“TANGINA n'yong lahat!” nababaliw na sigaw ni Vivianne bago nilaklak ang beer na hawak-hawak niya ngayon.
Ni hindi na niya ito ginamitan pa ng baso, at hindi na rin niya alintana ang epekto nito sa katawan niya.
Nasa isang sosyaling bar siya pero wala siyang pakialam kung pangbalasubas ang pag-uugali niya ngayon.
She wanted to forget the pain… Everything.
But she couldn't.
Sa bawat paglipas ng oras ay mas lalo lang kumukulo ang dugo niya.
“Kung 'di ka ba naman kasi tanginang gago ka!” singhal pa ulit ni Vivianne habang nakatitig sa cellphone niya… Kung saan ay wallpaper niya ang sarili at ang lalaking katabi niya.
Ang boyfriend niya.
Mali, ex-boyfriend pala niya. Matapos niya itong mahuli kanina na nakikipagtalik sa isang babae sa condo unit nito ay ito pa ang may lakas ng loob makipaghiwalay sa kan'ya.
Nang maubos na ang iniinom niyang beer ay aalis na sana siya. Nakalimutan niyang hindi pa nga pala siya nagbabayad kaya naman ay inawat siya ng isa sa mga bartender.
“Miss… 'Yong bayad n'yo po?” magalang ngunit medyo nagtataka rin na tanong kay Vivianne ng lalaki.
Kung titingnan kasi ay mukhang naligaw lang si Vivianne sa lugar na ito. Suot pa rin nito ang puting blouse at itim na pantalon na siyang gamit niya habang nagtatrabaho kanina.
Maganda naman ang balat nito, pero kung ikukumpara sa ibang mga nasa bar na magagarbo ang suot ay parang nasa maling lugar siya.
“Ah, sorry. Wait lang,” ani Vivianne habang kinakalkal ang wallet niya sa loob ng kan'yang bag. “Shit. Shit. Teka lang.”
Umiikot na ang paningin niya kaya nahihirapan na siyang kumilos. She's on her most vulnerable state, at kung malalaman lang ito ng tatay niya ngayon ay hindi nito magugustuhan ang ginagawa niyang pagpapakalasing.
“Dapat pala ay hindi na ako nag-inom… Gagong Tristan kasi iyon,” singhal niya pa sa sarili.
But this isn't the time to blame herself. Tinitingnan na siya ng bartender ngayon na para bang may nagawa siyang isang malaking krimen.
Tila sumabog tuloy ang lahat ng pasensiya niya sa katawan dahil sa pagkairita.
“Magbabayad ako, okay?” saad ni Vivianne bago umirap. “Kaya puwede bang huwag mo akong tingnan nang gan'yan—”
Hindi na natapos ni Vivianne ang pagmamaldita niya nang biglang umikot ang paningin niya. Natalisod siya at kamuntikan nang sumubsob sa sahig.
“Ah!”
Pero hindi iyon natuloy nang may humawak sa magkabilang braso niya. Bumangga ang mukha niya sa dibdib ng isang lalaki, dahilan para mapangiwi siya.
Nang itingala ni Vivianne ang ulo ay kumunot ang noo niya. Hindi niya kaagad nakilala ang lalaki dahil sa face mask at sumbrero nito, pero nang matitigan niya ang mga mata nito ay napasinghap siya.
“S-Sir Beck—”
“Here,” ani ng lalaki bago ibinigay sa bartender ang black card niya. “I'll pay for her drinks, too,” dagdag niya at itinuro si Vivianne.
“O-Okay, Sir.” Kinuha ng lalaki ang card at mabilis naman nitong pinroseso ang bayad nila.
Pagkatapos no'n ay ibinalik na ng bartender ang card sa lalaki. “Maraming salamat po, sir.”
Tumango lang ang lalaki, at saka nito ibinaling ang atensiyon kay Vivianne. Napangisi siya dahil mukhang nag-enjoy na ito sa pagtitig sa kan'ya. Halos mahalikan niya na ito dahil sa lapit ng mga mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/315955254-288-k149782.jpg)
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomantizmBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...