Chapter 51

52 4 2
                                    

"ARE YOU sure?" Tumaas ang kilay ni Alfred. "Nakuha mo ang kliyente mula kay Beckett? Wala pa akong natatanggap na tawag." Tiningnan niya ang phone para i-confirm 'yon.

"Baka hindi pa tapos i-process. You know, busy ang taong 'yon. He's doing his jobs and businesses at the same time," sagot naman ni Vivianne. "But I will call him again to remind him. Give me thirty minutes, and I will take back that client."

Hindi kaagad sumagot si Alfred. Imbes ay tinitigan lang nito si Vivianne na tila binabasa ang nasa utak nito. Matapos ang ilang segundo ay saka pa lang ito nagsalita.

"Make sure you're not bluffing," aniya bago umalis at iniwan si Vivianne sa loob ng gym.

Bumuntong hininga si Vivianne bago kinuha ang phone niya sa bulsa. This is the last thing she wanted to do, pero ito ang kailangan niyang gawin. Gamit ang personal number ay tinawagan niya si Beckett.

"To what do I owe the pleasure, mademoiselle?" tanong ni Beckett pagkasagot nito ng tawag, may halong pang-aasar pa sa tono ng boses nito. "You're really surprising me, baby. I didn't expect you to call this fast."

"Kapag pumayag akong magpakasal sa 'yo, talaga bang ibabalik mo sa amin ang kliyenteng kinuha mo?" tanong ni Vivianne, wala nang paligoy-ligoy pa.

"And I didn't expect you to ask me about that." Beckett was caught off-guard, pero mabilis naman niyang napakalma ang sarili.

Tumaas ang isang kilay ni Vivianne. "Why? Hindi ba 'yon totoo? Pinaglalaruan mo lang ba ako?"

"It's true. Kahit kailan naman, hindi ako nagbiro pagdating sa 'yo," sagot ni Beckett sa kan'ya. Seryoso ang tono ng boses nito. "Once you agree to my proposal, I will process everything this instant. But remember that after this, I won't let you go, even if you beg me for it."

"Then do it," sagot ni Vivianne bago ikinuyom ang kamay sa kan'yang damit. "Because I will marry you, if that will make everything right."

Halos walang pagsidlan ang ngiti ni Beckett nang marinig 'yon. Tila nanalo siya sa jackpot kahit na alam niyang kaya lang naman pumayag si Vivianne ay para mabalik ang kliyente nito.

Nainis na naman tuloy siya, pero ganoon pa man, tiningnan na lang niya ang magandang resulta ng kan'yang plano.

"Good decision, baby." Ngumisi siya. "Go to Syneverse Entertainment right now and meet me in the office. Sign the contract, and I will return your client immediately."

"Kontrata? Bakit may kontrata?" nakakunot-noong tanong ni Vivianne. "Magpapakasal na ba tayo ngayon mismo?"

"Why? Do you want to?" seryoso namang tanong ni Beckett, at hindi kaagad nakasagot si Vivianne sa pagkagulat. "I can process everything if you want, and cancel all my appointments. Saan mo gustong magpakasal?"

"Wait... Wait nga! Kumalma ka!" biglaang saad ni Vivianne sa telepono bago huminga nang malalim. "Tinatanong lang kita kung bakit may kontrata. Bakit kasal na kaagad ang sinasabi mo riyan? 'Di mo ba inaalala ang fans mo? Paniguradong magugulat sila."

"If they are really my fans, they will understand my decision," sagot ni Beckett sa kabilang linya habang nakangisi. "And what is this? Nag-aalala ka sa career ko? You should have done that instead of shooting me in the leg, Vivianne. Baka natuwa pa ako."

Umirap si Vivianne bago humigpit ang pagkakakapit nito sa kan'yang damit. "Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng kontrata. As if namang matatakbuhan kita. Member ka ng Foedus, at alam kong kahit saan ako maglulusot ay hindi naman kita matatakasan."

"That's still not a valid reason for me to trust you, Vivianne Kaye. You betrayed me before, and you can repeat it," ani Beckett sa isang malalim na tono. "Everything is prepared here in my office. You just need to sign. Pagtatangkaan mo ba ako ulit patayin kaya ayaw mong pumirma—"

"Fine! Papunta na!" pagputol ni Vivianne sa sasabihin ni Beckett. Hindi na niya napigilan ang sarili. Wala kasing ibang ginawa si Beckett kun'di ang ipaalala ang nakaraan, at naiirita na siya.

Imbes na mainis ay mas lalo lang lumawak ang ngisi ni Beckett. "Okay. I will wait for you here," aniya bago pinatay ang tawag.

Napaismid na lang si Vivianne habang nakatingin sa phone niya. Gusto niya 'yon ibato sa pader sa sobrang inis, pero pinigilan niya ang sarili. Mula noon ay wala nang pinagbago si Beckett. Palagi pa rin nitong nasasagad ang pasensiya niya.

"Buwisit," naiinis na bulong ni Vivianne bago naglakad paalis, at mabibigat ang mga yabag nito.

HINDI NAGTAGAL ay nakarating na ulit si Vivianne sa Syneverse Entertainment. Nagtaka pa nga si Fiona nang makita siya, pero ang sabi na lang niya ay may nakalimutan siya sa kuwarto ni Beckett, at kailangan niya itong kunin kaagad.

Alam ni Fiona na hindi 'yon totoo pero tumango na lang siya.

Matapos no'n ay pumunta na si Vivianne sa office ni Beckett. Pinihit nito ang doorknob at pumasok sa pinto nang hindi man lang kumakatok. Ganoon na siya kainis kay Beckett. Kung puwede nga lang ay susuntukin niya ulit ito katulad ng ginawa niya sa unang pagkikita nila.

But whether she liked it or not, she needed Beckett.

"You just went here earlier, and now you are here in front of me again," ani Beckett habang nakaupo sa office chair at tila may pinapanood sa laptop niya. "Missed me?"

"Duh. Asa ka naman," sagot ni Vivianne bago umirap at umupo sa couch. "Nasaan na 'yong kontrata? Ibigay mo na sa akin para mabasa ko bago pirmahan."

"Wait there," saad ni Beckett bago hinila ang drawer sa kanan niya.

Pero dahil isang pasaway si Vivianne at ayaw niyang tumatanggap ng kahit anong utos mula kay Beckett, tumayo siya at dali-daling pumunta kay Beckett. Hindi naman 'yon namalayan ng lalaki dahil nakayuko siya nang bahagya habang hinihila ang kontratang ginawa na nasa pinakailalim ng mga papeles.

"Here—"

"Ahhhh!"

"What the fuck, Vivianne?" ani Beckett nang marinig ang malakas na tili ng babae. Napailing na lang siya dahil nasa tabi na pala niya si Vivianne, at tila naestatwa na ito sa kinatatayuan habang nakatitig sa screen ng laptop niya. "I told you to wait. At hanggang kailan mo tititigan 'yan?" dagdag niya pang tanong.

"O-Oh my..." hindi mapakaling tugon ni Vivianne bago tumalikod sa laptop. Humarap siya kay Beckett. "B-Bakit ka nanonood ng p.orn dito sa office?! Napaka-unprofessional mo!"

"For your information, you didn't knock, my lady," Beckett shot back. "Kung kumatok ka lang sana, e'di na-exit ko na sana 'yan."

"You and your excuses!" singhal ni Vivianne, at maya maya lang ay namula na ang buong mukha nito. Hindi na siya nakatingin sa laptop, pero tila nasa utak niya pa rin ang nakita sa screen.

Napangisi naman si Beckett nang makita ang reaksyon ni Vivianne. "Why are you acting like that? Gan'yan din naman ang ginagawa natin noon—"

"Sshh! Manahimik ka!" biglang singhal ni Vivianne bago tinakpan ang bibig ni Beckett gamit ang kamay nito.

But it was indeed a wrong move. Hindi niya napansing sobrang lapit na pala nilang dalawa sa isa't-isa, at halos magdidikit na ang labi nila kung hindi lang nakaharang ang kamay ni Vivianne rito.

'Shit!' napamura si Vivianne sa isip.

Lalayo na sana siya kay Beckett pero bigla na lang hinawakan ng lalaki ang beywang niya at hinila siya paupo sa hita nito. Kasingpula na ng kamatis ang mukha niya, habang mas lalo namang lumawak ang ngisi ni Beckett.

"Here," ani Beckett bago inabot kay Vivianne ang hawak niyang dokumento. "Wait, why are you blushing like that—Ow!" Napangiwi siya dahil siniko lang naman siya ni Vivianne sa tiyan bago mas mabilis na lumayo sa lalaki.

"Nagmamaang-maangan ka pa, alam naman nating dalawa kung bakit!" singhal ni Vivianne at itinuro ang nasa pagitan ng dalawang hita ni Beckett. "B-Bakit 'yan nakatayo, ha? Manyak ka!"

"You just caught me watching p.orn. Ano'ng inaasahan mong mangyayari rito?" nakataas-kilay na tanong ni Beckett, ngunit maya maya ay gumuhit ulit ang ngisi sa labi nito. "But let me tell you about something, Vivianne Kaye. This p.orn video is not the reason why I'm reacting like this. It's because of you."

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon