Chapter 9

112 1 0
                                    

"WHAT DO you mean?" Napataas ng kilay si Beckett at napakagat sa pang-ibabang labi, tila kinabahan sa sinabi ni Fiona.

Dalawang bagay ang maaaring tinutukoy ni Fiona. 'Yong isa ay ang tungkol sa pagiging tagapagmana ni Vivianne ng Allamino Corporation, at 'yong isa naman ay...

'No. Fiona shouldn't know about that,' naiiling at kinakabahang saad ni Beckett sa isip. 'At least, not yet.'

"Her real identity."

Itinaas ni Fiona ang hawak nitong folder at ibinigay kay Beckett.

"Vivianne Allamino, ang nag-iisang tagapagmana ng Allamino Corporation at ng buong Allamino Empire. Maganda, medyo rebelde, pero magaling sa negotiation and strategies..." Fiona raised a brow, throwing Beckett a suspicious look. "Are you going to use her for your own gains?"

Beckett sighed in relief because of Fiona's blabberings. Marami mang sinabi ang manager niya, pero masaya na siya dahil mukhang hanggang doon lang naman ang nalaman ng babae.

"I know that everyone is already aware that I want to build my own business now, but I'm not that evil to use someone that way." Sumandal si Beckett sa may pintuan at inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa. "She's skilled. Look at the photos I had for today and you'll see."

'Lies,' said Beckett at the back of his mind. Isa iyon sa dahilan... Pero hindi iyon ang pinakadahilan.

Isinalang ni Beckett si Vivianne sa madugong photoshoot schedule niya para makita kung hanggang saan ang limitasyon at galing ng babae, at nagtagumpay naman siya.

Vivianne may find the day tiring, but it gave a good result to Beckett in exchange. At least ay may masasabi siya sa lahat ng magtatanong kung bakit bigla siyang kumuha ng isang dress stylist sa hindi sikat na kumpanya.

"I know she is. I had her background check," sagot naman ni Fiona. "Sobrang lowkey niya, ano? She's that rich, pero nandito siya sa entertainment industry at kumakayod na parang may sampung tao siyang pinapakain."

Beckett chuckled lightly because of Fiona's comment. Hindi naman niya iyon tinanggi dahil ganoon din ang naiisip niya kay Vivianne. He wondered why, though.

"But is she that skilled to the point that you're taking care of her personally?" muling tanong ni Fiona, dahilan para tumaas ang kilay ni Beckett. "She's inside your room. Nakita kong dinala mo siya roon kanina."

Hindi nagsalita si Beckett. Kung nakita nga talaga iyon ni Fiona, wala na ring saysay kung itatanggi niya pa iyon.

"This isn't you, Beckett. I know her capabilities, but you always wanted the best... You always do." Nahimigan ni Beckett ang kuryosidad sa tono ng beses ng mananger niya. "May iba pa bang rason kung bakit mo siya kinuha?"

"I have." Tumango si Beckett. "I need her."

Not only for business-related things... But for something else.

Something that Beckett didn't like, either.

"Did I answer all your questions?" tanong ni Beckett, at tumango naman si Fiona. "Then you may leave. I'm going back inside."

"Yeah..." Fiona scratched her neck. Halata na kasi ang pagkainip sa mukha ng alaga niya. "Rest well, Beckett," aniya bago umalis, at si Beckett naman ay muling bumalik sa loob.

His gaze landed on Vivianne again as he locked the door. Hindi katulad kanina ay medyo natanggal na ang kumot na ibinalot niya sa babae kanina, at malapit na rin itong malaglag sa kama dahil sa likod niyang matulog.

Beckett shook his head before he approached Vivianne. Dahan-dahan niyang binuhat si Vivianne at inilagay ito sa gitna ng kama. Binalutan niya ulit ito ng kumot, at dahil mukhang nilalamig si Vivianne ay kinuha niya ang remote control at hininaan ang aircon.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon