JULIA AMARIS ' POV
"Grabe naman yung tao na' yon akala mo na comatose at hanggang ngayon ay ayaw lumabas ng hospital. Ginawa na atang bahay yung private room sa hospital." Dinig kong sabi nina Limmuel. Nagkekwentuhan sila malapit sa pinto pagpasok ko.
'Ano bang sinasabi ng mga' to, eh, pagala-gala na nga lang 'yung tao kahapon?'
"Oo nga at tsaka ang alam ko mas malala pa inabot ni Miyoshi kesa kanya?" Si Pinoy naman.
'Si Miyoshi? Hindi ko alam na kasama siya sa naaksidente.'
Nakakaasar wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Bakit ba kasi palagi siyang nakabuntot don kay Xian, mag-jowa ba sila?" Si Harry.
'Basher talaga to kahit kailan.'
"HAHAHA gago!" Sabat naman Gio.
"Eh kasi palagi silang magkasama nakakapagtaka narin kaya." Si Harry ulit.
"Tangek palagi din non kasama si Juan at Jin." Si Kokoy naman.
"Oo nga eh, nakakaintriga sila. Pakiramdam ko may mga ginagawang kakaiba yung mga 'yon." Si Pinoy na nakahawak na sa baba ang kamay at nakatingin sa kisame.
"Oo pakiramdam ko din. Isa pa, nabalitaan niyo ba kung sino bumugbog kay Yohanne, sabi nila si Jin daw." Si Harry.
' Si Jin? '
"Saan mo naman nabalitaan yan? As if naman mabubugbog no' n si Yohanne sa tapat ng bahay nila." Salubong na kilay na sabi ni Kokoy.
Magsasalita pa sana ulit si Kokoy nang biglang pumasok si Ninay. Salubong na agad ang kilay dahil sa tumpukan nila malapit sa pinto. Nakiisyoso pa nga siya kaya naman nagsibalikan na sa mga pwesto nila sina Limmuel at Pinoy.
"Anong pinag-uusapan ng mga 'yon?" Bungad sa akin ni Ninay.
Napaaga kasi ako ng pasok dahil maaga rin ang pasok ni Kuya. Sinundo ulit kami ni JD. Hindi ko nga alam bat hindi pa nasabay tong si Ninay.
"About sa aksidente ni Yohanne. Sabi nila si Jin daw ang bumugbog don sa tao." Sagot ko sa kanya.
Naalala ko nang gusto ko nga pala itanong sa kanya yung about don kahapon. Ngayon ko lang naalala.
"Ah yon ba? Hindi 'yon totoo. Magkakasama sila nila Kuya nung gabi na' yon diba? Birthday daw nung isa nilang kabarkada kaya nagkayayaan na lumabas." Kwento niya. "Hindi ko ba nasabi sayo nung friday last last week?"
"Hindi." Pagtanggi ko. "Bakit kasama si Jin don? Barkada ba sila? I didn't knew about that."
Para siyang nagulat sa tinanong ko. Dapat bang ilihim sa akin ang tungkol doon. Ano bang kasikre-sikreto about sa pagiging friends friends nila?
"Umamin ka nga sa akin." Hinarap ko ang katawan ko sa kanya at hinawakan ko pa ang balikat niya. "May mga hindi ka ba sinasabi sa akin?" Matama ang tingin ko sa kanya.
Halatang may tinatago siya dahil nag-iiwas siya ng tingin. "Huwag ka na magsinungaling dahil naiinis na ako. Pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa akin at isa pa, paano mo nga pala nalaman na pabalik na ako sa inyo nung gabing 'yon, eh, hindi naman ako nagtext sa' yo?" Salubong ang kilay kong sabi.
Inalis niya ang kamay ko sa balikat niya. Bumuntong hininga din siya bago siya tumayo at hilahin ako palabas ng room. Pagkalabas ay inalalayan niya ako papuntang rooftop.
Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito. Ngayon ko lang rin nalaman na may mga solar panels na pala dito at malinis narin ang garden. Nadagdagan narin ang water tanks na dati ay dadalawa lang ngayon ay tatlo na.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.