Chapter 21

32 8 0
                                    

A/N:
Woahhhhhh!!!

Thank you so mucchhhhh!!!! Super thanks! ❤️
Uulit-ulitin ko po, pasensya na po sa lahat ng errors. Hehe. 😀

Enjoy reading, please don't forget to vote, comment, and share! ❤️

JULIA AMARIS ' POV


Nasa school na ako ngayon at tamad lang na nakikinig kina Ninay at Jin. Nakasilip naman sa likuran ko si Xian habang kumakain ng mansanas na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Pagpasok niya ay may dala na siyang ganiyan.

Pina-pangatawanan niya ang pagiging hamster na kulay rainbow ang balahibo.

"Ngayon lang yun nangyari. Nakakaawa aba!" Si Ninay na exaggerated na naman pagku-kwento.

"May lead na ba kung sino ang gumawa?" Si Jin na tsismoso.

"Sino bang pinag-uusapan niyo?" Si Xian na nakikisali wala palang alam.

"Nuba naman 'to! Kanina pa ako kwento ng kwento ih!"

"Oo nga, eh hindi ka naman nagbabanggit ng pangalan. Alangan hulaan ko!"

Inilingan ko nalang sila. Ang aga kasi ng maritisan nakalimutan atang may quiz kami ngayon. Okay lang papa kopyahin ko na lang sila.

Ay shaaalllaaaaa feeeeelingg..

Hindi, nagreview kasi ako kagabi kasi hindi ako makatulog dahil kay kuya. Kaya kaysa isipin ko yon nag review nalang ako pero pinag-iisipan ko pa rin talaga kung anong reason niya. Susundin ko siyang muna pagkatapos pag nagka chance na ako, tatanungin ko siya.

Pero hindi ko sinasabing hindi ako sisilay. Siya ang aking buhay at hindi pwede, hindi ko matatagalan talaga ang sinasabi ni kuya. Pero dahil kuya ko siya, susundin ko siya mga three days lang.

"Sino naman 'yon?" seryosong tanong ni Xian.

Nawala na ang kulitan sa kwentuhan nila. Bigla nalang silang naging seryoso pare-parehas.

"Girlfriend yon nung Isaac. Second year yon na kasali daw sa gang." Si Jin na biglang nag mala- detective Conan na.

"Gang?" Si Xian. Taga ulit lang.

"So involved ang gang dito?" Si Ninay na seryoso na rin na bihirang mangyari. Napapatingin tuloy ako sa kanila, nakakadala kasi pagiging seryoso nila.

Pinag-uusapan kasi nila ay yung babaeng student, third year na at natagpuang nakaposas sa may gate. Kung tatantyahin daw ay baka kaninang madaling-araw pa yon doon. Mabuti at buhay ang kaso sino namang walangya ang gagawa non. Nakakaawa talaga. Biruin mo habang ako masarap ang tulog, may tao pala na nakikipaglaban para sa sarili niya at kaligtasan.

Mabuti at okay naman yung babae, wala namang possible case na ni-rape. May mga konting sugat pero hindi naman malala. Pinatulog daw yon bago iposas sa mismong gate. Walang lead sa cctv kung sino ang may gawa dahil sinira yung cams.

Ayun na ang naririnig ko pag pasok palang ng gate kaya naman kabisado ko na ang buong pangyayari bago pa ako makapasok ng classroom. Mas nakibasado ko pa yung tsismis kesa sa lesson na inaral ko kagabi. At ewan ko ba kung bakit walang narinig tong si Xian palibhasa kung pumasok last minute na, wala na tuloy mga radar sa daan. Mahina!

Pinagtaka ko ang pag tahimik nilang tatlo. Hindi ko na nasundan ang huling pinag-usapan nila. Mga kunot na ang noo nila at animo natulala na. Parang pare-parehas na may iniisip. Pero apat na kami ngayon kasi nag-iisip narin ako.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon