Chapter 47

48 3 1
                                    

"MA'AM Fiona..." mahinang pagtawag ni Vivianne sa dating katrabaho.

Hindi na niya alam ang sasabihin pagkatapos no'n. Kahit naman hindi nito sabihin, alam niyang ayaw ni Fiona sa kan'ya noon pa man. Siguro dahil alam nito kung ano ang gagawin niya... na sasaktan niya lang din si Beckett pagdating ng panahon.

'Kung galit man siya sa akin, wala naman akong magagawa roon,' pakunsuwelo ni Vivianne sa sarili. Alam niya namang wala na siyang lugar dito sa Syneverse sa umpisa pa lang.

Pero hindi niya inaasahan ang susunod na pangyayari. Mabilis na lumapis sa kan'ya si Fiona at niyakap siya nang mahigpit. Nanlaki ang mga mata niya at hindi kaagad nakagalaw.

"M-Ma'am Fiona?"

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Beckett, at ayoko rin naman siyang tanungin. Alam kong gusto niyang pinagdadaanan ang mga bagay-bagay nang mag-isa..." ani Fiona. May lungkot sa tono ng boses nito. "Pero alam mo ba kung gaano kapariwara ang buhay ni Beckett nang mawala ka?"

Vivianne was not even surprised upon hearing that. Ramdam naman niya ang pagmamahal ni Beckett. Handa na nga itong isuko ang lahat para sa kan'ya, at iyon naman ang hindi kayang mangyari ng dalaga.

'Di baleng siya na lang mag-isa ang mahirapan. Hindi na niya kailangang mandamay pa ng iba.

"Sorry, Ma'am Fiona... Hindi lang talaga ako karapat-dapat para kay Beckett." Halos pumiyok ang boses ni Vivianne nang sabihin 'yon, pero pinigilan niya ang sarili. "I know I hurt him, pero huwag kang mag-alala. Wala ako rito para pag-usapan ang tungkol sa nakaraan namin. Iba ang pakay ko rito," paniniguro niya pa.

"No... Hindi ganoon ang ibig kong sabihin." Umiling si Fiona. "I'm just glad to see you again, at maniwala ka man o hindi, nag-alala rin ako noong bigla kang umalis."

Doon nagulat si Vivianne. Hindi niya kasi inaasahang sasabihin ni Fiona ang bagay na 'yon. Umawang ang kan'yang labi, at bago pa man makapagsalita si Vivianne ay humiwalay na si Fiona mula sa pagkakayakap dito.

Halatang gusto pang makipag-usap ni Fiona sa kan'ya, pero busy na rin ito at may mga kailangan siyang asikasuhin ukol sa guestings and photoshoots ni Beckett.

"Beckett is waiting for you at the office," saad ni Fiona bago itinuro ang isang malaking pinto sa gilid nila. "Dapat talaga ay dito kayo magkikita sa department kasama ng ibang empleyado, pero ang sabi niya, kakailanganin n'yo ng privacy kaya roon na lang."

"Okay—" Napatigil si Vivianne nang may mapagtanto. "Wait, office? May sariling office na si Beckett dito?" hindi niya mapigilang magtanong.

Napangiti si Fiona. "Yes. Ilang linggo lang pagkabalik niya rito ay naging isa na siya sa major shareholders. It increased his net worth, and he had more control of the company now."

Napaawang ang labi ni Vivianne sa narinig. Akala niya ay nag-focus lang ito sa modelling industry, pero hindi pala. Kung tutuusin ay parang wala namang pinagbago si Beckett ayon sa pictures na nakikita bukod sa mas lalo itong gumuwapo, pero lalo rin pala itong naging wais.

Nang maka-recover sa pagkagulat ay ngumiti si Vivianne at tumango. "Okay. Thank you."

"Ako ang dapat magpasalamat sa 'yo, Vivianne..." pagsagot naman ni Fiona. "Sa mga panahong pinanghihinaan siya ng loob, nasa tabi ka man niya o wala, ikaw pa rin ang nagiging kalakasan niya."

Tumango na lang si Vivianne bago naglakad patungo sa pintuang itinuro ni Fiona kanina. Hindi kasi niya alam ang magiging reaksyon... O hindi niya alam kung bakit sobrang lakas ng tibok ng kan'yang puso dahil sa narinig.

'Hindi na dapat ganito ang nararamdaman ko. Hindi na dapat...' paalala ni Vivianne sa sarili. 'He's a rival now, Vivianne. A rival that I should get rid of before everything goes beyond my control. Tandaan mo 'yan.'

As soon as she reached the office, Vivianne knocked three times, but no one answered.

"Wala ba siya rito?" nakakunot-noong tanong ni Vivianne sa sarili. "Ngayon lang niya inaprubahan 'yong pakikipagkita ko tapos wala siya rito?" She scoffed.

Hinawakan niya ang doorknob at sinubukang pihitin 'yon. Tumaas ang kanang kilay niya nang makitang hindi naman pala naka-lock ang pinto. Pumasok siya sa loob ng office kahit walang pahintulot, at hindi niya rin naman 'yon pagsisisihan.

Wala rin naman na kasing magagawa kung pagsisisihan niya pa ang mga bagay na nagawa niya na.

"Wow," was all that she could say upon seeing the office's interiors.

Halos kaparehas nito ng design ang penthouse niya na sobrang nagustuhan ni Vivianne. Simple pero elegante. Sa unang tingin pa lang, halatang mayaman na kaagad ang nagmamay-ari nito.

Napabulong na lang si Vivianne sa sarili habang namamangha pa rin. "Magkano kaya ang ginastos ni Beckett dito?"

"Almost five hundred thousand, I guess. But it looks good, right?" May nagsalita sa kan'yang likod, at si Beckett na pala iyon. "But what I liked more is when you say my name. Can you say it again?"

Napairap na lang si Vivianne dahil walang pinagbago ang lalaki. Ipinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib bago tumalikod para harapin ang lalaki, pero kaagad niyang pinagsisihan iyon.

Beckett looks at her like a predator ready to devour her prey. Nag-aalab ang mga mata nito. Galit at pangungulila, ngunit mas lamang ang pagmamahal.

Mahal pa rin siya ng dating kasintahan, at hindi alam ni Vivianne kung matutuwa siya roon o hindi. It just made her feel so much pain—The pain she buried at the back of her head before.

"Don't look at me like that. I might not hold myself back at this time," saad ni Beckett bago dinilaan ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa leeg ni Vivianne.

Sapat na 'yon para bumalik si Vivianne sa reyalidad. "Huwag ka nga nagsasabi ng kung anu-ano riyan. Tungkol sa negosyo lang ang ipinunta ko rito."

"But you are my business," ani Beckett bago ikinuyom ang mga kamay.

"How so? Hindi naman na tayo," saad naman ni Vivianne sa malamig na tono. It was harsh, but it was the truth. "Anyway, what a nice place you have here. Asensado ka na. Kung hindi tayo naghiwalay noon, hindi mo makakamit ang lahat ng 'to—"

Napatigil si Vivianne sa pagsasalita nang mapansin ang paraan ng pagkakatitig ni Beckett sa kan'ya. Tila nagulat ito at namangha.

'Oh, boy. What a stupid topic to open up,' saad ni Vivianne sa isipan. Pero hindi niya kasi maiwasang mamangha sa mga nakamit ni Beckett. He looked happy, while she was miserable doing the things she didn't even like in the first place.

Akala ni Vivianne ay aasarin siya ni Beckett tungkol doon, pero tumikhim lang ito bago pumunta sa may lamesa. Umupo siya sa dulo no'n habang nakatingin lang sa pader.

Ang totoo niyan, hindi nagustuhan ni Beckett ang sinabing 'yon ni Vivianne. Bumukas lang ulit ang sugat sa puso niya. Matagal niya 'yong kinalimutan, pero isang kita lang pala niya kay Vivianne ay manunumbalik ang lahat ng 'yon.

Vivianne is still his salvation and destruction at the same time.

"You asked me to meet up with you sooner than I expected..." saad ni Beckett habang matamang nakatingin kay Vivianne. "I love how you told my managers that it was you requesting this meeting. Why? Did you think I would accept your request just because it was you?"

Beckett's voice was cold and intimidating as hell. Napahinga nang malalim doon si Vivianne dahil tila may tumusok sa puso niya nang marinig ang sinabi ng dating nobyo. Oo nga, hindi na sila. Siya ang nakipaghiwalay sa lalaki. Ano'ng pinanghahawakan niya?

"I told you to run away from me," ani Vivianne sa isang malamig na tono.

"I did, but look at who's in front of me now." Tiningnan siya ni Beckett mula ulo hanggang paa. "It was you who came to me."

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon