JULIA AMARIS 'POV
So in the end, hindi ako na kasama sa bahay nila Samantha. Hindi na ako nagmatigas sumama dahil nakakatakot ng kausapin si Xian kanina. Mukha na siyang ultra.. mega.. galit na galit. Pinagtitinginan na nga kami kanina habang naglalakad pauwi dahil sa itsura niyang mukha ng angry bird kaya naman ang eksena ko, tamang masunuring bata lang.
Ang lakas kasi ng topak ng hamster na 'yon!
Feeling exhausted, I lay across my bed. I looked around, looking for something I can do, pang pa-antok lang. Dumapo ang tingin ko sa cabinet malapit sa study table ko. Bumangon ako at saka lumapit doon.
I let out a long breath. I feel like I already wanted to cry kahit na wala pa nga akong ginagawa. I sighed heavily as I started pulling one of the drawers. Tinitigan ko ang isang kulay asul na photo album sa loob no'n.
My never ending drama, here we go again.
Kinuha ko ang album at bumalik sa kama ko para maupo. Katulad ng palagi kong ginagawa, binuksan ko 'yon at tumambad sa aking tingin isang lumang litrato. Nanay ko habang hawak ang tiyan niyang lulon-lulon ako. She looks so happy. Her eyes screams happiness and contentment. Kahit medyo malabo na ang litrato, Kitang-kita ko kung gaano siya kaganda.
Nanay ko 'to HAHAHA
Sobrang ganda samantalang ako ganito lang. Nanumbalik sa akin kung paano ko unang nakita ang picture na' to. They wanted to hide it from me for the rest of my life para daw mabawasan ang lungkot at pangungulila ko. Naalala ko kung ilang araw ko silang hindi kinausap dahil sa picture na 'to. Napangiti ako pero ang lungkot, pangungulila, panghihinayang at pananabik ay pinapalabas ang rumaragasa at nagka-karera kong mga luha.
Nahiga ako habang tinititigan ang litratong hawak ko. Hindi ko ma-imagine kung gaano sana kasaya ang buhay ko kung nandito siya. Hindi ko mapigilang isipin kung ano kayang pakiramdam ng may Nanay. Hindi ko maiwasang isipin kung gaano kasarap sanang gumising sa umaga ng may Nanay kang sasalubong sayo at maghahanda ng breakfast mo. Kung ano kayang pakiramdam ng may Nanay na mag-aayos ng buhok mo, ng uniforms mo, ng pampaligo at ng marami pang bagay.
Ano kayang pakiramdam ng may tinatawag kang Nanay tapos sasagot sa tawag mo?
Kuntento na naman ako sa kung anong meron ako pero mas masaya sana, siguro kung nandito siya diba? Wala kaming memories na magkasama, ni hindi ko alam kung nayakap, nahawakan o nahaplos man lang ba niya ako pero kahit ganoon, sobrang lungkot, sobrang sakit. Ramdam na ramdam kong may kulang. Pagkukulang na kahit kailan hindi na mapupunuan.
For the past 364 days, ngayon na lang ako ulit umiyak. Nakakatawa dahil umiyak lang ako tuwing last day of October. How funny is that, coincidence?
Isiniksik ko ang sarili ko sa mga tuhod ko. Walang tigil ang patak ng mga luha ko. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. Pakiramdam ko ii-iyak ko na naman magdamag ang mga luhang naipon ko ng buong taon. Ang sakit, ang bigat sobrang hapdi ng puso ko. Ang hirap umiyak ng walang ingay, hindi nila ako pwedeng marinig. Madadamay lang sila, iiyak din sila, malulungkot... maaawa sa akin.
This is my battle, my own battle. It's between me and myself alone. It'll be better to be alone in this battle, no one can conquer this but me, only myself. The heartaches, the longing, no one can fulfill all of these so it's better to just be like this. I got this, one day I'll stop being this miserable.
One day, I'll be truly fine.
************
Nagising ako sa ingay mula sa tila nabasag na kung ano. Tumama ang mainit na sikat ng araw sa mukha ko. Bukas na ang bintana o baka nakatulugan ko nalang. Iniikot ko sa paligid ang tingin ko, nakaayos na ako ng higa, may kumot at yakap-yakap ang tupi-tupi ng lumang litrato.
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.