SAMANTALA, pumunta na si Vivianne sa Allamino Mansion. Pagpasok niya pa lang sa sala ay nandoon na si Alfred sa sofa, nagbabasa ng diyaryo at tila hinihintay ang pagdating niya.
"Alam mong darating ako, ano? Ang bruhang Joan na naman ba ang nagbalita sa 'yo?" ani Vivianne bago umupo sa couch katapat ni Alfred.
"Mas maayos siyang kausap kaysa sa'yo, kaya huwag mo siyang pagsalitaan nang gan'yan," sita naman sa kan'ya ng ama. "Kung siya lang sana ang naging anak ko, hindi na magiging ganito kahirap sa akin ang lahat," dagdag pa nito.
Umismid si Vivianne at umirap. "E'di ibigay mo sa kan'ya 'yong kumpanya at ang mafia. Akala mo ba ay maghahabol ako rito sa yaman mong nakuha naman sa kasamaan?"
"Yamang nakuha ko sa kasamaan pero ginagamit mo rin at ng nanay mo, Vivianne," sagot ni Alfred. Malalim at nakatatakot ang tono ng boses nito. "Kung wala itong pera ko ngayon, akala mo ba ay mapagagamot mo si Ella? Kahit umiyak ka ng dugo ay hindi mo kakayaning makuha ang halaga para mapanatiling maayos ang katawan niya."
Hindi sumagot si Vivianne. Tumingin lang ito sa gilid kung saan nakasabit ang family picture nilang tatlo. They looked like a perfect family, but they're not. Lahat ng ito ay pagpapanggap lang kung sakaling may pumuntang business clients sa bahay nila.
"Huwag kang umasta na iba ka sa akin, Vivianne. Parehas lang tayo," salita ulit ni Alfred sa pagitan ng katahimikan nilang dalawa.
Bumalik ang tingin ni Vivianne sa kan'ya. Sa mga oras na 'yon, may galit at pagkamuhi na sa mga mata nito. "I can do it. Magagawan ko 'yon ng paraan. Just give her to me, at ibigay mo ang lahat ng 'to kay Joan o kung kanino mo man gusto. Wala akong pakialam."
At totoo iyon. Sa tingin niya kasi, kaya lang naman nagkakasakit ang ina ay dahil nakakulong ito palagi sa bahay nila. Alam niyang makakaya nila ang lahat, basta ay magkasama sila.
"Joan may be a nice person to give the company and the mafia with, pero mas matalino ka kaysa sa kan'ya," sagot ni Alfred, dahilan para tumaas ang sulok ng labi niya. "I need intelligence, not loyalty."
"Right," pag-sang ayon naman ni Vivianne. Mas lumapad pa ang pagngisi nito.
Alam niya kasi na kung narinig lang ni Joan ang sinabi ng ama, siguradong masasaktan 'yon. Joan was doing her best to please Alfred. Ang sabihin na wala ang talino niya sa kalingkingan ni Vivianne ay siguradong masakit sa ego ni Joan.
"However, if you really want it, puwede ko namang sundin ang sinabi mo," saad naman ulit ni Alfred bago tiniklop ang diyaryo at tumitig kay Vivianne. "Ibibigay ko sa iba ang pamamahala sa kumpanya at mafia, pero kapalit 'yon ay ang buhay ng pinakamamahal mong ina."
Mabilis na dumilim ang ekspresiyon ni Vivianne. "Huwag mo siyang idamay rito. Bakit ba ang hilig mong mandamay ng mga inosenteng tao?"
"The agreement you created with me involves her, and involves anyone who will be on your side, my dear child," ani Alfred sa isang malalim at nakatatakot na boses. "Nangako ka sa akin na aayusin mo ang pamahahala sa mafia kapalit ng buhay ng nanay mo, at ng mga taong pinoprotektahan mo. Kung hindi na ikaw ang mamamahala rito, ano pa ang dahilan para mabuhay sila?"
Gustong-gustong magsalita ni Vivianne pero tila hindi niya mahanap ang tamang salita. Nablangko ang utak niya ng takot na baka may gawin na naman si Alfred. She barely managed to save Beckett before. Hindi niya alam kung ano ang maaaring maging susunod na hakbang nito para lang makontrol siya.
"Ang bagong supplier ng top client natin... Si Beckett Clainfer iyon." It wasn't a question, but a statement. Umiwas na lang ulit si Vivianne ng tingin. "Sinadya mo ba 'to para gumanti sa ginagawa ko sa 'yo? At talagang hindi mo pa sinabi kaagad sa akin. Don't you think I won't know?"
"Alam kong malalaman mo rin kapag nagtagal, but believe me or now, I didn't know why Beckett did that in the first place. Matagal ko nang pinutol ang komunikasiyon ko sa kan'ya," pagpapaliwanag ni Vivianne. "Pero gumawa na ako ng paraan tungkol dito. I set up a schedule to talk with him, at naghihintay lang ako ng confirmation—"
"No need. Ako na ang bahala rito. Baka pumalpak na naman 'yang plano mo," pagputol ng ama sa sasabihin ni Vivianne.
Kinuha ni Alfred ang phone sa kan'yang bulsa. Tinawagan niya ang isa sa mga tauhan at inutusan ito. "You know Beckett Clainfer, right? I want you to dig for information about him."
"Madali lang 'yon gawin, Sir. Kalat na rin ang tungkol sa d.rug syndicate ni Beckett maging sa kapulisan, pero hindi siya puwedeng banggain basta-basta," sagot naman ng tauhan.
"And why?"
"Isa siya sa bagong miyembro ng Foedus Corporation, Sir."
Tumaas ang kilay ni Alfred doon. Hindi siya kaagad makapagsalita dahil sa gulat. Nang maayos ang emosyon ay doon pa lang siya sumagot. "Alright. Don't do anything for now," aniya bago pinatay ang telepono.
"That jerk was able to be a member of the Foedus Corporation," saad ni Alfred bago tiningnan nang masama si Vivianne. "May alam ka ba rito?"
"Wala," sagot naman ni Vivianne. Hindi naman siya nagsisinungaling dahil wala talaga siyang alam, pero maya maya lang ay may na-realize siya. "Wait, Foedus Corporation? Iyon 'yong organisasyong gusto mong mapasok, 'di ba?"
Hindi sumagot si Alfred, pero mas lalong dumilim ang mukha nito. It's a sign that she hit the spot. Sa mga panahong 'yon ay may naalala si Vivianne.
"Just wait. I will save you from here. I promise."
It was the exact words Beckett told her before.
"This is why you should have been a man, Vivianne," ani Alfred, dahilan para mabalik si Vivianne sa reyalidad. "Dahil sa 'yo, hindi ako kailanman makakapasok doon. Ito na nga lang ang puwede mong itulong sa akin pero hindi mo pa magawa."
Umismid na lang si Vivianne. Lahat na lang yata ng maling mangyayari ay isisisi ni Alfred sa kan'ya. Pati na ang pagiging babae niya ay kasalanan niya pa?
"Bawiin mo ang kliyente sa abot ng makakaya mo. We can't lose to someone like him, Vivianne. Tandaan mo 'yan." Tumayo na si Alfred at pinagpag ang damit. "Huwag na huwag kang babalik dito sa bahay hangga't hindi mo 'yan nasosolusyunan."
Hindi na sumagot si Vivianne. Tumayo na lang din ito at inayos ang damit bago naglakad palabas ng Allamino Mansion. Kung kanina ay mukha siyang matapang habang kaharap si Alfred, ngayon naman ay halos manlambot ang mga tuhod niya.
Kahit matagal na niyang kasama ang ama ay iba pa rin talaga ang epekto ng presensiya nito. Siguro ay dahil alam niya rin ang mga kasamaang kayang gawin ni Alfred sa kanilang lahat.
That is why she needed to follow him, kaya naman napakunot na lang ang noo niya nang maalala ang ginawa ng dating kasintahan. 'Beckett... Bakit kailangan mo akong pahirapan nang ganito?'
![](https://img.wattpad.com/cover/315955254-288-k149782.jpg)
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...