Chapter 75

38 2 1
                                    

KATULAD ng sinabi ni Alfred, nagtayo ulit sila ng panibagong negosyo, at hindi katulad ng nauna nilang business, mas malago ang negosyo nila ngayon. Kumikita rin sila ng malaking pera dahil malaki rin ang nahanap ni Alfred na pera pang-invest.

Ylona and Dyrus worked under his authority, too. Naisip nilang magaling pala mamahala ng negosyo si Alfred kaya karamihan ng mga desisyon ay kay Alfred nila ipinagkakatiwala.

Maayos na sana ang lahat, pero may nalaman si Ylona, dahilan para sugurin niya si Alfred sa office nito.

"Alam kong magkaibigan tayo, Ylona, pero rito sa kumpanya ay boss mo ako. Matuto kang kumatok," saad ni Alfred habang nagbabasa ng mga dokumento sa lamesa. Ni hindi niya nilingon ang dalaga.

Hindi sumagot si Ylona. Imbes ay padabog nitong inilapag ang mga dokumentong nasa kan'yang kamay sa lamesa ni Alfred, dahilan para mapatigil ang binata sa ginagawa.

"Embezzlement, bribery, pakikipagkonekta sa black market, at maging 'yong perang pinang-invest mo para itayo 'tong kumpanya na 'to, galing din sa kurakot," saad ni Ylona, at halatang nagpipigil lang ito ng galit.

"Yes. And so?" walang pakialam namang tugon ni Alfred bago itinulak lang sa tabi ang mga dokumentong ibinigay ni Ylona. "If that's all you have to say, makakaalis ka na. Busy ako at maraming ginagawa."

"Alfred!" napasigaw na si Ylona dahil hindi na niya kinaya ang magpigil, lalo na at nakikita niya ngayong wala man lang balak magpaliwanag si Alfred sa ginawa nito. "Alam kong nahirapan tayo sa negosyo noong simula pa lang, pero wala 'to sa usapan natin, hindi ba? Hindi tayo gagawa ng ilegal!"

"Hindi gagawa ng ilegal?" Humalakhak si Alfred bago tiningnan ang dalaga sa mga mata nito. "Ylona, huwag kayong magmalinis. Nakinabang din kayo ni Dyrus dahil sa ginawa ko."

Natameme si Ylona dahil sa narinig. Tama naman si Alfred. Parehas gumaan ang buhay nilang dalawa ni Dyrus mula nang magtrabaho sila kay Alfred. Nakakaipon siya ng pera at naaayusan niya na ang sarili, habang si Dyrus naman ay nakakapagbigay na rin sa pamilya niya.

Pero hindi niya maatim na nanggagaling pala sa ilegal ang perang ginagastos niya.

"Hindi ako nagmamalinis, at lalong hindi ako magmamalinis. Alam kong mali ang nagawa ko, kaya naman itatama ko 'to." Hinubad ni Ylona ang suot na ID at inilapag 'yon sa lamesa ni Alfred. "This is the last day of my work here. I'll resign."

"You can't do that, Ylona!" Napatayo si Alfred sa gulat at galit dahil sa narinig. "Ikaw ang humahawak sa accounting department, maging sa ilang klieynte natin. You can't just resign dahil gusto mo lang! You need to finish all the work here!"

Ngumisi si Ylona. "Well, problema mo na 'yon. Ikaw na ang bahalang humanap ng magiging kapalit ko sa lalong madaling panahon."

Maglalakad na sana si Ylona paalis, ngunit kaagad hinawakan ni Alfred ang kamay niya. "Ylona... I will not do this forever, okay? I just want to help you and Dyrus. I don't want all of us to fail miserably. I want us to succeed."

"Pero paano naman 'yong ibang taong naaapektuhan ng pagnanakaw mo sa pera nila?" tanong ni Ylona, masama pa rin ang loob.

"I'll stop doing that." Ngayon ay dalawang kamay na ni Alfred ang nakahawak kay Ylona. "We have enough funds already. Kung 'yon ang problema mo, titigil ako. Just don't leave. We need your talent and expertise in accounting and strategy, Ylona. Kailangan ka namin para mas lumago ang kumpanya, at para matulungan din kami ni Dyrus."

Tila may kumirot sa puso ni Ylona nang marinig ang mga sinabi ni Alfred, pero mas matatag siya kaysa sa inaasahan ng mga kaibigan.

Umiling siya at inalis ang pagkakahawak ni Alfred sa kan'ya. "Paano ako makakasigurong ititigil mo na ang ginagawa mo?"

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon