Chapter 24 - Brothers

32 8 1
                                    

JULIA AMARIS ' POV


Sinubukan ko pa na makibalita kay Ninay kung bakit sila tuwang-tuwa sa gold card ni Xian at kung ano ba 'yung planong tinutukoy nila dahil hindi ako maka-relate. Ang sabi niya lang ay yun daw yung plano na pinag meeting-an nila kahapon after class.

Nangunot ang noo ko, hindi pa ba iyon 'yung pang ha-hacked nila sa account ng JIS at pagpopost ng lintek na video nila Gian?

Hindi pa raw iyon yun kaya naman sinubukan kong itanong kung ano naman yung balak na naman nilang gawin. Kinukulit ko siya kahit mukhang wala naman siyang plano na sagutin ako pero hindi na niya ako talaga nagawang sagutin dahil dumating na ang teacher namin na mukhang wala sa mood.

Paglaruan ba naman yung page ng school...

"Mr. Medrano!" tawag nito kay Xian. Nagsipag-lingunan naman kaming lahat kay Xian.

Hindi man lang siya nabahala, nanatili sa pwesto at tanging mata lang ang nagalaw. Bahagya pa siyang ngumuso at saka nagtaas ng kilay.

Dabest ka talaga.

Napailing nalang ako bago mag-iwas ng tingin. Wala talagang sineseryoso ang taong ito. Kung ako teacher nito kahit anak pa ito ng presidente baka natuktukan ko na ito.

"The Dean's looking for you, I assumed you already know the reason."

Alam ng lahat, teacher!

Muli akong lumingon sa likuran ng wala ni anong response na narinig mula kay Xian. Nangunot ang noo ko ng hindi man lang nagbago ang itsura niya. Relax na relax lang ang pagkaka-upo.

" Mr. Medrano? "

Batid kong nagpapasensya na lang si Teacher. Alam niya na ang ugali ng kausap niya. Hindi niya makukuha sa isang salita lang. Ang mga teachers dito, lahat ay mahahaba ang pasensya kaya oras na mapikon sila humanda ka na dahil hindi sila magdadalawang-isip na daanin ka sa dahas. Kasama yon sa rules ng school. Kung gagawin naman nila iyon, kailangan ay handa silang mai-justify ang actions nila sa harap ng Dean.

"I'll talk to him later, teacher." seryosong sagot ni Xian.

Hindi na muli nagsalita ang teacher namin at para bang naniwala na siya agad sa sinabi ni Xian.

Bakit mamaya pa, dapat ngayon na agad diba?

"May special treatment ang loko." bulong ni Ninay. "Kung sabagay, may gold card siya. Hindi siya biro. HAHAHA!"

Napaisip ako. Totoo ang sinabi niya. Hindi biro ang may gold card kaya hindi rin imposible na may special treatment sa kanya.

Astig pala 'tong mokong na ito. Kaya pala ang tapang makipag-away kay Gian, mag pinsan nga siguro sila!

Ng matapos ang first period ay mabilis na dumating ang next teacher namin ngunit kagaya ng nauna, pinapaalalahan mun na pumunta ng Dean's office si Xian. Katulad lang din naman ng nauna ang sagot niya.

Habang naandar ng oras ay medyo napapaisip talaga ako sa maraming bagay na hindi ko alam kung saan ko kukuhanan ng sagot. Hindi na ako nakinig habang discussion dahil ang ending lang naman ay maririnig ko pero malilimutan ko lang din kaagad. Mas effective talaga sa akin ang self study. Napagtanto ko na iyon ang learning style na mas madali ako matuto.

Nagbibigay nalang ng assignment si ma'am at medyo nag-aalangan ako kung makakapag comply ako dahil need pa umalis at pumunta sa ibang lugar. As an introverted kind of person, tinatamad na kaagad ako..

"Maliwanag ba ang lahat? Kailangan ko ang narrative report niyo kasabay ng output na ipapasa niyo."

"Noted, teacher!"

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon