JULIA AMARIS 'POV
Hindi ako makapaniwala! Hindi ako makapaniwala sa mga trip niya. I thought that was his card! Never I have imagined that he's using Gian' s card, I mean, Dang!
I really don't know, nababaliw na ako.
Nag-aalala tuloy ako para kay Gian. What if masuspend siya dahil sa card niya? Paano na 'yung grade niya sa economics?
Damn, he's running for valedictorian!
Napipikon talaga ako sayo Xian. Ang lakas ng trip sa buhay, eh, hindi naman na nakakatuwa. Major conflicts yung pwede maging results ng mga ginagawa niya. Mag hack ng social media accounts ng school and mag-post ng kalokohan. Ilatag at ikalat ng mga basura sa building ng section 1, and now, may pa community pantry ang loko at bukod do'n in-exceed sa limit ang card ni Gian.
Tsh.
"Bakit ba busangot na busangot yang mukha mo?"
"Ninay, sa tingin mo sumosobra na si Xian diba?"
"HAHA! For me, honestly, it's okay. As long as he can handle the consequences of his actions, I think I have nothing to do with whatever he wants to do. Sumobra man siya or what, as long as I'm not affected, it's fine. Do whatever he wants, I don't care at all. "
Natahimik ako sa sinabi niya.
Walang pakialam hangga't hindi ikaw ang naaapektuhan?
Bahagya akong natawa. Paano yon kung affected ako? Sobra akong nag-aalala para ky Gian. Wala nga rin naman akong paki kung kay Xian lang but I still think he's causing too much trouble not just for himself but also to other people.
Hindi na muna siguro ako makikipag-usap sa kanya dahil for sure mag-aaway lang kami. Hindi ko rin naman siya maintindihan.
"Haay naku! Kahit kailan ay pasaway talaga si Xian!" dinig kong sabi ng isang staff.
"Naku, hindi na iyon magbabago, palibhasa ay paborito ng lolo niya tuloy ay nas-spoil ng todo."
"HAHAHAHA!!"
Nangunot ang noo ko, paborito?
Bakit siya ang paborito, eh siya itong magulo? Kung sabagay lolo niya nga pala ang Dean, at magpinsan lang naman sila ni Gian.
Nakakuha na kami ng pagkain namin nina Ninay at iba ko pang classmates. Kailangan na namin bilisan ang pagkain dahil nakakahiya kami rito. Kahit na proud ang classmates ko na nakaganti sila, hindi pa rin komportable. Pabalik na sana kami sa table namin ng bigla akong salubungin nina Jelene kasama ang president ng student council. Dahil ako ang nasa unahan ay ako ang napagbuntungan.
"Hey." panimula ni Ronalyn Villaruel, ang president ng council. Bigla na lamang din niyang tinampal mula sa ilalim ang tray na hawak ko dahilan para tumilapon yon sa ere bago sumalampak sa sahig.
Sa gulat at takot ko ay hindi agad ako nakapag-react.
Anong laban ko sa presidente ng Council?
"B-bakit?" kabado kong tanong.
Wala akong makitang rason para gawin niya 'to. Anong problema niya sa akin?
For the nth time, na-alarma na naman ang buong cafeteria. Hindi lang ang mga classmates ko kundi lahat ng nandito. Nakakatakot din kasi itong president ng student council. Matagal siyang nawala dahil kinailangan niyang pumunta sa ibang bansa for leadership training at ngayong nandito na siya, sigurado akong wala nanamang tigil sa pambubully ang mga barkada niya at isa na ron sina Jelene.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.