Chapter 84 (Part 1)

55 2 1
                                    

PAGKATAPOS no'n, pinag-usapan nila magdamag kung ano ang susunod nilang plano. Nagkasundo sila sa isang bagay. Itatakas nila si Ella sa ospital, at ituturok ang panibagong gamot na ginawa ni Beckett upang magising ito.

"I will distract Alfred and his men," ani Beckett bago itinuro ang kanang bahagi ng footprint. "We will go here, since Ella's room is on the left side of the hospital. And while we're here, use the opportunity to escape with your mother."

"Pero delikado 'yon." Umiling si Vivianne. "Baka napaghandaan 'to ni Alfred, at ipapatay ka sa mismong ospital. Kayang-kaya niya 'yon gawin. Maniwala ka sa akin."

"I believe you, but it doesn't matter. What's important for me right now is to save your mother, and fullfil my promise to you..." Muling humalik si Beckett sa noo ng asawa. "So let's do this... and see the end together."

KINABUKASAN ay oras na para maisakatuparan ang plano. Nandoon na sa parking lot si Beckett, maging ang mga tauhan na magpapanggap bilang doktor, nurse, at janitor kung may mangyaring masama.

Magkahiwalay sila ng sasakyan ni Vivianne para maghiwalay din ang mga taong nagbabantay sa bawat kilos at galaw nila, pero may mga nagbabantay din kay Vivianne na mga tauhan niya.

He won't put his wife's life in danger. Never again.

"Are you all done preparing?" tanong ni Beckett sa mga tauhan, at tumango ang mga ito. "Good, because we're going to infiltrate the place in a minute."

"Yes, Boss," all of them affirmed.

Napangiti si Beckett sa pag-aakalang ayos na ang lahat, kaya lang, noong patayo na siya para sana pumasok na sa loob ng ospital, biglang lumapit sa kan'ya ang isang tauhan. Nagmamadali ito at hinihingal pa.

"Boss! Masamang balita!" ani Theo bago itinuro ang building ng ospital. "Si... Si Ma'am Vivianne, nasa loob na ng ospital!"

Napatayo si Beckett dahil sa gulat, at muntik pang malaglag ang hawak niyang baril na may silencer. "Putangina, hindi ba sabi ko, bantayan n'yo siyang maigi? Paano siya nakalusot sa inyo?"

"Akala raw nila ay si Ma'am Vivianne pa ang sinusundan nila, pero hindi na pala," saad ni Theo bago yumuko sa harapan ng amo. "Pasensiya na, boss. Gagawa kami ng paraan para malabas siya roon kaagad."

Hindi sumagot si Beckett, ngunit kitang-kita ang galit at pag-aalala sa mga mata nito. Kinuha niya ang phone sa bulsa bago tinawagan si Vivianne.

Wala pang limang segundo ay sinagot na ng asawa ang tawag. "You knew about it sooner than I expected. Magaling pala talaga ang mga tauhan mo, ano?"

"Vivianne, this isn't included in the plan we talked about yesterday," saad ni Beckett bago minasahe ang kan'yang noo, pilit pinapakalma ang sarili. "Get out of there while you still can, okay? You might be in danger if you stay there for a long time."

Bumuntong hininga si Vivianne. "I know."

"Then why did you follow the plan and go there?"

"Dahil hindi puwedeng ikaw palagi ang sumasalo ng mahihirap na parte ng plano natin."

Napakurap si Vivianne sa kabilang linya dahil nagbabadya nang tumulo ang luha niya.

"Nagpapasalamat ako sa 'yo, oo, pero hindi ako papayag na isakripisyo mo na naman ang buhay mo. Hindi puwedeng palagi mo na lang ako inililigtas..." Huminga siya nang malalim at tuluyan nang pumatak ang kan'yang luha. "Just this time, let me minimize the risk of you dying because of me."

"Vivianne..." pagtawag ni Beckett sa pangalan ng asawa.

Hindi niya alam ang sasabihin, at hindi niya rin makontrol ang kaba sa puso niya. Alam niya ang ginawa ni Vivianne. Ipinain nito ang sarili para makakilos sila nang maayos, at hindi na nila kailanganin pang makipaglaban.

"You can save me like you always do, but please... save my mom. Tuparin mo ang pangako mo sa akin, Beckett. Iligtas mo muna siya bago ako..."

Iyon ang mga huling kataga ni Vivianne bago pinatay ang telepono. Napamura nang sunod-sunod si Beckett bago tinawagan muli ang asawa, ngunit hindi na sumasagot ang dalaga at tuluyan nang nagpatay ng cellphone.

"Damn it!" Ibinato ni Beckett ang cellphone sa loob ng kotse. "Everyone, listen up! We have a change of plans."

SAMANTALA, alam na ni Alfred na nasa kuwarto ni Ella si Vivianne. Ni-report na kasi 'yon ng isa sa mga guwardiya niya sa ospital, at nagtatanong ito kung kukunin na ba nila kaagad si Vivianne palabas para madala ito sa kanilang amo.

"No. Wait for her to come outside," sagot ni Alfred sa tanong ng tauhan.

"Sir?"

"Let them be together for a while... since it will be the last time they'll see each other in this world." Ngumisi si Alfred bago inilagay ang isang kamay sa lamesa. "They will be with each other again, but in hell."

Pinatay na ni Alfred ang tawag. Nasa loob siya ng office sa kanilang warehouse, at naghihintay na lang na umayon ang plano sa kan'ya.

"Akala ba talaga nila, hindi ko malalamang balak nilang itakas si Ella sa ospital? Mga hangal," ani Alfred, at mas lumawak ang ngisi nito. "Kahit kailan, hindi nila ako mauutakan dahil papunta pa lang sila, pabalik na ako."

The most horrible thing that Vivianne did was to underestimate him. Alam ni Alfred kung paano mag-isip si Vivianne, at sisiguruhin nitong maligtas muna si Ella bago siya tuluyang atakihin.

Kaya naman nakagawa na kaagad siya ng plano. Kapag kinuha na si Vivianne ng mga tauhan ni Alfred, kaagad ililipat si Ella sa ibang ospital, at kahit nandoon pa si Beckett maging ang mga tao nito, hindi nila makikita si Ella.

Dahil maling tao ang babantayan nila. Inutusan niya ang isang tauhan na pagpalitin ang dalawang pasiyente.

"What a nice game, my daughter, but we need to end it," bulong ni Alfred habang nakangisi.

Makalipas ang ilang minuto, may kumatok sa office niya. Ang mga tauhan niya 'yon galing sa ospital, at dala nila si Vivianne na nakatali ang kamay sa likod.

"Place her here," ani Beckett bago itinuro ang sofa. "She may be rebellious, but she's still my daughter."

"Wow, itinuturing mo pa rin pala akong anak mo?" Humalakhak nang sarkastiko si Vivianne. "Ibang klase, ha—"

Bigla bumunot ng baril si Alfred at ipinaputok ang bala nito sa gilid ni Vivianne, dahilan para hindi na matapos ng dalaga ang sasabihin niya. Napatahimik siya bigla at namutla.

"You act like you don't care anymore, but you're afraid," bulong ni Alfred sa malalim na boses at tinitigan ang anak. "Nakikita ko ang takot sa mga mata mo. Ayaw mong mamatay."

Hindi sumagot si Vivianne at umiwas lang ng tingin. Hindi niya kayang makipagtapatan ng tingin sa ama. Totoo kasi ang sinabi nito. Takot na takot siya, ngunit kailangan niyang paglabanan ang nararamdaman para maligtas ang lalaking minamahal.

Napangisi si Alfred. He hit the right words to say.

"Kung tama nga ako, bakit ka umaarte nang ganito, Vivianne? Bakit pilit mong ipinapamukha sa akin na matapang ka kahit hindi naman?" tanong niyang muli.

"Dahil ganoon ka rin." Inangat ni Vivianne ang mukha, at nagtapat ang tingin nila ni Alfred. "Dahil kahit sabihin na malaki ang galit mo sa akin, hindi mo ako kayang patayin. Bakit? Kasi ayaw mo man tanggapin sa sarili mo, pero mahal mo kami."

"Mahal?" Napahalakhak si Alfred sa narinig. "Nakalimutan mo na ba ang palagi mong sinasabi sa akin noon? Hindi ko marunong magmahal dahil wala akong puso."

"And I was wrong for saying that." Napangiti si Vivianne dahil ngayon lang niya naiintindihan ang lahat. "Marunong ka, pero mas inuna mo ang pagiging gahaman at ang pag-iisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa 'yo. It made you worse."

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon