KAAGAD nahampas ni Beckett ang pader nang maisip 'yon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Binilisan niyang maghanap ng papel at ballpen para isulat doon ang mga nasa isip niya.
Mabuti na lang at memorize niya pa ang ingredients, at alam niya rin ang mga gamot na puwedeng makagulo sa chemicals.
Dahil sa walang katapusang pag-iisip, naging mabilis tuloy para kay Beckett ang tatlong araw na lumipas. Ni hindi niya namalayang dalawang beses sa isang araw na lang pala siya kumakain, at halos buong araw ay nakaupo lang siya sa gilid at nag-iisip.
Halos isang buong notebook na ang nasulatan at na-drawing-an niya ng kung anu-ano. Everything was settled, kaya naman ang kailangan na lang niyang gawin kapag nakalabas ay pumunta sa warehouse at i-test ang lahat ng naiisip niya.
"Kung tama nga ang naiisip ko, ibig sabihin ay 'yong isa pang ininom ni Ella ang dahilan kung bakit siya na-comatose. It was the reason for her nosebleed, too," bulong ni Beckett habang nakatitig sa notebook niya.
Nabo-bother siya sa mga pangyayari, pero hindi lang 'yong chemical na nasa katawan ni Ella ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali. It was because of another realization.
A painful and disturbing one.
"Then... it could mean that Alfred knew about our plan all along, or he was making Ella drink something that can gradually deteriorate her health.."
HINDI nagtagal at natapos na ang tatlong araw na pagkakakulong ni Beckett. Nahirapan siya sa pag-iisip dahil wala siyang WIFI connection para i-search ang ilang bagay na hindi niya alam, kaya ngayon ay maaayos niya muna ang notes bago magpunta sa warehouse.
A guard opened the door, so Beckett went out. Nagulat pa siya nang bahagya dahil nandoon pala si Jeru sa gilid. Nakasandal ito sa pader, nakapamulsa, habang nakangisi kay Beckett.
"Nice. Kahit ang tagal mong nakakulong, mukhang hindi ka na-bore, ah," mapang-asar na saad ni Jeru. "Dapat pala, hinayaan ko munang makulong ka nang mas matagal."
"My mind has been occupied lately. Wala na akong oras para maburyong," seryosong sagot naman ni Beckett. Bahagyang kumikirot ang ulo niya dahil sa matagal na pag-iisip. "Thank you. I'll go ahead now."
"Sure." Tumango si Jeru, senyales ng pagbibigay ng permiso, kaya naman umalis na si Beckett sa lugar na 'yon.
Beckett went to his house first. Doon ay ginawa na niya ang pagre-research. May dinagdag at binawas siya sa notes niya, at nang masigurong okay na ang lahat ay saka naman siya nagpunta sa warehouse para roon mag-experiment.
Inabot siya ng hapon sa paghahalo ng iba't-ibang klaseng chemicals. Mahalaga sa kan'ya na malaman kung ano man ang iniinom ni Ella, dahil 'yon din ang paraan upang magamot niya ito.
He had a hunch. Sinadya ni Alfred na painumin si Ella ng gamot para kung sakaling mangyari ang ganitong bagay, mas lalong papabor kay Alfred ang tadhana. Ngayong nasa ospital si Ella at nag-aagaw buhay, mas lalo nitong mahahawakan si Vivianne sa leeg.
'Wait for me, Vivianne. This will be quick,' ani Beckett bago umiling nang bahagya at pumikit.
He was sleep-deprived, at hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga. Hapon na at ilang oras na rin siyang nagtatrabaho. As a model and actor, his body was used to this, pero ang mag-isip at ma-pressure... Hindi.
Dahil sa pagmumuni-muni ay hindi niya namalayang hahawak na pala siya roon sa cylinder. Mabuti na lang at nandoon si Rex at mabilis nahawakan ang kamay niya pabalik.
"Sir Beckett, magpahinga po muna kaya kayo, kahit kaunti lang?" ani Rex bago binitawan ang kamay ng amo. "Mas mahihirapan ka mag-isip kung pagod na ang utak at katawan mo. Makakapaghintay naman siguro ito." Tumingin siya sa mga cylinder na may iba't-ibang chemicals.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...