Chapter 48

51 3 0
                                    

TILA NAPASO ang buong katawan ni Vivianne sa tingin na 'yon, pero kaagad niya 'yon iwinaksi sa isip.

"Alam mo kung bakit." Umupo si Vivianne sa couch at nagdekuwatro. "You're not usually like this. Artista ang clients mo madalas, pero hindi naman artista ang top client namin. Marami ka na rin namang client sa dami ng koneksyon mo, pero bakit kailangan mong kunin ang sa akin?"

"It's because business is business, Vivianne," sagot ni Beckett bago tinapik ang lamesa gamit ang mga daliri niya. "Hindi ba at sa 'yo 'yon galing? Trabaho lang at walang personalan."

"Nagtatagalog ka na?" tanong ni Vivianne, tila gulat na gulat sa narinig. "Infairness, ha. Mas maganda ang accent mo ngayon kaysa noon."

"And I believe it is none of your business, Miss Allamino," ani Beckett sa malamig na tono. "Anyway, I didn't expect you to know that it was me who stole your client that fast. But I was more shocked, seeing that you know about my illegal business. You're stalking me. You're still into me."

Bigla itong ngumisi na parang natuwa sa napagtanto, habang si Vivianne naman ay napailing na lang. Wala pa ring pinagbago si Beckett sa aspetong iyon. Mahirap pa rin talaga itong basahin, at mabilis ding mag-switch ang mood nito.

"Ang kapal ng mukha, ha. Kasalanan ko ba kung bigla na lang talagang lumalabas ang ibang information tungkol sa 'yo na hindi ko mahanap noon?" Tumaas ang kilay ng babae.

Sumandal si Vivianne sa upuan at ngumisi. Nanatili ang tingin niya kay Beckett. "Pinaghirapan mong itago ang mga bagay tungkol sa 'yo noon, pero ngayon, parang tinatakam mo ang lahat na kalabanin ka. Dahil ba miyembro ka na ng Foedus Corporation? Dahil mayroon nang magba-back up sa 'yo kapag naging mahirap na ang lahat—"

Hindi na natapos ni Vivianne ang sasabihin nang sa isang iglap, nasa harapan na niya si Beckett. Yumuko ito at inilagay ang magkabilang kamay sa pagitan ng dalawang ulo ng babae. He cornered her in an instant, at wala na rin siyang maatrasan.

"Akala mo ba, ginusto kong maging miyembro ng Foedus para lang magkaroon ng backer?" tanong ni Beckett. Madilim ang ekspresiyon ng mukha nito, at malamig ang tono ng kan'yang boses. "Hindi mo alam ang mga bagay na kailangan kong isakripisyo para rito, Vivianne. I did this for you, but somehow, I needed to sacrifice you."

Those words sent shivers to Vivianne's spine. Alam naman na niya ang tungkol sa bagay na 'yon, pero ang marinig mula sa mismong bibig ni Beckett na gusto pa rin siya nitong iligtas ay nagdala ng kakaibang pakiramdam sa puso niya.

Naalala ni Beckett ang unang araw niya sa Agrianthropos City, at ang mga ginawa niya sa initiation. Nakarating na siya sa puntong ito, pero ibinaba naman niya ang dignidad. Ang lahat ng pangyayari noon... Ay ang mga bagay na ayaw na niyang maalala pa.

"You're being a naughty girl again, Vivianne. Hindi ba sinabi ko sa 'yong may mas maganda pang paggamitan itong labi mo imbes na magsabi ng kung anu-anong masasakit na salita?" ani Beckett sa isang nakakaakit na boses.

Hinaplos niya ang pang-ibabang labi ni Vivianne gamit ang hinlalaki, habang nandoon din ang focus ng mga mata ng binata. He was losing control. He wanted to take her right here, right now.

Pero masyado pang maaga.

Lumayo na si Beckett at inayos ang necktie ng kan'yang damit. Parang bigla kasing uminit kahit nakasagad naman ang aircon sa office. "Tell me, why did you request to meet me? Is it to take back that client?"

"Oo." Itinaas ni Vivianne ang isang kilay. "Isa siya sa top clients ni Alfred, at kung hindi mo siya ibabalik sa amin ngayon, malilintikan kaming lahat. So, give him back to me. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo siya ibinabalik sa akin."

At hindi rin kasi siya makakabalik sa mansyon hangga't hindi niya nakukuha ang kliyenteng 'yon. Baka mas lalo lang ma-badtrip si Alfred sa kan'ya, at hindi niya hahayaang mangyari 'yon.

Kaya lang, sa dami ng sinabing 'yon ni Vivianne, tanging pagtitig lang ang naging tugon ni Beckett sa kan'ya. Nakakunot ang noo ng lalaki, bagay na ipinagtaka niya. "Bakit ka nakatitig sa akin nang gan'yan?"

"It's because I'm starting to get jealous, Vivianne Kaye," sagot ni Beckett. Kumuyom ang kamao nito. "You are doing your best to take that motherfucker back."

"H-Ha?"

"That asshole turned his back away from you, yet you are here, trying to negotiate with me to win him back. But you did the opposite to me. You are running away from me..."

Muling lumapit si Beckett sa kinauupuan niya. Inihanda ni Vivianne ang sarili dahil akala niya ay maco-corner na naman siya kagaya kanina, pero hindi ganoon ang ginawa ni Beckett. Umupo lang ito sa tabi niya sa couch, ipinatong ang magkabilang siko sa hita, at inihilamos ang palad sa mukha.

"I'm mad, damn it," ani Beckett at umigting ang panga nito. "Should I just kill him?"

"Beckett!"

"I would prefer it if you are calling my name while I'm pounding you real hard, but not because I'm wanting to kill some other guy." Mas lalo pa nga yatang nagalit si Beckett dahil sa biglang pagsigaw ni Vivianne.

"Goodness." Napahilot na lang si Vivianne sa sentido at bumuntong hininga. Kung saan-saan na kasi napunta ang usapan nila, at mukhang wala rin sa wisyo itong si Beckett.

Mukhang nakalimutan nitong wala na sila. Matagal na.

"Kahit kailan talaga, ang dumi ng bibig mo," ani Vivianne bago tumingin kay Beckett, pero hindi nagbabago ang emosyon ng binata. Madilim pa rin ang mga mata nito at tila gusto siyang kainin nang buhay. "Hindi kita maintindihan. Kinuha mo 'yong kliyente ko, tapos iniisip mo kung papatayin mo na lang siya?"

"You know I'm damn possessive? You're mine," Beckett told her.

"I was yours," sagot naman ni Vivianne, ayaw magpatalo.

Sumama ang timpla ng mukha ni Beckett dahil doon. Humarap siya kay Vivianne habang nakakunot ang noo. "You're still mine. Don't make me repeat myself."

"We're not together anymore—"

Hindi niya na natapos ang sasabihin nang bigla siyang sinunggaban ni Beckett ng halik. Napahiga siya sa couch kasabay ng pag-awang ng kan'yang labi sa gulat, na siyang sinunggaban naman ni Beckett para mas palalimin ang paghahalikan nila.

Nakapikit lang si Vivianne at hinahayaan lang ang paghalik ni Beckett sa kan'ya, maging ang paminsan-minsang paghaplos ng kanang kamay nito sa beywang niya. Ang kaliwang kamay naman nito ay nakakapit sa buhok niya, inaanggulo ang ulo ni Vivianne upang mas mahalikan ito nang maayos.

At doon, hindi na natiis ni Vivianne ang lahat. Humalik siya pabalik sa lalaki. Matagal niya na ring hinahanap-hanap ang bagay na ito. Hindi niya ma-imagine ang sarili na ginagawa ito sa ibang lalaki kun'di kay Beckett lang.

She was the one who pushed him away... yet she's the one pulling him again.

"You kissed me back..." ani Beckett nang tumigil sila saglit para makahinga nang maayos. "You wanted this, Vivianne. You can tell yourself that you don't want me anymore, but your body says otherwise..." Lumipat ang labi nito sa leeg ni Vivianne, at doon siya masuyong hinahalikan ng binata.

"No... I don't like this," bulong ni Vivianne kahit tila nahihirapan ito.

"No?" Bigla na lang pinisil ni Beckett ang dibdib ni Vivianne, dahilan para mapaungol ang dalaga. "Kahit ba hindi mo gusto ang lalaki, ganito ang reaksyon mo?" dagdag niya pang tanong.

Pero kaagad niyang nakagat ang pang-ibabang labi nang may mapagtanto. "Fuck it, I asked the wrong question. If someone dares to mess with what's mine, I'll kill them." Sa sobrang panggigigil ay sinimulan na niyang sipsipin ang balat sa leeg ni Vivianne.

"Beckett... A-Ano ba..."

Sinubukan niyang magreklamo, pero kabaliktaran ang lumabas sa bibig niya. Sobrang nagustuhan niya ang ginagawa ng lalaki, at kapag nagpatuloy 'to, alam niyang hindi na siya makakahinto pa.

No. She couldn't let Beckett be involved with her mess again.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon