"WITH Beckett Clainfer po?" pag-uulit ni Joan. Napakurap pa ito nang ilang beses dahil sa gulat. "Pina-block n'yo po ang pangalan niya sa newsletters kanina, at nagawa ko na po iyon. Bakit nagpapa-schedule ka ng appointment sa kan'ya ngayon?"
"At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan kuwestiyunin lahat ng ipagagawa at gagawin ko?" tanong ni Vivianne sa kan'ya pabalik, may bahid ng inis ang tono ng boses nito. "Hindi porket ikaw ang paboritong tauhan ni Alfred ay gagan'yan ka sa akin. Baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang anak niya—Ang tagapagmana ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo.
Natahimik naman si Joan doon. Nakaramdam siya ng inis sa pananalita ni Vivianne, pero tama naman ito. Kahit ano'ng gawin niya ay mananatili lang siyang tauhan.
"Pasensiya na po, Ma'am Vivianne," paghingi na lang niya ng paumanhin.
Umirap si Vivianne at umismid. Hindi man siya nakikita ni Joan ay alam niyang iyon ang ginawa ng amo. "Do it as soon as possible. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon."
"Okay po, Ma'am Vivianne."
"And make sure na hindi ito malalaman ni Alfred. Tandaan mo, kapag nalaman niya 'to, hindi lang ako ang malilintikan kun'di tayong lahat," pagbabanta ni Vivianne, malalim ang tono ng boses nito. "Naiintindihan mo ako, hindi ba?"
"Opo," mahinang tugon ni Joan.
"Good."
Pinatay na ni Vivianne ang tawag pagkatapos no'n. Nakakunot-noong bumalik ang kan'yang paningin sa naka-pause na video roon sa tablet ni Jill. Labag man sa loob niya ay bumilis ang tibok ng kan'yang puso habang tinititigan ang mukha ni Beckett.
May epekto pa rin ang presensiya nito sa kan'ya, dahilan kaya ipina-block niya ang pangalan ni Beckett sa newsletters na natatanggap kanina. She wants to move on. Siya itong nagtulak kay Beckett papalayo noon, pero siya rin itong nangungulila sa lalaki.
'Pero mas maayos na ang buhay niya ngayon, hindi ba? At hindi niya magagawa ang mga gusto niya ngayon kung hinayaan ko lang siya sa tabi ko,' saad ni Vivianne sa isip.
"Ma'am Vivianne?"
Mabilis siyang bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Jill. Tiningnan niya ito, at nakita ang mga mata ni Jill na puno ng pag-aalala. "A-Ano 'yon? Kanina mo pa ba ako kinakausap?"
"Nakatatlong tawag na po ako sa inyo," pag-amin naman ni Jill. "Puwede namang ako na lang ang kumausap kay Sir Beckett. Ano po ba ang ipapasabi n'yo?"
Alam ng lahat sa Allamino Mafia ang namagitan kay Vivianne at Beckett, at sa tingin ni Vivianne ay si Joan ang nagpakalat no'n. Isang tusong ahas kasi si Joan sa paningin ni Vivianne: Mukhang mabait pero nasa loob talaga ang kulo.
Kaya kahit ano'ng mangyari ay hindi niya pagkakatiwalaan ang isang 'yon.
"No. Ako na ang bahalang umayos ng gulo," saad ni Vivianne at bahagyang ngumiti kay Jill. "Salamat sa tulong mo, Jill. Kung hindi mo kaagad nakita 'tong video na 'to, hindi ko alam kung paano gagawan ng paraan itong problema."
"Wala 'yon, Ma'am Viv. Trabaho ko rin naman talaga 'to." Ngumiti rin pabalik si Jill sa kan'ya.
Matapos ang pag-uusap nilang 'yon, pinabalik na ulit ni Vivianne si Jill sa kabilang warehouse para ituloy ang ipinapagawa niyang trabaho rito. Pinagalitan niya rin si Joan dahil gumagawa ito ng mga bagay na hindi naman niya inutos.
Kaya lang, nangangatuwiran pa itong si Joan na naging maayos naman ang resulta ng ginawa niyang pag-utos kaya wala dapat ikagalit si Vivianne.
"Naiintindihan ko 'yang sinasabi mo, pero paano kung hindi naging maganda ang resulta? Paano kung imbes na maging maayos na sana ang lahat, maging magulo pa lalo dahil sa ginawa mo?" buwelta naman ni Vivianne. "And do I need to remind you that you are not the boss here? Ilang beses ko 'yon kailangang isampal sa 'yo?"
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...