Chapter 31

61 2 0
                                    

As if on cue, Beckett's mind went back to that day, especially when Alfred re-enacted exactly what the killer did that night. Naghuhubad ito ng pang-itaas na damit habang pinaglalaruan ang tinidor sa kanang kamay nito.

Napatigil si Beckett sa paggalaw kasabay ng panginginig ng katawan niya. Ganoon na naman ang nangyayari. Tila napupuno ng dugo ang buong lugar gawa ng kan'yang imahinasiyon. Napigil na rin niya ang paghinga, at hindi niya namalayang nabitawan na niya si Vivianne.

Gladly, Vivianne was sober enough to balance herself, but she was confused about why Beckett suddenly stopped walking when it was he who was eager to take her out of the house in the first place.

"Beckett?" pagtawag ni Vivianne sa nobyo sa isang mahinang boses, pero hindi ito sumagot. Nanatili lang itong nakatitig kay Alfred kaya naman ay dumako rin ang kan'yang paningin sa ama.

Kumunot ang noo niya nang makitang tanggal na ang pang-itaas nito, at nakaharap na sa kanilang dalawa. There, she saw the tattoo again—Infinity sign with small thorns.

Noong una ay hindi niya pa alam kung ano ang nangyayari, pero nang mapagtanto ang lahat ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

''Yong tattoo... Shit!' napamura si Vivianne sa isip. 'Kaparehas iyon ng sa mama ni Beckett... Saglit...' pati siya ay napaisip sa mga oras na iyon.

She had suspicions that Beckett's mother could be one of the special members of the Allamino mafia, but she didn't want to accept it at first. Pero ngayon, habang tinitingnan kung paano manginig sa galit si Beckett, mukhang tama nga ang hinala niya.

Vivianne breathed heavily as she held onto Beckett's hand, calming him while controlling her thoughts at the same time. Malaki ang galit ni Vivianne sa bawat miyembro ng mafia na 'yon dahil sa nangyari sa kan'yang ina.

And as she always turns a blind eye to every evil thing his father does for the sake of her mother's safety, she couldn't help but hate herself, too.

"Bakit hindi pa kayo umaalis? Nagbago na ba ang isip n'yo?" tanong ni Alfred habang nakangisi. Patuloy pa rin ito sa paglalaro ng tinidor na para bang kutsilyo ang hawak niya. "O baka naman may naaalala ka habang nakatingin sa akin, Mr. Clainfer?"

Humigpit ang pagkakahawak ni Beckett sa kamay ni Vivianne noong mga oras na 'yon. Bigla ring namula ang pisngi nito sa galit, at lumabas na rin ang ugat sa leeg nito dahil sa pagpipigil.

Beckett knows that Alfred was insinuating something, at sila lang ang nagkakaintindihan doon. At this moment, Alfred was declaring a war between them, at wala man lang kamalay-malay doon si Vivianne.

Pakiramdam ni Vivianne ay may ideya siya pero hindi iyon sapat. Pakiramdam niya rin ay tuluyan nang sasabog si Beckett kung hindi pa siya makikialam.

"We're going." Pinutol ni Vivianne ang tensiyon sa pagitan ng nobyo at ama. "Let's go, Beckett. Just follow my lead," aniya bago hinila si Beckett ngunit hindi siya nagtagumpay.

Nagmatigas si Beckett. Ayaw nitong lubayan ng tingin si Alfred. Ginamit na ni Vivianne ang buong lakas para lang mapagalaw si Beckett sa kan'yang puwesto pero sadyang mas malakas ito.

"Can you whistle?" biglang tanong ni Beckett, dahilan para tumaas ang kilay ni Alfred.

"What's with the sudden question?" Humalakhak si Alfred bago inilapag sa lamesa ang hawak na tinidor. "Oo naman."

Tumango si Beckett ngunit nanatiling malamig ang kan'yang mga mata. "Do you have a favorite song? A song that you're whistling every time you're happy or doing something?"

Binalot ng pagtataka at takot si Vivianne dahil sa tanong na iyon. All members of her family can whistle. Kahit siya ay napapasipol kapag masaya siya o kaya naman ay bored.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon