapit ka lang diyan, ha?" aniya habang marahang hinahaplos ang tiyan. "Tatakas tayo rito... Magtatago tayo para hindi rin maging ganito ang buhay mo..."

BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...