Chapter 39

21 5 0
                                    

JULIA AMARIS 'POV

I was mad, I was really... really mad!

Kung hindi ko lang siya kuya at kung hindi ko lang rin siya kilala ay baka nagamit ko na lahat ng fighting skills ko para lumpuhin siya kahapon. Pag-kauwi ba naman namin dito sa bahay ay akala ko tapos na ang panenermon niya pero hindi pa pala.

Ang tindi dahil hanggang alas-singko ng hapon ay pinapagalitan niya ako, dinaig pa si tatay!

At ang mga sermon niya hindi lang tungkol sa nangyari sa amin kahapon sa mall kundi tungkol sa lahat ng nangyari sa akin nitong nagdaang mga araw. Mula sa Villa hanggang sa cemetery. At kung paano niya nalaman lahat ng mga' yon ay alam kong si Xian lang ang dapat sisihin.

'Sumbungero ang loko!'

Kulang na lang isipin kong maysa-manghuhula 'tong kapatid ko dahil pati nangyaring pagkikita namin ni Gian sa loob ng sementeryo ay nalaman niya. Gusto ko sanang magalit at magmaktol kahapon pero hindi ko na ginawa dahil patong-patong ba naman ang nilatag sa aking kasalanan ko.

Ang tapang ko nga kung aapela pa ako!

Ngayon ay nasa terrace ako habang kumakain ng titsirya at masama ang tingin kay Kuya na naggagawa naman ng plates niya. Talagang nilipat niya lahat ng equipment niya dito sa terrace para lang bantayan ako at kung anong gagawin ko. Kung may dadalaw daw ba sa akin o kung lalabas daw ba ako ng bahay.

Lintek daig pa bodyguard! Tingin ba nito sakin, maganda?

"Kuhanan mo nga 'kong water at huwag mo' kong tinitignan ng ganyan kasama dahil nasasaktan ako!" dramatic na aniya na may paghawak pa sa dibdib niya at kunwaring pag-iyak.

"Abnoy." bulong ko habang marahang tumatayo mula sa pagkakasalampak ko sa nilabas naming sofa. Narinig ko pa siyang tumawa pero hindi ko na pinansin.

As he requested kumuha nga ako ng tubig. Nag-alangan pa ako kung drinking water o tubig gripo pero naisip ko aanuhin niya ang tubig galing gripo kaya drinking water ang kinuha ko.

"Oh!" nilapag ko ang isang baso at pitser na puno ng tubig sa upuan malapit sa drafting table niya. Agad naman niyang ininom 'yon ng hindi man lang nagpapasalamat sa akin.

Ang sarap kaltukan!

Maya-maya pa ay sabay kaming napalingon sa maliit na gate namin dahil sa busina ng kung kaninong kotseng huminto doon. Kulay asul na kotse ang natatanawan ko or should I better say an ocean blue sportscar.

At sino na namang anak ng Diyos 'to?

Dahil nga sa mababa ang fence namin ay kitang-kita ko kung kaninong kasumpa-sumpang mukha ang lumabas mula sa magarang sasakyan na' yon. Hindi pala anak ng Diyos, binabawi ko na.

Ilang kotse ba ang meron ang taong 'to?

Malawak ang ngiti niyang kumaway sa amin. Middle finger ang gusto kong ikaway sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. He's not worth the effort.

Sinenyasan siya ni Kuya na pumasok kaya tuwang-tuwa na pumasok ang kumag bitbit ang napakaraming paper bags. I doubt sa amin lahat 'yan' cause who the heck in this house would afford buying all of that?!

"Yow bro'." bati niya kay kuya.

"Tsh!" sagot naman ng kuya ko.

Kunot ang noo ko ng lampasan niya kami at diretso siyang pumasok sa bahay namin at ilapag sa salas ang lahat ng bitbit niya bago muling lumabas ng terrace namin at maki-inom ng tubig.

Feel at home talaga 'tong tao na' to!

"Hi." bati niya sa akin pagkainom ng tubig. Nakangiti pa ng hindi labas ang ngipin. Masungit ko siyang siniringan. "Sungit..." aniya na hindi ko nalang pinansin pero yon ay dahil akala ko hanggang doon lang ang sasabihin niya. "Hindi naman maganda.." dugtong pa niya ng makatalikod na ako.

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon