BECKETT STOPPED breathing for a second upon the mention of his late mother's name. Ni hindi niya napansing nakakunot na pala ang noo niya habang nakakuyom din nang matindi ang kaliwang kamay.
Mas lalo lang siyang binalot ng kaba dahil unti-unting itinuturo ng kan'yang mga natutuklasan ang relasyon ni Alfred sa ina noon.
"Do you have his file?" tanong ni Beckett kay Nathan.
Umiling si Nathan habang binabasa ang dokumentong hawak sa isang kamay. "Mayroon, boss. Pero kaunti lang ang laman nito. Ang hirap hanapan ng impormasyon ng bata dahil mukhang may pilit nagtatago no'n sa publiko."
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Beckett. "Any idea or hunch who it is?"
"Puwedeng ang mama mo boss, o kaya naman ang papa niya. Si Dyrus Hechanova."
Ini-scan ni Nathan ang file habang hinahanap ang nakalap na impormasyon tungkol kay Dyrus. "Ayon dito, magkasama sila ni Ma'am Ylona sa isang maliit na kumpanya at sabay din silang nag-resign. Pagkatapos no'n ay wala nang nakaalam pa kung saan nagpunta si Dyrus. Wala ring naiwan na trace."
"How did my mother become that kid's guardian, then? Did he leave his son?" muling usisa ni Beckett.
"Hindi, boss..." Tumikhim si Nathan bago muling nagsalita. "Patay na si Dyrus. Sabi rito, na-hit and run siya habang naglalakad sa isang madilim na eskinita noon. Dead on arrival siya noong dumating sa ospital. Ulila na si Dylan kaya kinuha siya ni Ma'am Ylona at siya ang naging guardian nito."
"What year is it?"
"December 2013, boss," sagot ni Nathan. "Tapos noong 2014, napunta na si Dylan doon sa orphanage."
Beckett was stunned for a moment. Magkalapit lang ang pagitan ng pagkamatay ni Dyrus at Ylona. Bandang Marso siya umuwi noong 2014 para sa semestral break nila kaya hindi niya iyon malilimutan.
'This couldn't be a coincidence,' saad ni Beckett sa isipan habang tinitingnan kung paano nagtutugma ang lahat.
Mula sa pagkakaibigan ni Dyrus at Ylona, sa pagre-resign nila nang sabay, sa pagkamatay ni Dyrus na sinundan ni Ylona, hanggang sa kamuntikan ding pagkamatay ng anak nitong si Dylan. All of them had one denominator: Alfred.
But there's still some things that he's confused about. Hindi alam ni Beckett na may isa pa palang pinasukan na kumpanya ang ina niya bago ang Allamino Corporation. Pakiramdam tuloy niya ay hindi niya lubusang kilala ang ina dahil mas matagal pa siyang nanatili sa Milan kaysa makasama ang magulang niya.
"Thank you, Nate." Beckett had a small smile. Iyon pa lang ang naririnig niya ngunit para naubos na ang lahat ng enerhiya niya. "Make sure to hide those documents, and make sure that you're alone every time you report to me. Do you understand?"
"Yes, boss." Tumango si Nathan bago luminga-linga sa paligid. "Nasa warehouse rin ako ngayon at walang tao sa puwesto ko. Lahat sila busy sa paggawa ng drugs. Nandito rin si Jeremy dahil may kailangan daw siyang i-report sa 'yo."
"Why did he bother to go there?" Kumunot ang noo ni Beckett. "He could just have called me. He wasted time going there if he's not going to do anything."
Jeremy has the most crucial work in Dweller Cartel. Sa dami kasi ng kinuha niyang chemist noon ay walang ibang tumagal sa kan'ya kun'di si Jeremy lang. Huling-huli kasi ni Jeremy ang paraan ng pagtatrabaho na gusto ni Beckett—Mabilis ngunit pulido. Kaya naman wala rin bulilyaso sa bawat drogang nagagawa nila.
"Pauwiin ko na ba siya, Boss? Pero mukhang may ginagawa rin naman siya rito. Kanina niya pa ini-inspection 'yong mga drogang idi-distribute na sa labas," nag-aalangang tanong ni Nathan.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...