A/N:
A bit cringe but I'll rewrite it when I do the final proofreading. Thank you! Please don't forget to vote and share. ❤️JULIA AMARIS POV
"Ang ganda mo nga pero para ka namang kriminal." Saad ni Ninay matapos kong sumilip-silip sa maliit na butas ng pinto niya.
Sinisiguro ko lang naman na wala na talaga sila kuya.
"Nagpaalam na nga kanina nung nasa banyo ka. Bat ba ayaw mo pa maniwala?"
Nakamot ko ang sintido ko. 'Bat nga ba ayaw ko pa maniwala.'
"Sige na. Aalis na ako. Susunduin daw ako ni Gian sa may kanto paglabas ng subdivision niyo. Hindi siya makakapasok eh." sabi ko habang naglalakad na pababa ng hagdan.
"Hoy hanggang 10:00pm ka lang don ha. Huwag mong tatapusin yung party dahil paniguradong hanggang madaling - araw pa ang tapos non. At isa pa, baka makadiretso ka sa bahay niyo? Dito ka uuwi ha!" paalala niya nang makarating kami sa main door nila.
May e-bike sila kaya don na kami sasakay hanggang gate ng subdivision nila.
" Oo nga hindi ko naman kakalimutan. " sagot ko matapos sumakay.
Dahan-dahan lang ang patakbo niya para hindi naman magulo ng hangin ang magandang pagkakaayos niya ng buhok ko.
"Ah basta, tawagan mo ako pag may nangyari or pag binully ka ng mga nandon."
Natawa ako sa sinabi niya. Daig pa si kuya sa dami ng paalala niya.
"Oo na! At tsaka ano bang tingin mo sa akin papahuli ng buhay? Bullyhin nila ako at lulumpuhin ko naman sila!" natatawa kong sabi.
"Hayy nako! Hindi talaga ako makampante, dapat talaga sumama na ako."
Tinawanan ko nalang ulit siya. Kung makapag-alala at salita kasi siya ay akala mo siya ang mas matanda sa aming dalawa.
Basta mga ganitong usapan nagiging matured siya.
"Oh nasaan na yung Gian na'yon?" Tanong niya habang iniikot ng tingin ang lugar.
"Sabi niya on the way na siya eh." Sagot ko naman. Kinapa ko ang cellphone ko sa bag na pinahiram niya sa akin. "Hala naiwan ko ata ang phone ko sa kwarto mo!" Gulat kong sabi.
"Ano ba yan? Sure ka? Hindi ka pwedeng umalis ng walang phone!" aniya at saka nagready na pabalik ng bahay nila. "Hintayin mo ako ha! Huwag kang aalis ng hindi ako nabalik."
"Ha? Huwag na, mapapagod ka lang pabalik-balik. Okay lang naman wala akong phone." pigil ko sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo?? Hindi pwede! Basta babalik ako."
Hindi ko na siya napigil ng umalis na siya.
'Ang tanga ko naman kasi!'
Nang mawala na siya sa paningin ko ay sakto namang nakaramdam ako ng vibration mula sa loob ng bag ko.
'Amputcha nasa pagitan pala ng napkin at wallet ko!
Mabilis kong tinawagan si Ninay para sabihin na hindi ko pala naiwan at para hindi na siya bumalik pa ulit. Pagkababa ko naman ng phone ko ay sakto namang hinto ng isang pamilyar na kotse sa harap ko.
Kulay blue na sports car.
'Ginagawa nito dito?'
Bumaba siya sa kotse at hindi nga ako nagkamali. Si Xian nga ang may-ari. Naka school uniform parin siya hanggang ngayon. Meaning, hindi pa siya nakakauwi ng bahay.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.