Chapter 50

31 4 1
                                    

Short update ❗ short update ❗

HAPPY MENTAL HEALTH AWARENESS MONTH! 💚 Be aware of your own mental health because you matters! 💚
  

JULIA AMARIS POV

Sure ako sa naalala ko at hindi 'to maganda!

Gagiii tauhan niya ata yung nakaaway namin noon and that means that he's upto something!

Kanino kaya?

Kay kuya ba?

Sa akin?

Pero bakit naman ako madadamay, wala naman akong ginagawan nang masama?

"Are you okay? Bakit para kang nakakita ng multo diyan, eh, wala pa nga tayong horror house?"

Out of reflexes ay nahampas ko siya sa braso. Nag peace sign nalang ako baka kasi mapikon siya.

"M-may naalala lang ako." Sagot ko naman habang nagkakamot ng ulo. "Tara na nga!" aya ko sa kanya papasok ng amusement park.

Mamaya ko na lang poproblemahin yung about sa tao na 'to. Kung magkasamaan man ay kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko.

Gusto ko na munang sumakay ng ferris-wheel ng mga tatlong oras.

"Saan tayo?" tanong niya habang hawak ako sa braso at hinihila pa puntang food stall.

"Nagtanong ka pa ikaw din naman nagdecide!"

Tumawa lang siya bago maupo sa isang upuan at ginaya ko naman siya.

"Kain muna tayo, nagugutom na ako eh." nakangiting aniya. Ngiting aso! Napairap na lang ako. "What do you want to eat?" Bigla ay tanong niya habang hawak ang menu.

Hindi na ako sumagot, nag-order na siya eh!

Abnormal talaga 'tong mokong na' to!

"Bilisan mo kung ayaw mong iwan kita." saad ko habang nilalantakan ang letseng green salad. Ginawa naman ako nitong herbivores!

"Bat ba nagmamadali ka? Mag-enjoy ka lang sa pagkain, sige ka baka last meal mo na 'yan. HAHAHAHA!!"

Bahagya akong natigilan sa biro niya. Halata kasing may laman at isa pa, alam ko namang kaaway siya.

' grabe naman sa last meal! Katakot! '

"Tssss.... Sinong mage-enjoy kumain ng damo?" Nakangiwi kong sabi. Tumawa na naman siya.

"Ang bagal mo kasi sumagot!" Loko niya. Inirapan ko na lang ulit siya. "Saan ba tayo unang sasakay?" anya habang lumilingon-lingon sa paligid.

"Ferris-wheel!" Sagot ko lang bago uminom ng softdrinks.

"Tsh! Parang bata!" Nakangiwi ring aniya. Ngumiti naman ako nang hindi labas ang ngipin.

'paano pa kaya pag nalaman niyang three hours ko gusto don?'

"Ako na magbabayad ng ticket!" Presinta ko ng akma siyang pupunta sa may bilihan ng ticket.

"Sige."

Umalis ako at iniwan siya. Hindi naman niya ako sinundan dahil medyo mainit sa may ticket station.

"20 tickets nga po." Saad ko saka nag-abot ng bayad.

Naipon ko kasi mga baon ko nung mga nakaraang araw. Sobrang boring kasi ng mga araw na'yon kaya parang hindi ako gumagastos.

"Thank you po!" Paalam ko pagka abot sa akin ng ticket.

Naglakad na ako pabalik sa kanina naming pwesto. Para hindi niya mapansin ay agad kong tinago sa bulsa ang ticket na binili ko at nag-iwan lang ng dalawa.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon