Chapter 68

38 3 0
                                    

"BAKIT ang dami mong biniling pagkain?" tanong ni Vivianne habang tinitingnan ang dala-dala ni Beckett na dalawang supot na pagkain. "Ganoon ba kalayo ang biyahe papunta roon sa Agrianthropos?"

"Yes, but that's not the main reason why I bought those foods. Hindi ka masyadong kumain doon sa eroplano kanina kaya alam kong nagugutom ka."

Inilagay ni Beckett ang isang supot ng pagkain sa hita ni Vivianne, habang ang isa naman ay nasa ibaba.

"I also bought sweets. I heard it helps someone to feel better. I don't know if it's effective with you, but..."

Hindi na itinuloy ang sasabihin at inayos na lang ang sarili. Namumula ang magkabilang tainga nito habang inaayos ang seatbelt ni Vivianne at pati na rin ang kan'ya. Hindi siya sanay na nanunuyo ng babae.

Kahit sinabi niyang handa siyang gawin ang lahat para sa dalaga, hindi mawawala sa kan'ya na first time niya sa mga bagay na ito, and it somehow made him feel the discomfort.

Hindi rin kasi siya sigurado kung maa-appreciate ba ni Vivianne ang ginawa niya.

Turns out, she did.

"Thank you," nakangiting bulong ni Vivianne bago hinawakan ang pisngi ni Beckett para iharap sa kan'ya ang binata. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa labi ngunit mabilis lang 'yon.

Nagulat doon si Beckett, at napatigil din si Vivianne dahil sa ginawa. Mabilis tuloy siyang umatras at tumingin na lang ulit sa bintana. Nag-iinit ang kan'yang pisngi, at alam niyang kasingpula na siya ng kamatis ngayon.

"L-Let's go," ani Vivianne at medyo nautal pa.

Natauhan si Beckett nang marinig ang boses ni Vivianne. Ang gulat niya kanina ay napalitan ng pagngiti. "Ganoon lang ang pasasalamat mo sa akin? Ano ka, teenager?"

"Aba, nagrereklamo ka pa? Mahal ang halik ko, ano!" sagot ni Vivianne na para bang may stiffneck dahil hindi ito lumilingon habang nagsasalita.

"Then, what about all the things we did in Venice? May bayad ba 'yon lahat?" tanong ni Beckett, at mas lalong namula ang mukha ni Vivianne dahil doon. Napansin naman 'yon ni Beckett kaya napahalakhak siya. "Mamaya, bumawi ka na lang sa akin."

"A-Ano'ng bumawi?" Napatingin si Vivianne sa asawa bago tinakpan ang dibdib gamit ang magkabila niyang kamay. "Manyak ka talaga!"

"Manyak?" Ngumisi si Beckett. "I'm just asking for a kiss, my dear wife. Pero 'yong utak mo, mukhang hindi lang 'yon ang gusto mo."

Doon natauhan si Vivianne. Nahihiya niyang ibinalik ang tingin sa bintana, at tila gusto na lang niyang sabunutan ang sarili.

Bakit naman kasi kung saan-saang lupalop lumilipad ang isip niya, at bakit muli niyang naaalala ang mga ginawa nila sa Italy?

"Here," saad ni Beckett na muling nagpagising sa diwa niya.

Nilingon niya ang asawa, at nakitang may hawak itong ice cream sandwich na nakabukas. "Eat this. I'll start to drive now."

Bahagya mang nahihiya ay kinuha na 'yon ni Vivianne. Nagsimula na ring mag-drive si Beckett. Tahimik lang sila sa biyahe, at maya maya lang din ay nawala na ang lungkot at kahihiyan na nararamdaman ni Vivianne kanina.

Ngayon ay abot-langit ang ngiti niya dahil sa dami ng pagkain, at dahil na rin sa ganda ng tanawin. Nakabukas ang bintana kaya dama niya ang sariwang hangin. Paminsan-minsan din ay sinusubuan niya si Beckett ng sandwich, at kinukuha naman ito ng binata.

Little did Vivianne know that her simple, unintentional gestures made Beckett happy. Sa dami man ng nangyari kanina, tila nagiging maayos ang lahat basta nasa tabi lang nila ang isa't-isa.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon