"MA!" natatarantang sigaw ni Vivianne bago mabilis na tumakbo papasok ng bahay.
Sinundan naman siya ni Beckett. Nawala na ang ngiti nito kanina dahil naligtas nila Nathan si Dylan. Ngayon ay binalot na ng pag-aalala ang kan'yang pagkatao dahil sa narinig na sigaw.
Nang makaakyat sila sa second floor, nakita nila roon si Ella na nakaupo sa sahig sa tapat ng kuwarto, at galit itong nakatingin kay Alfred. Si Alfred naman ay nakaamba lang ang kanang kamay na parang sasampal kay Ella habang nagtatangis ang bagang.
"Ma!" Lumapit si Vivianne sa ina bago tiningnan ang mukha nito. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? May masakit ba sa 'yo?"
Umiling si Ella ngunit tumutulo na ang luha nito. Lumapit na rin si Beckett sa kanila at tiningnan ang mukha ni Ella.
"She's not hurt. There's no bruises in her face and arms, and it's not swelling, too," saad ni Beckett, at nanatili ang tingin nito kay Ella. "She might have panicked because she thought she's in danger. It's the trauma that speaks for her. Right, Alfred?"
Kumuyom ang kamay ni Alfred na kanina lang ay nakaamba para saktan si Ella. Ngunit hindi niya 'yon puwedeng gawin dahil may kailangan pa siya kay Vivianne. Kaya lang, hindi rin nito matanggap na nasira ang plano niya.
Dylan is in the police's custody now, at lahat ng tao roon ay hawak ni Beckett. Mapapasok naman niya 'yon pero matatagalan siya.
"Vivianne, hindi ba at sinabihan kitang huwag makialam?" tanong ni Alfred ngunit kay Beckett nakapokus ang tingin nito. "At sa lahat ng mga pagkakamaling magagawa mo, mayroong parusa para roon."
At laking gulat na lang ni Vivianne nang lumapit si Alfred sa kan'ya at sinampal siya nang malakas. The sound ricocheted in the hallway.
Napahawak ang dalaga sa kan'yang pisngi at awtomatikong nangilid ang luha sa kan'yang mga mata. Malakas ang pagkakasampal sa kan'ya ni Alfred, ngunit hindi 'yon ang nagpapaiyak kay Vivianne ngayon.
Dapat ay sanay na siya sa ganitong trato sa kan'ya... pero ama niya ba talaga si Alfred? Bakit kung saktan na lang nito ang mag-ina ay para silang hayop?
"Alfred!" Tumayo si Ella at humawak sa kuwelyo ni Alfred. "Alam kong hindi mo talaga ako minahal at ginamit mo lang ako, pero anak mo pa rin siya!"
"Wala akong anak na suwail at hindi marunong sumunod sa akin, Ella," mariing sagot ni Alfred bago tinanggal ang pagkakahawak sa kan'ya ng asawa. "At oo, tama ka. Anak ko siya, pero ama ba ang tingin niya sa akin? Hindi. Kaya bakit ko siya ituturing na parang anak?"
'Totoo naman,' ani Vivianne sa isip. 'Pero bakit sobrang sakit niyang isipin?'
"Fucking bastard!"
Natauhan lang ang dalaga nang marinig ang boses ni Beckett. Lumingon siya sa asawa, at nanlaki ang kan'yang mga mata nang makitang papalapit na si Beckett kay Alfred para ambahan ito ng suntok.
His eyes were fiery, and Vivianne knows it will bring a permanent chaos between them once it happens. Kaya mabilis siyang lumapit sa asawa at niyakap ito mula sa likuran.
"Huwag, Beckett," pagsusumamo ni Vivianne bago niyakap ang binata nang mas mahigpit, dahilan para mapatigil si Beckett sa paggalaw.
Katulad ng itsura ni Alfred kanina, nakaamba lang din ang kamay ni Beckett para sumuntok. He badly wanted to punch Alfred, but Vivianne's embrace was stopping him from doing that.
"Mga inutil." Tumingin nang masama si Alfred sa kanila bago dire-diretsong bumaba ng hagdan at iniwan sila.
Si Ella naman ay inalalayan ng isa sa mga katulong papasok sa kuwarto, kaya naiwan si Beckett at Vivianne sa hallway. Bumitaw na si Vivianne sa pagkakayakap bago sumandal sa pader. Sobrang lakas ng tibok ng kan'yang puso kaya pilit niyang pinapakalma ang sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/315955254-288-k149782.jpg)
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...