Chapter 30

57 2 1
                                    

Tila binuhusan si Beckett ng malamig na tubig sa narinig. Pagkatapos matulala nang ilang saglit ay mabilis siyang lumabas ng warehouse. Tinatawag pa siya ni Nathan dahil may mga ilan pang kailangang asikasuhin si Beckett sa trabaho ngunit hindi na niya iyon pinansin pa.

Using his car, Beckett went to the Allamino mansion as fast as he could. Magkalayo ang distansya ng warehouse sa mansiyon pero dahil sa paharurot niya ay nakarating din siya kaagad sa Manila.

"Shit. Shit," paulit-ulit na mura ni Beckett habang mahigpit ang hawak sa manibela. He's trying to call Vivianne, too, pero hindi ito sumasagot. "Fuck, Vivianne. Answer the phone, goddamn it."

Sa bawat paglipas ng oras ay mas lalong dumadagdag ang kaba sa puso niya. Naiipon na rin ang pawis sa kan'yang noo, ganoon na rin ang galit sa katawan niya. If only he knew that Alfred would make Vivianne as his tester, sana ay hindi na niya pinagbentahan pa ang gagong 'yon.

Makalipas ang ilang minuto ay ipinarada na ni Beckett ang kotse sa harap ng gate ng mansiyon. Nakita niya roon ang kotseng ginamit ni Vivianne noong sinundo siya nito sa police station kaya napakagat siya sa pang-ibabang labi—Ibig sabihin ay nandoon na si Vivianne.

Negative scenarios played in his head, and the pain he felt when he lost his parents started to succumb in his memory, too. Pakiramdam man niya na parang hindi siya makagalaw ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

"May appointment po kayo, Sir?" tanong ng babaeng guwardiya nang lumapit si Beckett sa gate. "Kapag wala po kasing appointment kay Sir Alfred ay bawal pumasok dito—"

Beckett suddenly pulled the gun from his waist and pointed it in front, causing the woman to stop talking. "I have an appointment with him now. I need to see him, and if you're going to hinder me from doing it, I can't promise I'll let you stay alive."

Sa mga oras na 'yon ay nakalimutan niyang hindi niya kayang pumatay ng tao, at iba ang pakiramdam niya palagi kada nakakikita siya ng dugo. Tanging tanging kalagayan lang ni Vivianne ang nasa isip niya.

Sa oras na malaman niyang may nangyaring masama kay Vivianne, hindi niya na alam kung ano ang magagawa niya.

Hindi sumagot ang babaeng guwardiya. Sanay na siya sa mga ganitong senaryo dahil marami na rin ang nagtatangkang pumasok sa bahay ng mga Allamino, kaya naman bubunutin na sana niya ang baril sa bulsa nang makarinig siya ng utos sa kan'yang earpiece.

"Let him in." It was Alfred's voice. "And tell him to go to the dining area."

"Copy, Sir."

Inalis ng guwardiya ang kamay sa kan'yang beywang at hindi na itinuloy pa ang gagawin. Imbes ay ngumiti siya kay Beckett, dahilan para kumunot ang noo ng binata.

"Tuloy po kayo, Sir. Nasa dining area si Sir Alfred," saad ng guwardiya.

Tumango lang si Beckett bago ibinaba ang baril. Hindi niya ito ibinalik sa lalagyan dahil kailangan niyang maging mapagmasid. Ngayong alam na nilang mayroong illegal business si Alfred, ibig sabihin ay kaya nitong pumatay o magpapatay ng tao.

Now, he thinks he sees Alfred's real personality behind the facade.

'If Nathan is telling the truth about the drugs, it means that Alfred can sacrifice everything for the sake of his ambitions.' Kumunot ang noo ni Beckett dahil sa naisip. 'Did he somehow have relations with my mother's death, too?'

Binalot siya ng mga agam-agam ngunit ipinilig niya ang ulo. He needs to clear his mind. Mas mabilis kasi siya kumilos at magdesisyon kung hindi napalilibutan ng kung anu-ano ang utak niya.

Pumasok si Beckett sa loob ng mansiyon. Katulad ng dati ay bumungad ulit sa kan'ya ang mamahaling tema ng buong bahay, maging ang mamahaling mga gamit nito. Walang katao-tao sa sala kaya tumayo ang mga balahibo niya.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon