A/N:Thank you so much kung nakarating ka sa part na ito! ❤️
Sorry po sa lahat ng errors lalo na po sa grammar, anyway please don't forget to vote and share! You're support will be highly appreciated! ❤️
Lablatssss❤️❤️
JULIA AMARIS ' POV
Matapos kumain ay bumalik din kami agad sa classroom. Nauna nang umalis sa amin si Xian kaya hindi na namin siya kasabay. Hindi raw kasi siya komportable na kasama kami.
Kapal ng mukha, siya pa nagreklamo!
Ang totoo nga ay ayaw ko pa sana umalis ng cafeteria dahil hindi ko pa nakikita si Gian, sigurado ako kaunting hintay nalang sana ay pupunta na din 'yon at makikita ko na siya, kaya lang nagmamadali 'tong kasama ko.
Hindi ko daw kasi siya sinamahan kay kuya kaya hindi niya din daw hahayaan na makasilay ako kay Gian. Baliw rin!
Gustong-gusto ko na siyang makita! Nawawalan ako ng gana pag hindi ko siya nakikita!
" Sa tingin ko naman, mabait yung si Xian. Makulit lang talaga siguro tsaka mukha lang talagang basagulero. "
" So, ayan 'yung kanina mo pa pinag-iisipan? " Cross-arms kong tanong.
Ngumiwi siya at umatras pa ng isang hakbang. " Hindi 'no! Ang iniisip ko kanina ay yung kuya mo. Kailan ko kaya siya makakasabay na kumain? "
Ako naman ang ngumiwi. Patay na patay sa kuya ko, ang hindi niya alam mukhang may iba namang gusto' yung kuya ko! Kapag naman sinabi sa kanya, ayaw naman maniwala.
* sighed *
" Bakit hindi mo kaya subukan na papuntahin dito ang kuya mo 'pag lunch break na, tapos sabay-sabay tayong kakain?! Ha? Pwede naman 'yon di'ba? "
Mataray ko siyang nilingon saka tinitigan eye to eye.
" Kailan mo ba matatanggap na hindi nga ikaw ang gusto no'n? Meron ngang iba! May i-ba! May IBA siyang gusto! Sinasaktan mo lang at pinapaasa ang sarili mo... Andami-dami pa naman diyang iba! " Dire-diretso kong sabi, hindi na namalayan na napaiyak ko na pala siya..
Ayyy naku naman!!
Hinaplos ko siya sa likod saka pinatahan. " Tanggapin mo nalang kasi sis. Hindi nga kayo pwede. May iba siyang gusto, tanggapin mo na lang. Makakahanap ka pa ng iba, don't worry. " Pinilit kong pagpantayin ang tingin naming dalawa.
" B-Ba-kit ba h-hindi? A-ansa-kit mo l-lang n-naman k-kase na m-magsa-lita." Kita kong pigil na niya ang iyak. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay---
" Araaayy!!! Kingina naman eehhh!! " Mangiyak-ngiyak kong hiyaw. Ang baliw na babaeng 'to, binatukan nanaman ako!
''Pag ako lalong nabobo! '
" Huwag mong pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari! May time machine ka ba ? Nag travel ka ba sa future ha? Hangga't nabubuhay may pag-asa! Huwag mo akong igaya sa' yo na kahit kanino itanong, walang pag-asa sa crush mo! " Mahaba niya usal na inambaan pa ulit ako ng isa pa sanang batok pero nakaiwas na ako. " Kapag naging asawa ko kuya mo. Huwag na huwag mo akong tatawagin na ate! " Dagdag pa niya.
'Okay, sabi ko nga dapat hindi nalang ako nagsalita!'
" Kingina! Talagang hindi! "
" Talaga! "
" Dahil hindi naman talaga kayo magkakatuluyan! " Pagkatapos kong magsalita ay nanakbo na ako.
Mahirap na! Baka abutan ulit ng kamay niya!
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.