Chapter 73

34 2 1
                                    

"AH, pucha!"

Napamura si Vivianne nang madaplisan muli ng bala ang kan'yang braso. Kamuntikan niya pang mabitawan ang baril pero mabuti na lang at malakas pa rin ang pagkakahawak niya rito.

Napatingin si Beckett sa kan'ya, at napamura ang binata nang makitang dumudugo na ang braso ng asawa. Doon ay tuluyan nang nawala ang pagiging kalmado niya. He took the guns on the ground and shot everyone... until the last one stumbled to the ground.

Ang huling binaril ni Beckett ay ang lalaking bumaril kay Vivianne. Apat na bala ang nakatanim sa katawan nito; sa magkabilang braso at tuhod para hindi ito makagalaw.

"You shot her, didn't you?" tanong ni Beckett, at hindi sumagot ang lalaki. "Well, be ready to experience hell."

Lumapit si Beckett sa lalaki. Sinipa niya ang baril papalayo bago nagpaulan ng suntok. Napapasigaw ang lalaki dahil ang mga pinupuntirya ni Beckett ay ang mga may tama ng baril.

Pero tila isang baliw si Beckett na gustong maghiganti. Habang naririnig ang mga pagmamakaawa ng lalaki ay mas lalo lang siyang ginaganahan na saktan ito.

Kahit kaya niyang patayin ang lalaki sa isang suntok, hindi niya ginagawa. He wanted the man to die slowly and painfully. Habang mas nasasaktan kasi ito ay mas nasisiyahan naman siya.

His fear of blood converted into a bloodlust. His craving for blood... and he wanted more.

"B-Beckett, itigil mo na 'yan!" sigaw ni Vivianne nang matauhan bago tumakbo papalapit sa asawa upang yakapin ito. "Mapapatay mo na siya! Hindi na 'yan lalaban!"

But Beckett didn't stop. Nagpaulan pa ito ng ilang suntok sa lalaki, at tila hindi narinig ang hinaing ni Vivianne. It's been a long time since he felt this kind of pleasure, kaya naman susulitin niya ito.

"Beckett, please!" naiiyak na sigaw ni Vivianne at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa lalaki. "Hindi ikaw 'to! Hindi ka ganito!"

Doon pa lang natauhan si Beckett. Narinig niya ang pangangatal sa boses ng asawa kaya naman natigil sa hangin ang suntok sanang gagawin niya roon sa lalaki.

Napahinga siya nang malalim bago tiningnan ang lalaking kanina niya pa sinasaktan. Halos sira na ang mukha nito, at nagkalat na rin ang dugo sa paligid. Humihinga pa ito pero alam nilang hindi na ito aabutin ng limang minuto at mamamatay na rin.

Tumayo siya nang maayos at humarap kay Vivianne. Hindi siya makatingin sa mga mata nito, lalo na at duguan ang kamay niya. Bigla siyang natakot dahil baka layuan siya ng asawa dahil sa nakita nito.

Ngunit hindi 'yon ang nangyari.

"Alam kong sinabi mo sa akin na handa kang maging killer para iligtas ako... Pero hindi ako matutuwa kapag ginawa mo 'yon. Ayokong pumatay ka sa gan'yang paraan."

Kinuha ni Vivianne ang panyo sa bulsa bago pinunasan ang mga dugo sa kamay ni Beckett gamit ito. "I'm safe. You made me safe, so you can stop now..."

Katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos no'n. Pinakatitigan ni Beckett ang asawa habang pinupunasan pa rin nito ang kamay niya.

Maya maya ay hinawakan ni Beckett ang likod ng ulo ni Vivianne at inilagay sa kan'yang dibdib. Para na rin niya itong niyayakap. Napabitaw tuloy si Vivianne sa kamay ng asawa dahil doon.

"Thank you... for being safe. That nothing happened to you," bulong ni Beckett bago hinalikan ang tuktok ng ulo ng dalaga. "I'm glad."

Hindi sumagot si Vivianne. Imbes ay niyakap niya lang si Beckett pabalik. Nakabaon ang ulo niya sa dibdib ng lalaki habang nakapikit.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon