THERE'S no use crying over spilled milk.
Iyan na lang ang paulit-ulit itinatatak ni Vivianne sa isip habang pilit ginagawan ng paraan ang problemang kinahaharap. The situation is not getting any better. Hindi man lang sila ine-entertain ng client, at mas lalo lang dumadagdag ang disappointment ni Alfred sa kan'ya.
Dinadagdan pa ito ng panggagatong ni Joan sa ama tungkol sa kakayahan ni Vivianne pamahalaan ang Mafia. Paulit-ulit itong pinakikiusapan si Alfred na baka kailangan nito ng makakatulong sa pamamahala, at alam naman ni Vivianne na ang sarili nito ang irerekomenda niya sa oras na pumayag ang ama.
"No need. My daughter needs to handle this alone, or else, she will rely on someone kada mahihirapan siya sa mga problema. Mag-focus ka na lang sa trabaho mo, at sundin ang mga iuutos sa 'yo ni Vivianne," saad ng ama habang naglalakad ito at chine-check ang ibang operasyon sa loob ng warehouse.
Napangisi si Vivianne na nasa likuran lang ng ama matapos marinig ang tinuran nito. Napatingin sa kan'ya si Joan. Halos mapahalakhak sa tuwa si Vivianne nang makita ang nakabusangot nitong mukha, pero mabuti na lang at napigilan niya.
"Oh, narinig mo 'yon Joan, ha? Basta sumunod ka lang sa mga utos ko, at huwag na kung anu-ano ang sinu-suggest mo riyan." Tila nakikipagbiruan ang tono ni Vivianne, pero iba ang sinasabi ng mga mata nito.
It was dangerous and deadly... Like she was saying to Joan na kung hindi pa ito titigil sa mga kahibangan ay makikita na talaga nito ang kabaliwan niya.
Mabuti na lang din at tumango lang si Joan at hindi na nagsalita pa. Nakatutop lang ang labi nito at muling tumingin sa harapan. Hindi naman napansin ni Alfred ang tensiyon na namamagitan sa kanila... O baka ay hindi na lang talaga niya pinansin iyon.
Alfred is a busy man; mas gusto nitong naka-focus lang sa business at sa iba pang pinagkakaabalahan kaysa paglaanan ng pansin ang ibang mga bagay na sa tingin niya ay wala namang kuwenta, lalo na kung may kinalaman ang mga emosyon dito.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin si Alfred mag-inspection sa buong warehouse. Pumunta sila sa office ni Vivianne. Susunod pa nga sana si Joan dahil feeling nito ay isa rin siyang mahalagang empleyado sa Allamino Mafia, kaya naman halos sampalin siya ng reyalidad nang pigilan ni Alfred ang pagpasok nito.
"Stay outside. I need to talk to Vianne alone," ani Alfred bago tumingin kay Vivianne.
"Okay po, Sir."
Hindi na tumuloy pa sa paghakbang si Joan. Imbes ay isinara na nito ang pinto ng office at nanatili lang sa labas. Si Alfred naman ay umupo na sa couch, at umupo naman si Vivianne sa tapat niya.
"So, what do you think?" tanong ni Vivianne bago dumekwatro at ipinagkrus ang mga kamay. "Doon sa pag-snatch lang naman ni Beckett sa top client natin ako nasira, pero confident ako sa ibang aspeto ng operations dito." May pagmamayabang sa tono ng boses niya.
Tumango naman si Alfred. Totoo naman kasi ang sinabi ng anak. "You may manage the majority of the operations well, but it is not enough. I want everything to be perfect. Kaya nga sabi ko sa 'yo noon ay mag-training ka na kaagad sa Mafia, pero sutil ka."
Umirap na lang si Vivianne. It's not like she wanted this, anyway. Wala lang naman talaga siyang choice.
No. It is the only choice she could make to protect her mother.
"I can't turn back time, nor can you." Vivianne shrugged. "Anyway, okay na ba? Puwede ka nang umalis. May mga gagawin pa ako."
"Hindi man maganda ang relasyon natin pero tatay mo pa rin ako," saad ni Alfred sa isang mariin na tono, tila pinagbabantaan siya. "Learn to show some respect."
Paulit-ulit 'yon sinasabi ni Alfred pero hindi naman 'yon ginagawa ni Vivianne. Nagpanggap nga lang siya na hindi narinig ang sinabi ng ama. Hanggang sa umalis na si Alfred ay hindi siya tinapunan ng tingin ng dalaga.
Well, she had other business to attend to, and one of it was to annoy Joan.
"Hey, secretary. What's my next schedule?" ani Vivianne habang nakangisi. Gusto niya talagang ipangalandakan kay Joan na hanggang doon lang ang puwesto niya. "I hope you have taken care of it, lalo na at ipinagkatiwala ni Alfred sa 'yo ang pagtulong sa akin."
Ngumiti lang si Joan pero halatang peke ito. "You have a schedule at Syneverse Entertainment, Ma'am. Doon magaganap ang pag-uusap n'yo ni Mr. Clainfer."
And there, the smirk vanished from her lips.
Sa dami ng iniisip, kasabay pa ng pagpunta ni Alfred para mag-check sa operations, tuluyan niyang nalimutan na ito na pala ang araw ng appointment niya para kausapin si Beckett. Bumilis ang tibok ng kan'yang puso at tila nablanko ang isip niya.
Wala pa nga sa harap niya si Beckett pero ganito na kaagad ang reaksiyon niya, paano pa kaya mamaya?
Vivianne ignored all those thoughts she had in mind. Nag-focus na lang siya sa mga susunod na gagawin. She wore a white sleeveless shirt with a loose v-neck top partnered with high-waist pants. Tinernuhan niya ito ng black heels.
Sinadya niya talagang gawing simple lang ang damit dahil baka kung ano na naman ang isipin ni Beckett.
Pero... simple nga ba talaga? Eh hindi naman siya nagsusuot ng ibang kulay ng damit bukod sa black mula nang maghiwalay sila. But she chose white of all colors. Why?
"Ah, nyeta," bulong ni Vivianne nang mapagtanto na siya rin mismo ang umaaway sa sarili niya. "Get a grip, Vivianne. Si Beckett lang 'yan."
But that's the point. Si Beckett iyon... Ang lalaking binaril niya noon at tinuring nang hindi maganda sa huli nilang pagkikita. It was a bad breakup, and they didn't even have a proper closure. Tapos ngayon ay kailangan pa nila ulit magkita.
Sobrang awkward.
"I'll save you."
Muli ay narinig na naman niya sa kan'yang utak ang sinabi ni Beckett noon sa warehouse. He wanted to save her... but how can he save her from the misery she was in... if she didn't want to be saved in the first place?
Wala rin siyang ideya.
MAKALIPAS ang isang oras, nagpunta na si Vivianne sa Syneverse Entertainment. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang makita ang lugar. It was nostalgic. Naaalala niya noong halos hindi na siya umuuwi galing sa kumpanya. Sabagay, minsan kasi ay doon na siya sa Penthouse ni Beckett natutulog.
Bigla siyang napatigil sa paglalakad. Everything in this place reminded her of Beckett... and all of the things she loved before.
Sinubukan ni Vivianne maging kalmado nang pumunta siya sa elevator, at tumigil ito sa floor kung nasaan ang Hair and Dress department. Sinabi niya sa sariling okay na ang lahat, na tanggap na niya ang pag-alis sa lugar na ito, pero iba ang sinasabi ng kan'yang puso.
Habang pinagmamasdan ang mga dating kasamahan roon, at maging ang ginagawa nilang trabaho sa mga kliyente nila sa Syneverse Entertainment. Sobrang busy ng lugar doon, and Vivianne remembered how she gave her all when it came to her work.
Dressing models is her passion. Gustong-gusto niya talaga ang namimili ng damit na magpapakita ng features ng bawat kliyente niya. But looking at herself now... She was dull and lifeless.
"Vivianne?"
Napatigil si Vivianne sa pagmumuni-muni nang may tumawag sa kan'yang pangalan. Tumalikod siya para tingnan kung sino 'yon, ngunit umawang ang labi niya dahil hindi niya inaasahang si Fiona pala iyon. Hindi mabasa ni Vivianne ang ekspresiyon sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...