A/N:
Helloooooo, everyoneee!!
Gusto ko lang ulit mag thank you dahil nakarating ka hanggang dito, thank you so muchhhh!! ❤️ Hope you enjoy this chapter. ❤️
And also, again, sorry po sa mga error. ❤️
Finallyyy, picture ni Xian nasa baba 👇
P. S : Hindi ako expert about people with Down Syndrome or Trisomy 21, kaya hindi ko na po masyado inelaborate yung scene.Thank youuu..
JULIA AMARIS ' POV
Hahangos-hangos kaming lahat matapos ang PE subject namin. Palibhasa ay mga gutom, wala tuloy sa amin ang makapangulit. Kahit ang alagad ni Lord na si Juan ay walang lakas manggulo. Akalain mong napapagod din ang loko.
"Uwian na ba?" Si Xian na ngayon ay nakahiga na sa floor ng basketball court.
"Oo boy." Si Juan ang sumagot.
"Anong Boy? Eh kung tuktukan kita diyan."
"HAHAHA joke lang ih!"
Mula pa kanina ay nakadikit na yan sa kaniya ganon na din sa amin kasi kami nga ang magkakasama. Hindi naman dapat pero kami ngayon ay isa ng circle of friends.
Funny.
Nakwento na rin ni Juan kay Xian ang sinabi at reaksyon ng iba naming mga kaklase kanina. Hindi naman sila nag-away at parang hindi naman din big deal kay Xian kahit napagsalitaan siya ng ganon. Biruin mo at may side naman pala siyang kapaki-pakinabang.
Maya-maya pa ay tumayo na si Xian at ang buntot niyang si Juan. Para silang magtatay hehe.
Pumalakpak si Xian at pati PE instructor namin ay napalingon. May plano na naman ang ugok pero nakalimutan ata na may teacher pa kaming kasama.
"Kakain tayo sa labas! Sagot ko na!!" Bigla ay anunsyo niya.
Nabuhayan ang lahat at nagliwanag ng kusa ang kanilang mga mukha. Pero syempre kasali ako doon at ang maingay kong kalapit.
"Ganiyan dapat ang mga announcement!!" ika pa niya.
"Si Xian na ulit ang president! Samantha baba ka muna ulit sa pwesto!" Si Harry iyon. Nag-iikot sa court kasama ng ibang mga ugok.
"Tsss.."
Nagtawanan ang lahat dahil sa reaksyon ni Sam. Ginawa na naman ba kasing biro ang pwesto niya. Kung pababain at iluklok siya akala mo ay biro at laro-laro lang. Kahit ako natatawa sa routine nila.
"Bakit, pinauwi ko na ba kayo?"
Sabay - sabay kaming napalingon kay Teacher Dan ng bigla siyang magsalita. Natahimik ang lahat at mabait na nagsipag balikan sa mga pwesto nila.
"We still have 30 minutes for our class." anunsyo pa ni sir habang nakatingin sa relos niya. "But since I know you all didn't not have lunch, pwede na kayong umuwi. I'll call the head of the security para makalabas na kayo." aniya saka malawak kaming nginitian at naglakad paalis.
Mabilis naman kaming tumayo saka nagpaalam. "Thank you, teacher Dan!" pagkatapos ay nagsipagtalunan ang karamihan.
Lakas ng adrenaline ng mga 'to.
"WOAHHHHH YOU'RE THE BEST TEACHER!! AYLABYU!!"
"MASUNGIT KA SIR PERO MAHAL KA NAMIN!"
"INGAT KAYO SIR, MASARAP SANA ULAM NIYO PALAGI!"
"SALAMAT CHER!!! PAGPAPALAIN KAYO NG LUBOS!"
BINABASA MO ANG
Hydrangea Love (ONGOING)
RomanceFlowers Series : Story #1 Just a story of a normal 17-year old girl and the man she didn't expected, she'll called ' love of her life'. Full of ups and downs but all will fall perfectly in their own place, one by one.