JULIA AMARIS' POV
Hindi ko maiwasan na matulala dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko makalimutan kung paano sila nakitungo kay Xian kahapon ng makita nila kami na magkasabay sa pag-uwi.
Pambihira! Wala silang reaksyon! Walang galit-galit!
Dahil naiilang ako ay hindi na ako nakinig sa kanila kahapon kaya hindi ko alam kung ano pang pinag-usapan nila.
Ano 'yon close na sila ni Kuya, muka silang friends kung magbatian eh!
"Baby, are you okay?"
Taas kilay akong nag-angat ng tingin kay Kuya.
"W-wala." Dahilan ko.
Nagtataka pa niya akong tinitigan bago pa siya tuluyang maupo. "Simple ng tanong mali pa ang sagot." Dinig ko pang bulong niya pero nginiwian ko nalang.
Kahit na napapaisip parin ay pinilit ko nalang na huwag na pansinin dahil sasakit lang ang ulo ko kakaisip. Wala rin naman akong mapapala.
Wag nalang mag-isip! May mga bagay talaga na lalaki lang ang nga nagkakaintindihan! Lalong-lalo na kapag yung mga utak niyo, pare-parehong may lamat.
Kinain ko na ang spanish bread na nasa harap ko saka ininom ng gatas na nasa tasa.
Unti-unti na akong nasasanay sa set-up na ganito. Actually, may bago nga akong uniform pero hindi ko pa masuot dahil hindi pa kasya. Kaya hanggang ngayon ay itong luma kong uniform ang suot ko. Ngayon ko lang din napansin na sobrang luwag pala nito kaya ako nagmumukang mataba, nung una hindi ko tanggap na magpalit pa ng uniform pero wala din naman akong nagawa.
Katwiran kasi nila, 'Julia, mag d-debut ka na, mag e-18 ka na! Ayos-ayos din.' Tsk.
Katagal-tagal pa kaya ng birthday ko! Jusko,December pa. September pa lang!
Pero okay lang. Pag naiisip ko naman na parehas kami ng birthday ni Gian ay automatic na gumaganda ang araw ko.
"Tatay,baon." Masaya kong usal.
Taka nila akong tiningnan mula ulo hanggang paa pero sadyang maganda ang mood ko kaya todo ngiti lang ako.
"Anong nyakain mo?" Si kuya habang ngumu-nguya pa.
"Katulad ng kinakain mo. HAHAHA!" hindi ko alam kung bakit ako tumawa.
"OH!" Iniiabot ni tatay ang baon ko. "Mag-ingat ka sa pagpasok mo."
"Kung bakit hindi nalang kasi ako intayin?" Si kuya.
Kumaway ako ng nakatalikod. "Kilos dalaga ka kasi! " Lumingon ako para lang kumindat.
Nakita ko na ngumiwi siya.
Nagpatuloy ako sa paglabas ng bahay at masayang naglakad papasok ng school.
Nasabi ko na ba na hindi sobrang lapit ng school sa bahay namin pero hindi rin sobrang layo? 20 minutes walking distance.
Ah basta! Madami ka pang madadaanan bago ka makarating sa school. Madadaanan mo ang iilang tambay sa daan, pati mga batang nanlilimos, minsan meron ding shooting ng iba't - ibang palabas sa TV, pero hindi ako interesado. Meron pa ngang public high school and university malapit sa amin. May malapit din na Mall. Galaan namin ni Ninay. May mga sikat na resto and juice bar din. May mga bilyaran, com shop at kung ano-ano pa!
Habang naglalakad ay napansin ko ang magara ngunit pamilyar na kotse sa harap ko. Ilang hakbang pa ay nagbukas ang driver's and passenger seat no'n at...

BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.