A/N: Pasensya na po sa mga typographical error. Pagpasensyahan na po ang baguhang miss author.
Sorry na din po sa mga ungrammatical errors!
JULIA AMARIS ' POV
Tapos na ang dalawa naming klase at may 20 minutes break kami kaya makakasilay na ulit ako.
Sigurado akong na nasa cafeteria na siya!
" Feeling close ka diyan sa transferee na kaklase natin, kinaltukan mo agad! " Pang-aasar ni Ninay.
Pinanlisikan ko siya ng mata saka inambaan ng hampas pero mabilis siyang nakaiwas.
" Huwag mo nga ako asarin don sa baliw na 'yon! " Asik ko at tumawa lang siya. Nagpamewang ako, " Bilisan mo na, tara na sa cafeteria ! " pagmamadali ko sa kanya. Tumawa lang siya ng tipid.
Handa na kami sa pag-alis pero bigla namang may nang-batok sa akin. Sa sobrang lakas kasi ay halos mahilo ako. Salubong ang kilay kong hinarap kung sino 'yon. Na-alarma ang iba kong kaklase dahil sa nangyari pero nakiramdam din muna sila.
Ang ungas na may rainbow na buhok!
Nakacross-arms siya habang masama ang tingin sakin. Lalo akong naasar dahil siya pa talaga ang may ganang samaan ako ng tingin.
" Ano bang problema mo?! " Pagtataray ko.
Tinanggal niya ang pagkakacross-arms niya at saka ako dinuro. " Huwag mo na ako ulit babatukan. Don't try me! " banta niya habang unti-unting inilalapit ang mukha sa akin, bahagya ko lang nailayo ang sarili ko dahil ayoko ng idea na sobrang lapit namin sa isa't-isa. " Pumapatol ako sa babae. Just a friendly reminder." Bulong niya bago muling tumayo ng tuwid.
" Edi good dahil pumapatol ako sa lalaki!" Walang pagdadalawang-isip kong sabi.
Lalo pa akong nainis nang tumawa siya nang malakas. Nakakaloko at nakakaasar. Lalo akong napipikon. Ang akala ko ay magsasalita pa siya ulit pero umalis nalang siya bigla habang tumatawa.
Sinapian na naman 'to ni Sisa!
Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Noon ko lang rin nagawang isigaw ang lahat ng inis at pagkapikon ko.
"Bwisit' yung tao na'yon! Baliw siya! May saltik! May sapi! Gangster! Abnormal!" Sunod-sunod kong sigaw. Pinagtawanan lang ako ni Ninay kaya lalo ako naasar. " Bwisit siya ang sakit-sakit ng batok niya saken, patay talaga siya sakin! " Dagdag ko pa habang himas ang ulo ko.
Talagang kahit pinapaiwas ako ni kuya sa gulo ay papatulan ko siya!!
"HAHAHAHA!! " tawanan ng mga baliw ko ring kaklase.
Nanlilisik ang mata ko silang tinignan lahat pagkatapos ay tinuro isa-isa. " Tandaan niyo 'to, makakaganti din ako sa panget na 'yon. Kahit itaga niyo pa sa bato! "
" Panget daw? "
" Uyy mas gwapo pa kaya siya kay Gian! "
' Huh? '
" ANONG SINABI MO?! " Baling ko kay Darell' yung kaklase naming isa.
" HAHAHAHA!! "
Nagtatawanan lang ulit silang lahat.
" Bwiset. " Bulong ko.
" Ito advice lang huh? Mag-ingat ka sa isang 'yon. Mabilis mahulog ang mga babae sa mga lalak----araayy!! "
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil hindi ko gusto ang balak niyang sabihin. Agad ko siyang binatukan ng kasing-sakit ng batok sakin ng baliw na lalaki.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.