Chapter 49 - Happy Birthday, Julia And Twins!

25 4 0
                                    


JULIA AMARIS ' POV

For the past two days hindi ako lumalabas ng bahay. Hindi ako pumapasok ng school. I felt so betrayed kahit na wala pang confirmation.

Hindi ko makompronta sila tatay at kuya natatakot ako sa sasabihin nila kaya ang naging last resort ko ay hintayin ang pagdating ng birthday ko.

Today is December 4 and on this day, I was born.

Ngayong nakaupo ako sa gilid ng kama ko habang nakatingalang pinagmamasdan ang isang kulay puting bestida sa harap ko ay mas lalo akong kinakabahan.

Para saan nga daw 'to?

Ang sabi ay suotin ko raw ito ngayong araw dahil birthday ko. Sila na mismo ang nagsabing huwag na muna ako pumasok ngayong araw. They even have the Dean' s approval.

Is today so special para gawin pa nila' to?

As far as I remember, I've never been this nervous on my birthdays. Parang ayaw ko nalang lumabas ng kwarto ko at harapin ang mga tao sa labas.

Habang unti-unti kong naririnig ang pangilan-ngilang boses ng kalalakihan mula sa labas ng aking kwarto ay parang kinakarambola sa kaba ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang maiyak kahit wala pa akong naririnig.

Hindi ko alam kung bakit ako pa!

Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ako pa?

Bakit sa kanya pa?

Am I too easy to be played by both fate and people?

Naligo na ako gaya ng kanina pang iniuto sa akin. Nakailang katok narin sila Kuya sa pinto ko. Hindi ko binilisan at pinilit kong bagalan ang pagkilos ko. Parang wala ako sa aking sarili. Kinuha ko ang bestidang puti hindi para isuot kundi sana itapon pero heto ngayon at suot-suot ko.

'Anak ng tokwa!'

Tinamad na akong magbihis, nakakawalang-gana. Simangot akong lumabas ng kwarto.

I don't care about how they will going to react on this attitude of mine. I don't care about them.

Paglabas ng kwarto ay bumungad sa akin ang anim na lalaki. They were all sitting perfectly. Ang masculine nilang tingnan. Formal na formal ang datingan.

Naghalo-halo ang naramdaman ko.

Gulat

Kaba

Pagkalito

Galit

Inis

Nakatingin silang lahat sa akin habang sabay-sabay na tumatayo. Sinuyod ko sila ng tingin hanggang sa huminto iyon sa isang binatilyong naka black na tuxedo.

Ang layo ng itsura niya mula doon sa Kayl na nakilala ko sa sementeryo. Para siyang ibang tao pero ang hindi nagbabago ay ang paraan niya ng pag ngiti sa akin. Hindi na ako magtataka kung isa din siya sa mga kapatid ni Gian. They awfully look the same.

Pagkatapos sa kanya ay lumipat ang tingin ko kay Gian, wala siyang reaksyon pero pinipilit na ngumiti ng tipid. Like always, he looked so handsome and composed but somehow, he looked awkward.

Matapo sa kanya ay tumingin naman ako sa katabi niya. Wala ding reaksyon ang mukha niya. Nakatingin lang siya diretso sa akin na para bang napakaraming gustong sabihin. He astonishingly handsome. He's now in his black hair era. He looks pure in his black suit. Mukha siyang a-attend ng kasalan sa itsura ng pagkakaayos ng buhok niya. He's none other than, Xian Medrano.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon