Chapter 72

37 2 0
                                    

TAMA naman si Vivianne sa kan'yang hinala. Nakakuha ang kalabang grupo ng tip na kasama ang anak ni Alfred Allamino sa susugod sa kanila ngayong gabi. Hindi nila puwedeng palampasin ang oportunidad na 'yon.

Puwede kasi nilang kunin si Vivianne at gamitin laban kay Alfred upang ipawalang-bisa nito ang utang nila, o kaya naman ay makahingi pa ng maraming pera.

"Itatakas kita, dahil kapag nanatili kami rito, mawawalan ng saysay ang pakikipaglaban namin," saad ni Riz.

Ngunit nag-aalinlangan pa rin si Vivianne. Looking at how they are at a disadvantage, she was reluctant to leave.

"We can defeat them. Team mo kami, hindi ba? Kaya magtiwala ka sa amin." Ngumiti si Riz, at napatango na lang si Vivianne bilang tugon. "Let's go."

Bryle and Riz nodded to each other. Hinila na siya ni Riz sa likuran, at ang magtatangkang humabol sa kanila ay kakalabanin ni Bryle at ng ilan pang natirang tauhan niya.

Napadpad sila sa may gubat. Tatakbo pa sana ulit si Riz nang pigilan siya ni Vivianne. "Go back there and help them. I can run alone."

"Pero—"

"Tatawag ako ng backup," pagputol ni Vivianne sa sasabihin ni Riz. "I'm telling you this as your boss, so you need to obey. Now, go!"

Labag man sa kalooban ay bumalik si Riz sa lugar kung nasaan ang laban, at iniwan si Vivianne mag-isa.

Nagtago si Vivianne sa may puno roon. Hawak niya ang kutsilyo sa kanang kamay habang ang phone naman ay sa kaliwa. Natataranta siyang pumindot ng numero roon.

"Send backup, Jill! We're surrounded here!" sigaw ni Vivianne nang marinig niyang sinagot na ang tawag. "Ipi-pin ko sa 'yo ang location. I-track mo ako kaagad para mapuntahan mo kami—Ah!"

Napamura si Vivianne nang maramdaman ang daplis ng baril sa kan'yang balikat. Nabitawan niya pa ang phone sa sobrang gulat, ngunit hindi na siyang nag-abalang kunin pa 'yon dahil nasa palagid na nakapokus ang kan'yang atensiyon.

There, she saw a total of three men approaching him. Lahat ito ay may hawak na baril, kaya binunot niya rin ang kan'ya sa bulsa.

Ngumisi ang lalaking nasa gitna. Blonde ang buhok nito. "Isang babae laban sa tatlo? Akala mo ba ay mananalo ka... Lalo na at may mga baril kami?"

Napalunok si Vivianne sa takot na naramdaman. Ganoon pa man, nagawa niya pa ring sumigaw. "Jill, bilisan mo! Kung hindi ay baka mamatay kaming lahat dito!"

Hindi alam ni Vivianne kung ongoing pa 'yong tawag o kung namatay na ito. But somehow, she hoped that Jill is making her way right now. Iyon na lang ang pag-asa niya upang maligtas ang sarili maging ang mga kagrupo.

But for now, she needed to deal with the arrogant bastards in front of her.

"Kahit nakasuot ka pa ng maskara, alam naming ikaw ang anak ni Alfred dahil wala kang matatago sa amin." Humalakhak ang lalaking blonde ng buhok bago inilabas ang phone. Ipinakita nito kay Vivianne ang picture niya. "See? Alam namin ang itsura mo."

"At 'di ko inaasahang ang ganda mo pala, lalo na sa personal. Maging ang kutis mo, maputi at mukhang... masarap," saad naman ng nasa kanan, ang lalaking may piercing sa labi.

"Kaya huwag muna natin patayin kaagad kung sakali man. Paglaruan muna natin," patutsada naman ng nasa kaliwa, ang nakasuot ng red checkered shirt.

"Mga bastos!" sigaw ni Vivianne bago itinutok ang baril niya sa lalaking nasa gitna. "Kung ano man ang binabalak n'yo, hindi kayo magtatagumpay."

Hinding-hindi siya makukuha ng mga ito. Makikipagpatayan muna siya bago mangyari 'yon.

"Talaga lang, ha?" Ngumisi ang lalaking nasa gitna bago naglakad papalapit kay Vivianne, at ngayon ay nakatutok na ang mga baril nito sa kan'ya. "Eh paano kung nagkakamali ka—"

Bago pa man niya matapos ang sasabihin, dumapa siya sa sahig, dahilan para mapasinghap si Vivianne sa gulat, maging ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid.

"Anak ng!"

"Saan galing 'yon?!"

Pero iyon na pala ang huling katagang mababanggit nila dahil wala pang dalawang segundo ay dumapa na rin sila sa sahig. Vivianne looked at them, and she gasped in shock when she saw that all of them were dead.

'Lahat sila, sa ulo ang tama ng baril,' ani Vivianne habang tinititigan ang tatlong bangkay. 'Base sa pagkakatama ng baril, mukhang galing sa itaas ang sniper, pero... Paano?'

Kinakabahan man ay tumingin si Vivianne sa itaas, at nakita niya ang isang helicopter na magla-landing malapit sa direksiyon niya. Seeing that they didn't kill her, she expected that those were the people Jill sent as a backup.

Kaya naman laking gulat na lang ni Vivianne nang hindi mga tauhan ng Allamino Mafia ang lumabas sa helicopter, kun'di ibang tao. Noong una ay hindi pa alam ng dalaga kung sino ang mga ito, pero nang makita ang lalaking papalapit sa kan'ya, doon niya napagtanto ang lahat.

"Beckett..." mahinang pagtawag niya sa pangalan ng binata. Nanlalaki lang ang mga mata niya hanggang sa makalapit si Beckett sa kan'ya. "Ano'ng... ginagawa mo rito?"

"You're the one who called me," sagot ni Beckett bago ipinakita ang phone niya. Nandoon sa call history ang tawag ni Vivianne sa kan'ya.

Napasinghap ang dalaga. "Wait... Ikaw ang natawagan ko at hindi si Jill?"

"It's not important anymore. Ang mahalaga ay ayos ka." Beckett checked her face and body, at dumilim ang kan'yang paningin nang makitang may daplis si Vivianne sa balikat. "Let's go."

"Wait!" pagpigil ni Vivianne nang akmang hihilahin na siya ni Beckett palayo. "Ang mga tao ko, naroon pa sa malayo. Kino-corner sila ng mga kalaban doon. Kailangan din natin silang tulungan!"

"They're safe already. I have sent my people there to help them, at alam kong mas gugustuhin din nila na maligtas muna kita." Humawak si Beckett sa kan'yang braso at nagsalita. "Halika na."

Aalis na sana sila sa lugar na 'yon, ngunit napaatras ang mag-asawa dahil bigla na lang may humarang sa daraanan nila. Mga kalaban ito, at kahit pinatay na ni Beckett ang kanilang mga amo, handa pa rin nilang ipagpatuloy ang misyong nasimulan.

"Stay beside me," ani Beckett bago pumunta sa harap ng asawa. "And give me that." He took the gun Vivianne was holding.

Nagtago sila sa may puno, at doon, nagsimula si Beckett na barilin ang mga kalabang sinusubukan makalapit sa kanila. Asintado bumaril si Beckett, lalo na at hindi na siya takot pumatay. He already conquered that fear when he did the Foedus Initiation.

Mabuti na lang at walang baril ang mga ito at puro kutsilyo lamang ang dala. Ang tatlong baril naman na gamit ng tatlong lalaki kanina ay nagawa pang kuhain ni Vivianne para hindi na ito magamit ng iba.

"What are you doing?" tanong ni Beckett nang makitang nag-aayos si Vivianne ng baril.

"Of course, I'll help you." Itinapat ni Vivianne ang baril sa isang kalaban na papalapit sa kanila at hinila ang gatilyo. The man slammed to the ground, lifeless. Sa ulo kasi niya ito binaril. "You can't do it alone. Kailangan mo rin ang tulong ko."

Gustong sabihin ni Beckett na hindi, pero tama ang asawa. Mas mapapabilis ang pag-alis nila rito sa gubat kung tutulong si Vivianne sa kan'ya, lalo na at asintado rin ito bumaril.

Kalmado lang si Beckett habang nakikipaglaban, pero halata ang inis sa mukha nito. Napansin 'yon ni Vivianne ngunit hindi na siya nagtanong pa.

'He must be busy... Pero bakit pa siya nagpunta rito? Puwede namang magpadala na lang siya ng tao,' saad ni Vivianne sa isip.

Somehow, she felt guilty for disturbing Beckett like this. Palagi na lang siyang inililigtas ng binata, at ni minsan ay hindi niya pa naibabalik ang pagliligtas na 'yon.

Balang araw, magagawa niya rin 'yon.

Ngunit kaagad siyang nabalik sa reyalidad dahil sa susunod na pangyayari.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon