Chapter 59

45 3 2
                                    

PAGKATAPOS nilang maligo, tila lantang gulay na humiga si Vivianne sa sofa. Naka-bathrobe pa ito at basang-basa pa ang buhok niya, pero hindi na talaga niya kaya ang tumayo pa.

Hindi naman kasi natupad ang sinabi ni Beckett kanina na mags-shower lang sila. They ended up f.ucking each other in the bathroom, at hindi lang 'yon isang round. Marami 'yon. Karamihan pa sa mga posisyon ay nakatayo siya kaya nanginginig na ang legs niya.

Sinamaan niya ng tingin si Beckett, at naramdaman naman 'yon ng binata kahit nakatalikod ito habang nagpupunas ng katawan.

"Why are you looking at me like that?" tanong ni Beckett pero hindi siya humarap sa dalaga.

"Ang sabi mo, shower lang!" pagmamaktol ni Vivianne.

"I said that, but you're the one who requested me to enter my c.ock inside you." Humalakhak ito.

"You tricked me!" sagot naman ni Vivianne bago umupo nang maayos sa kama. "Y-You made me feel good!" nautal pa nga siya.

Totoo naman kasi ang sinabi ni Beckett. Noong nadadarang na siya sa sarap ng ginagawa ng binata sa kan'ya, siya pa mismo ang nagsabing gawin na nila ang bagay na 'yon. At dahil doon, nagkaroon tuloy ng pang-asar si Beckett sa kan'ya.

Humarap si Beckett sa kan'ya, at may ngisi pa rin sa labi nito. "Really? I made you feel good?"

'Ay puta, ang guwapo,' napamura pa nga si Vivianne sa isip dahil kahit bagong ligo lang naman ang lalaki ay sobrang attractive pa rin nito sa paningin niya.

Well, he won't be called the Nation's Perfect Guy for nothing.

At dahil lumulutang ang isip niya, hindi napansin ni Vivianne na nakalapit na pala sa kan'ya si Beckett. Inihiga siya nito sa kama at ipinatong ang magkabilang kamay nito sa ulo niya para hindi siya makaalis.

"It's not my fault that you got turned on while I'm putting soap to your b.reasts," saad ni Beckett bago bumaba ang tingin nito sa c.leavage niya. "Or... is it my fault if I just want to give you a bath?"

"L-Lumayo ka nga!"

"Make me, baby."

Sinubukang itulak ni Vivianne si Beckett sa dibdib nito, ngunit kaagad din siyang napatigil nang halikan siya ni Beckett.

Awtomatiko siyang napapikit bago hinawakan nang mahigpit ang damit ni Beckett. Vivianne kissed him with the same intensity. Handa na siya kung saan man sila makakarating dahil gusto rin naman niya kapag ginagawa nila 'yon.

Pero laking gulat ni Vivianne nang biglang humiwalay si Beckett sa halikan nila. Tumayo ito at hinila si Vivianne paupo.

"Rest for a while before fixing yourself," saad ng binata bago inalis ang iilang hibla ng buhok ni Vivianne sa mukha. "Just call me when you're ready. I'll just take care of something," dagdag nito bago tuluyang umalis.

Napanganga na lang si Vivianne habang nakatingin sa pintuan ng kuwarto na nakasara ngayon. Talaga bang... binitin siya ng asawa?

MATAPOS ANG ilang minuto, nakapag-ayos na si Vivianne. She was wearing a yellow sleeveless crop top with ruffles on its sleeves, partnered with a plain yellow skirt below her knees. Simple lang din ang make-up niya, pero sinigurado niyang lilitaw lahat ng features niya rito.

Pumunta na siya sa sala, at doon, nakita niya si Beckett na nagtitipa sa laptop nito.

"I'm ready—"

Hindi na natapos ni Vivianne ang sasabihin nang lumingon si Beckett. Nagulat kasi siya sa ayos ng binata. Nakadilaw din ito na polo at itim na maong shorts kaya mukha silang naka-couple shirt.

"Bagay talaga sa 'yo ang light colors. Lumilitaw lalo ang kaputian mo," ani Vivianne habang pinagmamasdan ang asawa.

"Sus. Sabihin mo na lang na nagaguwapuhan ka sa akin," nakangising sagot naman ni Beckett bago pinatay ang laptop niya.

"Asa ka naman." Umirap si Vivianne, at kahit totoo naman ang sinabi ng binata, hindi niya 'yon aaminin.

MAYA MAYA lang ay umalis na rin sila, at halos magtititili si Vivianne sa tuwa nang makita ang unang destinasyon nila: Canal Grande and Rialto Bridge.

"Wow! Sobrang ganda naman dito!" tili ni Vivianne bago inabot ang phone kay Beckett. Pumuwesto siya roon sa may mga bangka at nag-pose. "Picture-an mo ako, dali!"

Napailing na lang si Beckett ngunit sinunod niya pa rin naman ang dalaga. Hindi niya talaga maintindihan ang timpla ng asawa. Minsan ay ang sungit nito, at minsan din ay parang bata kapag sobrang saya niya.

But he loves all her personality and imperfections. He loves Vivianne just the way she is.

"Patingin!" ani Vivianne bago kinuha ang phone niya kay Beckett. Lumawak naman ang ngiti niya nang makitang sobrang ganda niya sa mga litrato. "Ikaw naman ang pi-picture-an ko. Pumuwesto ka na rin doon!"

"I don't want to," sagot naman ni Beckett.

Napanguso naman si Vivianne. "Sa bagay, siguro umay na umay ka na rin sa camera, ano? Kung hindi photoshoot ang ginagawa mo, uma-acting ka naman sa harap ng camera. Buong buhay mo, nasa harap ka ng camera."

Hindi sumagot si Beckett. Imbes ay iginiya niya si Vivianne para makasakay sila roon sa bangka at mas makita nila ang tanawin. Sumunod naman ang dalaga, pero nasa isip niya pa rin ang sinabi niya kay Beckett kanina.

'Kung tutuusin, parehas lang pala talaga kami ng sitwasyon,' ani Vivianne sa isip habang tinatanaw si Beckett na tahimik lang habang tinitingnan ang paligid. 'Parehas kaming nagtitiis sa mga bagay na hindi naman namin gusto.'

"Vivianne," biglang tawag sa kan'ya ni Beckett, dahilan para matigil siya sa pagmumuni-muni.

"Bakit?"

"Look." Beckett pointed in front of them.

Lumingon si Vivianne roon, at napatulala siya sa nakita. Nasa harapan na nila ang Rialto Bridge, at mas maganda ito sa malapitan kaysa malayuan. Isa pa sa nagpapaganda sa buong lugar ay ang maganda na kalangitan.

"Wow..." namamanghang saad ng dalaga habang nakatingin sa kalangitan.

Tila panaginip kasi para sa kan'ya ang lahat. Hindi siya makapaniwalang posible pa pala sumaya nang ganito. Akala niya ay puro kalungkutan at paghihirap na lang ang mararanasan niya sa buhay.

Sa maikling panahon, noon at ngayon, binago ni Beckett ang pananaw niya. Binigyan siya ng lalaki ng pag-asa na balang araw ay puro saya na lang ang mararamdaman niya, at wala na ang kalungkutan.

"Thank you..." saad ni Vivianne habang nakatitig sa mga mata ng binata. "Thank you so much. Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya ngayon..."

Ngumiti si Beckett pabalik sa kan'ya. Hinawakan niya ang dalaga sa beywang nito bago hinapit papalapit sa kan'ya.

Beckett pressed his lips on hers as soon as they crossed the bridge. It was breathtaking, and at the same time, that beautiful moment was captured on camera. Sakto kasing lumipat sa kanila ang atensiyon ng photographer na kasama nila sa bangka, at kinuhaan sila nito ng litrato.

"Ti amo," ani Beckett at sa noo naman ni Vivianne dumampi ang kan'yang halik. "Ti amo così tanto, Vivianne Kaye Allamino-Clainfer... Mia moglie." [I love you so much, my wife.]

Napangiti na lang si Vivianne at pinamulahan ng mukha bilang sagot.

Sunod naman silang nagpunta sa Palazzo Barbarigo Minotti. Kung sobra na ang saya ni Vivianne kanina roon sa Canal Grande, mas dumoble pa ang saya niya nang makarating dito sa Palazzo.

May performance kasi roon sa loob, at gustong-gusto ni Vivianne ang mga ganoon, kaya rin niya pinasok ang pagiging event organizer dati. Vivianne just loves something that can spark the creativity inside her.

And come to think of it, sa mga ganoong lugar siya dinadala ni Beckett ngayon.

"Why here?" tanong ni Vivianne bago nilingon ang asawa. Nagtataka man ang boses ngunit hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.

"Because I want to see you smile," ani Beckett at hindi inaalis ang paningin kay Vivianne. "God knows that I'll do anything just to keep that smile on your face. So smile often... because it looks good on you."

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon