PUMASOK na si Vivianne sa loob ng kuwarto ng ina. Umupo siya sa gilid nito habang tahimik na umiiyak. Hindi siya mapakali dahil kanina lang ay nakakausap niya pa ito nang maayos, ngunit ngayon, para na itong lantang gulay. Namumula ang balat, at nakaratay sa kama.
"Ma... I'm sorry," bulong niya sa ina at bahagyang pinisil ang kamay nito.
Pakiramdam ni Vivianne, kasalanan niya ang lahat ng nangyari. She couldn't blame anyone on this, pero kanina ay sumabog na siya sa dami ng problemang pinagdaraanan.
Her trauma hasn't healed yet. Malaki ang trust issues niya. Alam niya rin na dapat hindi naging ganoon ang trato niya kay Beckett kanina, lalo na at gusto lang naman nitong tumulong. But because of what happened, her walls were up again.
"I'm sorry, Beckett..." aniya, at maya maya ay tuluyan nang bumuhos ang luha nito.
Pero lingid sa kaalaman ni Vivianne, sumunod si Beckett sa kan'ya. Nabuksan na nito ang pinto at handa na sanang pumasok sa loob, pero nang makita kung gaano kalungkot si Vivianne habang nakatingin kay Ella, at nang marinig ang paghingi nito ng tawad sa kan'ya, napatigil siya sa paggalaw.
He felt his heart break into pieces upon seeing Vivianne crying her heart out. Nawalan siya ng lakas para kausapin ang dalaga. Imbes tuloy na pumasok sa loob, tahimik na lang niyang isinara ang pinto at naglakad sa parking lot, at pagkatapos ay sumakay na sa kotse niya.
His people now were more competent than his previous team, kaya naman kahit nasa ospital siya ay hindi ito lumabas sa press. Hindi rin siya malapitan ng ibang mga tao sa ospital.
Hell, he wasn't in the mood for everything... lalo na nga at ganito ang nangyari.
Ngunit may isang bagay na bumabagabag sa kan'ya.
'Nosebleed... Comatose... All of that wasn't in the list of the side effects I fixed when we're formulating the drug,' saad ni Beckett sa isip habang inaalala kung paano nila inayos ang gamot na 'yon.
Beckett is one-hundred percent confident that there's nothing wrong with the medicine. Ang dami niyang tinanungan sa loob ng Agrianthropos na mga chemist din para lang makasigurado. He wanted to minimize the risk, like what Vivianne suggested he should do.
Isa lang ang paraan para magawa niya 'yon—Ang bumalik sa Agrianthropos at muling pag-aralan ang ingredients ng gamot na ginawa niya.
[Be careful. I'll be gone for a while, but I'll come back for you.]
Iyon ang text ni Beckett sa asawa bago inilagay ang phone sa bulsa at pinaandar ang sasakyan. He didn't want to waste any time, so he will investigate it right now.
Nang itabi niya ang phone, hindi niya napansing hindi pala pumasok ang text niya kay Vivianne.
A FEW hours later, Beckett successfully arrived at the Agrianthropos City. Mabilis siyang dumiretso sa warehouse kung saan siya gumagawa ng droga, at doon muling pinag-aralan ang lahat ng ingredient para sa gamot na ginawa.
He even tried it over and over. Halos mamutla na ang balat at manuyot na ang kan'yang labi dahil paulit-ulit niyang ginagamit ang droga, at paulit-ulit ding humihinto ang tibok ng puso niya, ngunit hindi niya 'yon pinansin.
Beckett was too desperate to find the problem, so he was frustrated to find none.
"Tangina," mura ni Beckett dahil halos mahilo na siya kakaisip, pero wala talagang mali sa gamot na ipinainom niya.
It was perfect and has no side effects, kaya hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang naging epekto no'n kay Ella.
"Hindi na ako naniniwala sa 'yo."
![](https://img.wattpad.com/cover/315955254-288-k149782.jpg)
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...