Chapter 83

40 2 1
                                    

NAGPUNTA si Alfred sa ospital matapos no'n para tingnan ang kalagayan ni Ella. He's making sure Ella will be alive, but not enough to wake her up. Ipagagamot niya lang ito sa oras na sumunod si Vivianne sa mga kagustuhan niya.

Pero tila hindi yata umaayon sa kan'ya ngayon ang tadhana, dahil laking gulat na lang niya nang makitang kalalabas lang ni Vivianne sa kuwarto ni Ella, at may hawak itong isang malaking maleta.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" tanong ni Alfred sa isang malalim at galit na tono. "Iiwan mo ang nanay mo para sa lalaking 'yon?"

"Kakapaalam ko lang sa kan'ya kanina, at sigurado akong maiintindihan niya ako," sagot naman ni Vivianne.

"How can she understand if she's already dead?"

"She won't die." Nagtiim ng bagang si Vivianne, ngunit pinilit niyang ikalma ang sarili. Hindi ito ang oras para makipag-away siya sa ama. Sobra na rin siyang pagod sa dami ng nangyari. "Aalis na ako."

Humakbang si Vivianne paabante, at akala niya ay hindi na magsasalita ang ama, ngunit nagkamali siya.

"I'm giving you one last chance to take back what you said. Bumalik ka sa mansiyon, at makipaghiwalay ka kay Beckett," utos ni Alfred, tila nauubusan na ng pasensiya. "Isang pagkakataon na lang, Vivianne, dahil inuubos mo na nang tuluyan ang pasensiya ko."

"Sorry not sorry, but no. Buo na ang desisyon ko," may diin na sagot ni Vivianne at dire-diretsong naglakad.

Tuluyan na niyang nalampasan ang ama, at kumakabog nang sobrang lakas ang puso niya dahil doon. Pero hindi siya nagpatalo sa takot. Hindi puwede. Matagal niyang hinayaan na kontrolin siya ng ama.

Kailangan niyang magpalit ng plano.

"Pagsisisihan mo 'to, Vivianne!" sigaw ni Alfred, dahilan para kaagad siyang mapatigil sa paglalakad. "Pagsisisihan mong kumampi ka sa lalaking 'yon kaysa sa akin. Tandaan mo 'yan."

Nakarinig si Vivianne ng mga hakbang papalayo, senyales na tumungo na si Alfred sa kabilang direksyon. Doon pa lang muling nakahinga nang maluwag ang dalaga, ngunit hindi nawala ang panginginig niya.

"Galit siya..." natatakot na bulong ni Vivianne, dahil alam niyang kapag galit na ang ama, wala na itong ibang kinikilala pa.

Kahit sino.

At tama naman si Vivianne sa kan'yang naisip, dahil nang makarating si Alfred sa isang bakanteng lugar kung saan walang masyadong taong dumaraan, kinuha niya ang phone at tinawagan si Ulysses, isa sa mga tauhan niya.

"Kill Beckett Clainfer... and Vivianne Allamino id necessary," utos nito pagsagot ni Ulysses ng tawag. "And I want you to do it as soon as possible."

"Boss? Pati si Ma'am Vivianne?" nagtatakang tanong ni Ulysses.

"Yes," walang pag-aalinlangang sagot ni Alfred. "She started liking Beckett Clainfer back, and she's becoming uncontrollable. If you can't take her back, then just kill her. Wala na siyang silbi kung ganito ang ginagawa niya."

Medyo natulala si Ulysses sa kabilang linya dahil sa bigat ng utos ng boss, pero maya maya ay natauhan ito at tumango. "Masusunod, boss."

SAMANTALA, dinala ni Beckett si Vivianne sa penthouse niya sa Agrianthropos City. Iyon lang kasi ang ligtas na lugar para sa kanila. Siguradong hindi makakapasok ang mga tauhan sa loob kahit gustuhin pa nila.

At imbes na manatili pa sa ospital, si Beckett na lang ang gumamot sa mga sugat ni Vivianne. Mabuti na lang at marunong siya, at palagi rin siyang may first aid kit.

"I think you need to go to the hospital, but I hope this will suffice," ani Beckett habang nilalagyan ng gamot ang mga sariwa pang sugat ni Vivianne. "Tell me if something hurts, and don't act brave in front of me."

"Okay lang ako—Ouch." Napangiwi si Vivianne dahil bigla na lang kumirot ang kanang braso niya. May pasa kasi roon.

"I just told you not to act brave in front of me."

Napailing na lang si Beckett bago tiningnan ang kanang braso ng asawa. Nagdilim ang paningin niya habang nakatitig sa mga sugat nito, ngunit wala naman na siyang magagawa.

"Does it still hurt?" tanong ni Beckett bago bahagyang hinaplos ang pasa ni Vivianne.

"Medyo," sagot ng dalaga sa mahinang boses, pero laking gulat na lang niya nang biglang inilapit ni Beckett ang labi sa mga pasa ni Vivianne at hinalikan ang mga ito. "A-Ano'ng ginagawa mo?"

"Taking the pain away," ani Beckett bago humalik sa kan'yang balikat. May kaunting pasa rin kasi roon. "Does it still hurt?"

"H-Hindi na."

It was a lie. Siyempre ay masakit pa rin 'yon. Hindi naman totoong nawawala ang sakit ng katawan basta mahalikan lang ng taong mahal mo.

But somehow, it made her day better. Sobrang bigat ng loob niya mula nang huli silang mag-usap ni Beckett sa ospital. Akala niya, tuluyan na itong nagalit at iniwan siya... Pero binalikan pa siya ng asawa at muli na namang iniligtas.

Palagi na lang siyang nililigtas ni Beckett, hingin man niya ang tulong nito o hindi.

"Vivianne," pagtawag ni Beckett, dahilan para mabalik sa reyalidad si Vivianne. Inilapit ng binata ang mukha sa kan'ya at hinalikan siya sa labi. "I love you."

"I love you too..." mahina niyang sagot, at halos pamulahan na siya ng mukha nang sabihin 'yon.

"Say it again," ani Beckett at hinaplos ang pisngi ng asawa. "Say it without any embarrassment or hesitation this time... my wife."

Huminga si Vivianne nang malalim bago tumingin sa mga mata ni Beckett. "I love you so much, Beckett."

Beckett's gaze darkened at that time, and before Vivianne even knew it, Beckett leaned again to kiss her. Malalim kaagad iyon at agresibo, ngunit kahit nahihirapan siyang huminga ay hindi siya nagreklamo o itinulak si Beckett palayo.

Kabaliktaran ang ginawa niya. Hinawakan niya ang kuwelyo ng damit ni Beckett upang mas lalo itong ilapit sa kan'ya at mahalikan ito.

She wanted to feel him. To have his warmth embracing her. To feel his love fulfilling her. Despite the chaos, everything was in peace as long as they're in each other's arms.

'At sana... hindi na ito matapos pa,' ani Vivianne sa isip habang unti-unti nang hinuhubad ni Beckett ang damit niya.

Pinagsaluhan nila ang mainit na gabi. Masakit man ang katawan ni Vivianne ngunit hindi na kayang magpigil ng asawa. Sa huli, nakahiga ang dalaga sa kama habang pinupunasan naman ni Beckett ang katawan niya.

"I'm sorry, I know I should have let you rest already, but I need to recharge before executing our next plan," pagbibiro ni Beckett.

"Sira!" Hinampas siya ni Vivianne para lang mapagtakpan ang kahihiyan. "Speaking of plans, we need to be careful. Alfred's mad."

"And why would I care if he's mad?" Tumaas ang kilay ni Beckett.

"Kasi kapag galit siya, wala na siyang ibang kinikilala. Ngayon ko pa lang siyang nakita magalit nang ganoon, at hindi ko maiwasang kabahan," aniya habang nakatingin lang sa pader. "Paano kung may ginagawa na pala siyang masama kay mama ngayon?"

"He won't do that."

"How can you be so sure?"

"People like him always craft plans for everything before moving, regardless of their emotions." Nagkatinginan silang dalawa. "They're perfectionists... and we need to take it to our advantage."

Kumunot ang noo ng dalaga. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"We won't let him plan anything... Since we're going to attack him before he even knew it." Beckett smirked.

"Kailan?"

"Bukas," sagot ni Beckett, at muling naging seryoso ang ekspresiyon nito. "Your suffering will end now, Vivianne. You can live a happy and peaceful life from now on... With me."

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon