Chapter 7

92 1 0
                                    

THE LOUD sound of her favorite song, As It Was by Harry Styles, reverberated around the room as someone was calling Vivianne on the phone.

Suddenly, she forgot that she has a hobby of maximizing the volume of her ringtone, especially outside her house, so that when someone calls her, she could easily hear it.

At ang katangahang iyon din ang hindi inaasahan ni Vivianne na magpapahamak sa kan’ya ngayon.

‘Shit!’ mura ni Vivianne sa sarili bago nito pinatay ang tawag, pero hindi pa man niya nalalagay sa silent mode ang phone niya ay nag-ring na naman ito.

It was an unregistered number, and as much as she wanted to know who it was, she couldn’t answer the phone. Nasa trabaho siya, at mas lalo pang tumalim ang tingin sa kan’ya ng director doon sa photoshoot.

“S-Sorry,” paghingi niya ng pasensiya nang patayin niya ang phone.

Natataranta kasi siya kaya pinatay na lang niya ang phone bago ito ibinulsa. She just hoped that she would not receive an important call at this moment.

Unlike earlier, the deafening silence now filled the room. Nagtaka si Vivianne dahil ni isa sa mga staff ay hindi pa rin gumagalaw. Maging si Beckett ay nakakunot lang din ang noo habang nakatitig sa kan’ya.

‘Nagagandahan kaya sila sa akin kaya gan’yan sila kung makatingin?’ dagdag pang pagbibiro ni Vivianne sa sarili.

Pero kaagad na nawala iyon nang mapatingin siya sa katrabahong si Helen, ang make-up stylist ni Beckett, at sinenyasan siya sa pamamagitan ng pagpapadaan nito ng kamay sa harap ng kan’yang leeg.

‘Lagot ako?’ Napataas ang kilay niya nang mapagtanto na iyon ang mensaheng gustong sabihin ni Helen. ‘Bakit naman ako lagot?’

“Miss…” the director trailed off, and Vivianne realized that the man didn’t know her name.

“Uh, Vivianne po,” sagot naman niya bago lumawak ang ngiti nito. “Pasensiya na po ulit—”

“Akala mo ba ay sapat na ang salitang ‘sorry’ para sa katangahan mo? You. Ruined. Our. Shoot!” sigaw ng director, dahilan para mawala ang ngiti ni Vivianne kanina. “Gosh! Nakakaloka! Ang ganda mo nga, ang tanga-tanga mo naman!” dagdag pa nito bago ginamit ang kamay niya pangpaypay.

Hindi kaagad nakapagsalita si Vivianne dahil doon. She was frozen in her spot, and those harsh words pierced onto her chest, making it ache in pain.

Sa tinagal-tagal niyang nagtatrabaho bilang isang dress stylist ay ngayon lang siya nakakita ng ganitong kabastos na direktor.

And that director’s words triggered a memory inside her head.

“I should have a son, but your stupid mother gave you as my heir. Wala na akong magagawa roon, at wala na rin akong magagawa kung tanga ka,” naalala ni Vivianne na sinabi ng ama. “Kailangan mong mag-ensayo hanggang sa maging kasing-galing mo ako. Ipakita mo muna sa akin na may kuwenta kang anak para puwede ka nang pumalit sa posisyon ko.”

Vivianne’s breathing became ragged. Kasabay ng pagsulpot ng mga salitang iyon sa utak niya ay ang mga alaala kung saan matindi ang dinanas niyang hirap sa kamay ng sariling ama mismo.

“Hanggang diyan lang ba ang kaya mo?” ani Alfred, ang kan’yang ama, bago siya nito muling sinuntok sa sikmura. Halos mamilipit na siya sa sakit pero hindi ito tumigil sa pananakit sa kan’ya. “Tanga. Inutil. Walang silbi. Manang-mana ka talaga sa nanay mo.”

A sudden influx of pain wrapped her chest, causing her to breathe heavily as she went back to reality. Nang muling tingnan ni Vivianne ang paligid ay kaagad na nakuha ng baklang direktor ang atensiyon niya, dahil na rin sa pagkakakunot ng noo nito at pamumula ng kan’yang pisngi na para bang sasabog na ito sa galit ano mang oras.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon