Chapter 13 - Punishment

36 10 4
                                    

A/N:

Woahhh thank you guysss so much!! Baka nga walang nakakabasa ng mga author's note ko hehe feel ko lang talaga mag note, nararamdaman ko pagiging author HAHA.

Anyway wala pa tayong portrayers sa mga mc may naiisip na ako pero dipa ako makapag decide. Hehe.

Sorry po sa mga errors.

Please don't forget to share and vote! ❤️

Picture ni Juan nasa baba, nauna pa portrayer niya bago mga mc HAHAHA!


JULIA AMARIS' POV

After mag cafeteria ay dumaan kami sa locker namin ni Ninay. Nandoon na rin ang iba naming classmates. As usual maingay na naman.

Iniwan lang namin ang iba naming gamit na hindi kailangan iuwi. After kasi nito ay uwian na. Syempre kami lang, pinauwi na kaming section 7 dahil mag-iisip daw muna sila paano kami patitinuin.

Napangiwi ako.

Hindi naman ako kasali kasiii! Yung isang tao lang na kilala ko ang dapat pinapatino.

Pagkaayos ng mga gamit ay dumeretso na kami sa may soccer field. Hindi ko alam bakit kailangan doon pa. Sa classroom nalang sana diba?

Parusa na rin daw kasi sa amin na mainitan. Hehe.

******

Nakatayo kaming lahat ngayon sa gitna ng soccer field ng school.

Ako lang, ako lang ata ang takot.

Pag ba talaga rich kids hindi takot sa dean?

Eh?

Accidentally akong napalingon sa likod ko, at 'di akalain na makikita ko si Xian na nakatayo doon na parang siya na ang pinaka walang pakeelam sa lahat ng nandito. Tuwid na tuwid ng pagkakatayo niya at bukod doon ay naka cross-arms pa.

Ang tindi!

Men, you're the best!

Gumalaw ang mata niya at saktong sakin yun tumapat. Wala siyang expression. Kung cold na siya nung una ko siyang makita sa gate ng school noon, mas cold ang mga mata niya ngayon. His gaze is like those from the vampires in the series. They hate humans, he hates me.

What's with him anyway?

I did nothing wrong. I mean, not so serious to the point na ayaw niya na akong kausapin kahit kailan. Ang babaw ng pinag-awayan namin.

Ang sama talaga ng ugali niya. Ang tindi pa magtanim ng galit.

Hindi ko na namalayan na sobrang tagal ko na palang nakatitig sa kaniya. Hindi rin naman niya iniiwas ang tingin niya pero pansin kong ayaw niya ako tingnan, ayaw niya lang umiwas dahil mataas pride niya. Pairap akong nag-iwas ng tingin.

Tsh!

Tuloy ay wala akong naintindihan sa sinabi ng dean! Meaning hindi na rin ako takot sa Dean kasi ang tapang kong hindi makinig!

"Anong sabi?" Bulong ko kay Ninay.

"Ay wow! Hindi ka nakikinig?"

"Tsh! Ano nga?"

"Special number."

Sa sinabi niya ay naguguluhan ako. Anong sinasabi nito?

Huh?

Special number?

Ano 'yon?

"Be precise! Anong ibig sabihin non?" I asked in annoyance.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon