Chapter 36

57 3 1
                                    

"A-ANO'NG IBIG mong sabihin?" halos hindi na marinig ni Vivianne ang kan'yang sarili nang sambitin iyon. "May ginawa ka bang masama sa kan'ya? Pinapatay mo na ba siya ngayon?"

"Hindi pa, pero malapit na." Ngumisi ang ama bago kumuyom ang magkabilang kamay. Nagpipigil lang ito ng galit. "Wala ka nang pakialam kung ano man ang gawin ko sa kan'ya. Hiwalay na kayo, Vianne. Hindi ka na dapat mag-alala sa kan'ya, at alam mo kung bakit."

Napabuntong hininga si Vivianne nang malalim. Gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam ang sasabihin. Kita niya kasi sa mata ng ama na hindi nito nagugustuhan ang reaksiyon na ipinapakita niya. Vivianne still had a hard time hiding her emotions sometimes.

"When are you planning to kill him?" tanong ni Vivianne.

"As soon as possible. Kapag may nakita akong pagkakataon para ipapatay siya, susunggaban ko na kaagad iyon." Naging matalim ang tingin ni Alfred, kasabay ng pagtaas ng mga balahibo ni Vivianne. "Kailangan niyang mamatay, dahil kung hindi, tayo ang papatayin niya."

Vivianne closed her eyes and breathed heavily. Alam na kasi nila ang tunay na pagkakakilanlan ni Beckett. Siya si MOB na nagmamay-ari ng Dweller Cartel, at siya rin ang nag-scam noon sa ama sa pamamagitan ng paggamit sa Matinee on Bench.

"Of course. Sa oras na malaman niyang gusto mo siyang ipapatay, hindi naman siya tanga para hindi lumaban. Talagang papatayin niya tayo," gitt ni Vivianne sa pag-aakalang tungkol doon ang tinutukoy ni Alfred.

"Hindi iyon ang tinutukoy ko, Vianne. Pero balang araw ay malalaman mo rin ang lahat," seryosong sagot ni Alfred.

Kumunot ang noo ni Vivianne pero hindi na siya nagtanong pa. Wala siyang kamuwang-muwang kung ano ba ang tunay na ginawa ni Alfred sa pamilya ni Beckett, at kung gaano magwawala ang lalaki sa oras na malaman niya ang katotohanan.

"You can try, but it's not easy to kill him. Hindi ganoon kadali pasukin ang El Continental Hotel. Malaking gulo kung papasukin mo iyon. The owner is on a completely different level," saad ni Vivianne. Bahagyang nanginginig ang kan'yang boses pero pilit niyang nilabanan iyon.

"Jerusalem McBride? Isa sa mga founder ng Foedus?" May bahid ng pait at panghahamak sa boses ng ama. "Alam ko, at alam mo rin kung bakit gusto kitang ipakasal kay Beckett noon. I want him to join Foedus Corporation so I can infiltrate it."

Napatiim-bagang si Vivianne. "You can't control him."

"I can if I use you." Ngumisi si Alfred. "Pero iba na ngayon ang plano ko. Ipagpapatuloy mo ang training dito habang nag-aasikaso ako sa ibang bagay. I know that you won't let me down, Vianne. Dapat ay wala ka nang ibang isipin kun'di ang nanay mo lang..."

He smiled sinisterly before looking Vivianne in the eye. "Nagkakaintindihan naman tayo, hindi ba?"

Vivianne was too stunned to speak. Hindi siya nakapagsalita hanggang sa iwan siya ni Alfred mag-isa. She thought she had prepared herself for this, pero ngayong nandito na siya sa mansiyon ay tila lalabas na ang kan'yang puso mula sa kan'yang katawan.

This is the main reason why she gave Beckett a warning before she left. Kilala niya ang ama. Hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nito.

At hindi rin siya titigil sa pagprotekta kay Beckett, kahit ang kapalit nito ay ang tuluyang pagkagalit ng lalaki sa kan'ya.

KINABUKASAN, sa El Continental Hotel, halos hindi madilat ni Beckett nang maayos ang mga mata dahil sa sobrang pagod at sakit ng ulo. Nagtataka si Beckett sa pakiramdam niyang 'yon. Hindi naman kasi siya madalas tablan ng kalasingan lalo na at wine lang naman ang ininom nila.

'Something was wrong...' ani Beckett sa isipan.

He sat on the bed and surveyed his surroundings. Kumunot ang noo niya nang makitang wala ang kasintahan.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon