Chapter 17

28 7 0
                                    

A/N:

Thank you so much everyone! ❤️

Sorry na agad sa mga error. 😊

Picture ni Ninay ay nasa baba po👇



JULIA AMARIS' POV




Matapos ang napakahaba kong umaga ay sa wakas nasa classroom na ako. Hindi ko na binitawan si Samantha hanggang sa makapasok kami ng room. Last minute na nga nung makarating kami. Pagkaupong-pagkaupo ko ay dumating ang teacher namin.

History na naman!

Pawisan ako at ipinagtataka yon ni Ninay. Pinagtataka niya rin kung bakit kami sabay ni Samantha. Pinaliwanag ko naman sa kaniya lahat ng nangyari maliban sa huling sinabi ni Xian. Hinanap pa niya yung isa kung nasaan na at bakit hindi pa namin kasabay pero hindi ko na siya sinagot kasi hindi ko naman alam kung nasaan na siya.

Sure akong papasok din yon. Baka next subject na nga lang.

"Imperial?"

Itong teacher lang na ito ang nagchecheck ng attendance kaya for sure ma-marked as absent siya. Wala naman akong pakelam pero dapat ba akong makonsensya kasi hindi na siya nakapasok gawa ko.

"Imperial?"

Halatang nawala siya sa mood dahil sa akin. Hindi na siya nakapasok baka dahil ayaw niya na ako makita. Kung sabagay ako nga asar na asar sa kaniya e malamang asar din yon sakin. Anyway nag sorry na naman ako kaya okay na 'yon.

"Huy napapaano ka ba kanina ka pa tinatawag."

"MISS. JULIA AMARIS ALONZO IMPERIAL?"

Huh?

Napatingin ako sa unahan at nagsalubong ang tingin namin ni teacher Beth. Hehe kamukha niya na si Xian kanina. Parehas na sila ng expression.

Napangiwi ako.

"Present po." mahina at nahihiya kong sagot.

"HAHAHAHA!!"

"ANTOK PA ATA!"

"ANO BA 'YAN JULIA, LUNES NA LUNES OH!" Si Juan iyon at masama ang tingin ko siyang nilingon.

Makapangaral ang loko akala mo sin tino ni St. John!

"Magtigil ka Mr. John Matthew Monreal, isa ka pa rin namang laging lutang." pangaral sa kaniya ni teacher. Nilingon ko siya saka niyabangan.

Ang bait bait ng pangalan biruin mo JUAN na MATTHEW pa! Kulang nalang sina Lucas at Marcos eh! Charizzz! Sorry Lord, hindi ko po tinitrip ang mga disciples mo! Hehe..

Pare-pareho kaming napalingon sa pinto ng biglang pumasok ang taong dahilan kung bakit lutang ako. Diretso ang tingin niya kay Cher Beth. Tinaasan niya pa ito ng kamay senyales na present siya pero wala siyang sinabi.

Galing!

Pinilit kong hindi siya tingnan. Iniharap ko ang sarili ko kay Ninay na ngayon ay nakatingin kay Xian at hinuhulaan kung anong nangyayari. Naramdaman ko ng lumampas siya kaya naman tumuwid na ako ng pwesto. Hindi ko siya nilingon. Nahihiya ako, naiinis at natatakot sa kaniya.

Alam kong kaya niyang totohanin lahat ng banta niya at natatakot ako.

Natapos ang attendance. Rinig ko pang kinakausap siya ng mga tao sa likod pero hindi ko man lang siya narinig na magsalita. Senyales lang na wala talaga siya sa mood. And it's my fuckin fault.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon