JULIA AMARIS 'POV
Kabado akong sumunod kay Xian papasok ng napaka-garbo nilang mansyon. Hindi ko mapigilan na mapatingala sa sobrang liwanag at napakalaki nilang golden chandeliers. Mapataas o baba ka tumingin ay mamamangha ka talaga. Ultimo sofa nila mukhang kama. Palagay ko kahit dito nila ako patulugin ay matutuwa pa ako.
Hindi ko malaman kung anong klaseng marmol ba tong tinatapakan ko dahil ngangayon lang ata ako nakakita ng ganito. Kahit sa mga palabas ay wala pa akong nakitang ganito, hindi pa nakatulong ang hindi ko pagkahilig na manood ng pelikula galing westerns.
Hindi ko ba sure kung anong tawag dito o kung saan ito ihahalintulad. Parang Chevron floors na hindi ko malaman. Kapag tumingin ka naman sa paligid ay puros hallway ang makikita mo. Hindi ko tuloy mafigured out kung ballroom dance floor ba itong space na 'to. Parang kahit magpunta kaming magkakaklase dito at mahiga sa sahig ay luwag na luwag pa.
Sa right side naman ay may isang malawak at mataas na hagdan. Sa gold ata yon gawa dahil iba kung kuminang. Mukhang pataas yon sa susunod na palagpag na hindi ko na matanaw sa sobrang taas. Akala mo naman mga higante ang nakatira dito sa sobrang taas ng ceilings at lawak ng mga space. Grabe!
Actually nagulat na nga ako una palang dahil mas malawak pa ata sa hallway ng school 'yung entrance na pinasukan namin tapos eto kami at naglalakad na naman sa isang malawak ulit na hallway. May dalawang pinto na hindi magkatapat ang pinto pagkatapos may mga nakasabit na paintings ng iba't-ibang bulaklak.
Kaunti pa ay natanaw ko na ang dining area. Si kuya kaagad ang una kong natanaw. Katabi niya si tatay at naka upo naman sa pinakadulo ang father nila Xian. Nasa right side niya sila kuya at sa left side naman ay si Denver. Kalapit ni Denver si Gian.
Hindi na ako nagulat, bahay niya 'to kaya bakit ako magugulat.
Nakatayo sa paligid ang nakahilerang mga kusinera at malamang mga katulong nila. Nangunot ang noo ko ng makita si Miyoshi kalapit ng hindi pamilyar na mukha at yung isa pa ay yung kumarga naman kay Denver kanina.
"Bakit nakatayo don si Miyoshi?" Bulong ko kay Xian ng hindi na ako makapagpigil. Nginuso ko pa ang direksyon ni Miyoshi.
"He's my butler." Rektang sagot ni Xian.
Natigalan ako sa paghakbang nang dahil sa gulat. Nagtaka naman siya kaya huminto siya para silipin ako. Nilakihan pa niya ako bahagya ng mata para tanungin kung anong problema pero umiling nalang ako ng nakangiwi.
' Ano pa bang nakakagulat Julia?'
Butler pala. HAHAHA kaya naman pala buntot nito kung saan-saan. Kaya pala sunod-sunuran kahit anong ipagawa nitong isa. Kaya pala walang reklamo kahit pa maaksidente siya. Kaya pala kahit maospital siya, eh, ngingiti pa. Kaya pala walang tanong - tanong na nakikisali sa plano kahit na ikapahamak pa niya.
Ayos!
Nagsalubong ang tingin namin ni Miyoshi bago kami tuluyang makalapit ni Xian sa dining table. Nginiwian ko siya at tipid naman niya akong nginisian. Sarap kaltukan neto!
"Good evening po." nahihiya kong bati sa Daddy nila Xian. Ngayon lang ako sinasampal ng mga kahihiyan na ginawa ko kanina.
Take note ha, nahihiya lang ako pero that doesn't mean na nagsisisi ako sa mga ginawa ko kanina. Hindi ko parin tanggap na kapalit ng buhay ng asawa at kambal niya ay nawala ang nanay ko.
Can't still understand why.
Bigla nalang tumayo ang daddy nila Xian at mabilis akong niyakap. Sa gulat naman ay hindi na ako nakapanlaban.
Gosh!
" Thank you for being here! It means a lot for me and my late wife." aniya pa. Wala na akong ibang nasabi kundi tipid na tango lang.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.